[o14] Late Night Conversations

362 20 6
                                    

Third Person's POV

Habang nag-uusap ang EXO at SNSD ay napagpasyahan ni Yuri na lumabas sa bahay nila at maglibot sa village. Hiniram rin niya yung aso ni Tao na si Candy para may makasama naman siyang maglibot-libot.

"Alam mo Candy, nakakadrain ng powers yung ginawa namin kanina. Sobrang nahilo talaga ako." kinakausap niya lang si Candy kasi wala siyang mapag-labasan ng mga hinanaing.

"Tapos feeling ko talaga Candy, di pa sila naniniwala. Alam mo yun? Tingin nila samin magkukulam. Haha. Mukha ba kaming mga mangkukulam? Sa ganda kong to? Mangkukulam." bigla namang tumahol si Candy kaya napasimangot si Yuri.

"Eh? Maganda kaya ako Candy. Wag ka nang kumontra. Si Luhan lang naman di nakakapansin na maganda ako eh, wag kanang dumagdag." ibinaba niya na lang si Candy para sabay na rin silang maglakad.

"Hala, ang ganda nung bulaklak Candy oh. Dali puntahan natin." tumakbo sila ni Candy sa tapat ng isang bahay na may mga bulaklak. Nagmumukha na rin itong greenhouse sa dami ng bulaklak. Mas lalong namangha si Yuri dahil kahit gabi na eh makikita mo pa rin ang matingkad na kulay ng mga bulaklak. Hindi niya namalayan na nabitawan niya na pala ang tali ni Candy kaya nakatakas ang cute na aso.

Bigla naman niyang naalala na may dala pala siyang aso pero pagkakita niya sa kamay niya eh wala na ang tali. Kinabahan siya kasi mahal na mahal ni Tao yung aso niya at hindi pwedeng siya lang ang makawala nun. Malalagutan siya kay Tao, masungit pa naman yun.

"Hala! Candy. Nasan na ba yung asong yun? Patay talaga ako neto." hinanap niya si Candy kaya't napadpad siya sa kabilang street, may naririnig siyang tahol ng aso sa isang bakanteng lote kaya pinuntahan niya ito.

"Candy? Nako, magpakita ka nang galang aso ka. Papatayin talaga ako ng amo mo neto." kinakausap na niya yung sarili niya kasi kinakabahan na siya. Baka kasi tustahin siya ni Tao ng buhay at yun pa ang ikamatay niya. Maging tustadong fairy pa siya.

"Miss, ikaw ba amo nitong asong to?" hinarap niya yung nagtanong at nakita niya si Candy na tumatahol-tahol. Lumapit siya dito at kinuha si Candy.

"Ah, oo. Ano, gala kasi tong asong to. Pasensya na ah?" paghingi niya ng pasensya. Akmang aalis na sana siya ng nagsalita ulit yung lalaki kaya humarap ulit siya.

"Ah, ako nga pala si Minho. Hatid na kita? Gabi na rin kasi eh, may mga tambay jan sa tabi-tabi. Baka mapano ka pa." Wala naman nang nagawa si Yuri kasi baka mas malala pa pala yung kamyakan ng mga tambay sa kamanyakan ni Kai kaya sumama na lang siya.

×××××××××

Yuri's POV

Marami-rami rin kaming napag-usapan ni Minho, mabait naman siya eh. Sa kabilang village lang rin pala siya nakatira kasama yung mga kabarkada niya. Masaya siyang kausap kaya nung pag-uwi ko eh nagtatawanan kami kaya yung girls, pati na rin ang EXO eh ang sama ng tingin samin.

"Pst, Yuling. Ba't late ka nang umuwi? Sabi mo papasyal lang kayo ni Candy ah, tapos pag-uwi mo dito may kasama ka na agad? Aba't ibang klase ka rin." -Sooyoung. Ibang klase din tong pagiging chismosa ni Sooyoung eh, may kasama na ngang lait, may kasama pang pang-iintriga. Sinauli ko na kay Tao yung aso niya, baka kasi mawala na naman, ang cute pa naman nun. Ang sarap kurutin, kung di lang siya aso eh.

"Ah, yun ba? Nakatakas kasi si Candy eh, tapos ayun. Siya nakakuha, tsaka Minho pangalan nun. Gwapo niya ano? Sabi niya kasi ihahatid niya na daw ako kasi marami rawng tambay diyan sa kanto, baka prituhin kaming dalawa ni Candy." inexplain ko na sakanila lahat pero parang di parin sila naniniwala.

I'll be your Tinkerbell [EXOShidae FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon