[o25] Hurt

327 17 6
                                    

Note: Happy 4k reads. Thankyou guys❤ and sorry for the long wait. :) unedited. I'll edit this soon.

March 21, Tuesday. 9:30 pm

Yuri's POV

"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ko kay Luhan. Dinala lang naman ako sa bar. Problema ng ugok na to?

"Tss. Wag mo nang basagin trip ko. Inom tayo." Saka niya ako hinila papunta sa bar counter. His face was kinda haggard tapos sobrang raspy pa nung boses niya. Sa pagkakaalam ko, nagbreak na sila ni Chorong eh. At may plano pa yata syang maglasing ngayon. "One tequila please. Tapos isang ice tea." Sabi niya dun sa babaeng nagseserve na todo pacute sakanya. Sarap dukutin ng mata ng babaeng to. Feeling niya talaga cute siya?! Yuck!

"Ang daya mo. Ice tea lang saakin. Dinala-dala mo pa ako dito." Tumawa lang siya sa sinabi ko. Kainis tong lalaking to, lakas niyang magpacute ah? Mabaog sana siya.

"Kaya nga kita dinala para may umakay sakin pauwi." Ay, kaloka. Ginawa akong yaya.

"Katulong tingin mo sakin? Para namang sineswelduhan mo ko."

"Hahaha. Joke lang. Gusto ko lang talaga ng may makakausap." Then he flash a small smile. Tumango na lang ako. Maya-maya eh dumating na yung order niya. "Oh, inumin mo na yan. Masarap yan." Agad niyang tinungga yung tequila habang nakasandal sa sofa dito sa bar.

"Bakit ganun? Wala naman akong ginawa sakanya para humantong kami sa puntong yon?" Pagbubukas niya ng usapan. I took a sip on my iced tea before answering, "Baka naman kasi totoong ayaw na niya." I paused for a second before continuing, "Baka kasi, sobrang sakal na niya. Pagod na siguro siya." Hindi ko kasi talaga alam kung ano yung nangyari kasi hindi naman kami masyadong close ni Chorong para chumika ako, at hindi narin ako nakisali sa usapan nila kanina.

"Sana pala hindi ko na lang siya inayang magpakasal." Bigla namang nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Ganun niya kamahal si Chorong? "Akala ko kasi handa na syang magpakasal eh. Hindi pa pala. Siguro nasakal na saakin." He let out a heavy sigh bago niya ipinagpatuloy ang pagtungga ng tequila.

"Alam mo naman palang hindi pa siya handa eh, ba't mo pa sinabi? Tanga mo Luhan." Binatukan ko siya kaya tumawa na naman siya. Baliw talaga tong usang to.

"Tapos ngayon, gaganyan ganyan ka. Baliw ka ba?" Kung wala lang akong gusto sa usang to, kanina ko pa to sinapak. Okay, ano yun Yuri? Ugh!

"Oo baliw. Baliw sakanya." He chuckled but I could feel my heart being teared up. Ba't ka ba kasi sumama sakanya hah, Kwon Yuri?!! Sana natulog ka na lang dun, nagpahila ka pa sa lalaking ito.

"Oh, okay ka lang? Ba't bigla ka yatang natahimik?" He asked minutes after the awkward silence. Ininom ko lang yung iced tea ko. Sakanya, nakakatatlong baso na siya. Medyo husky na rin yung boses niya kaya halata mo nang medyo may tama na siya. "Ako yata ang dapat magtanong niyan. Okay ka pa ba?" And right there in the moment, he cried.

Umaagos lang yung mga luha niya kaya pilit niyang pinupunasan pero tumutulo pa rin. Kumuha na siya ng tissue sa table at ipinampahid iyon sa mukha niya.

"Sorry ah? Hindi ko na napigil eh." He said still wiping his face. Ramdam na ramdam ko yung sakit ng pinagdadaanan niya at ayoko ng nakikita ko ngayon. Lumapit na ako sakanya saka kinuha yung hawak niyang tissue.

"Okay lang naman umiyak eh." I said while wiping his tears away with my hands. He bowed his head as he cupped the left side of his chest. Sinusuntok-suntok niya ito na parang nahihirapan siyang huminga. "Ang sakit dito Yuri oh. Sobrang sakit." Saka niya itinuro yung puso niya.

"Ilabas mo lang lahat. Aayos rin yan." Hinihimas-himas ko pa yung likod niya para kumalma na siya. Minutes later, he stopped crying as he face me.

I'll be your Tinkerbell [EXOShidae FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon