CTM - Kabanata 12

1.4K 29 15
                                    

Something's wrong.


Jace has been distant ever since bumalik kami mula sa province. Must be because of the phone call he had nang makabalik kami dito. Ayaw ko namang makialam dahil baka tungkol iyon sa business niya. I know he's courting me pero hindi naman ata tama na basta-basta na lang akong makialam.


Aish, I should not be thinking of Jace kapag nasa klase ako!


Nang matapos ang klase, inayos ko muna ang gamit ko. No need to hurry, hindi pa naman ako tinetext ni Jace e, baka busy 'yun.


"Aba, aba, wala kang sundo?" tanong ni Ciara.


"Anong sundo ka d'yan? Parang baliw 'to," sabi ko.


"Edi si Fafa Jace!" sigaw ni Ciara.


"Anong fafa ka d'yan? Para ka talagang bakla kung magsalita."


"Nakasanayan na e. Pero seryoso, buti wala si Jace ngayon?"


"Busy. May something siguro sa trabaho niya."


"Ang galing mag-time management ni Jace, ano? Pinagsasabay talaga pag-aaral pati negosyo!"


"Oo nga e. Nakakapag-pahinga pa siya n'yan tsaka nakakapag-laro sa mga pinsan niya."


"Infairness, ang gwapo nung pinsan niyang si King! Hot nun kapag nagfofootball!"


"Nagfafangirl ka na naman, Ciara. They're just normal people."


"Anong normal people? They're considered as the royalty here. Sila ang elite dito sa'tin!"


"Still, they're ordinary. They just came from a rich family."


"Hay, ewan ko sa'yo. Dapat nagpre-Law course ka na lang! Bagay ka 'dun!" sabi ni Ciara habang kinakamot ang ulo niya. Tumawa naman ako at umiling na lang.


Inisip ko tuloy kung anong gagawin ko katapos ko dito. Hindi pa naman ako tinetext ni Jace so baka pwedeng ngayon ko na lang kitain si Patrick.


To: PSD

 Saaaaamuel! U busy? Is your coffee offer still good?


Agad-agad namang nagreply si Patrick


From: PSD

 Heraaaaaa (you started it)! Yep, galing talaga ng timing nito! Kakatapos lang ng klase ko. Cafe Putsino in 5?


To: PSD

 Not regretting calling you Samuel :P Magbaon ka ng maraming kwento!


Pagka-send noon ay si Jace naman ang tinext ko.


To: Jace

 Went to see a friend, and baka umuwi muna ako sa bahay ngayon. Baka napuno na ng alikabok don.


Habang naglalakad ako papunta sa cafe ay regular ang pagtingin ko sa cellphone ko. Hindi pa rin nagrereply si Jace sa akin. Ano na kayang nangyari dun?

Believing in MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon