CTM - Kabanata 3

1.2K 26 1
                                    

CTM –Kabanata 3

“You’re late again,” sabi niya sa akin pagkarating ko sa meeting place namin habang hingal na hingal. He is sitting on the table again pero this time, he looks more like a student than a businessman. He’s wearing a black-and-white long-sleeved shirt, classic chinos and classic sneakers. Kahit dalawang taon ang agwat namin, parang mas mukha pa akong 20 kesa sa kanya.

“Sorry, nag-overtime yung prof ko kanina. Masyado ata kaming namiss,” sabi ko, hoping I could get a smile from him. Pero, hindi lang smile ang binigay niya sa akin.

Tumawa pa siya.

 

My mouth literally fell open. Hindi ko in-expect na ngingiti siya, let alone tawa pa. This guy is full of surprises talaga.

“Stop gawking at me,” biglang sabi niya.

“Ay wow, kapal naman. So, ano nang pag-uusapan natin?” tanong ko sa kanya.

“We’re going to talk about your schedule. And you need to sign this contract, for formality,” sabi niya sa akin tapos linapag ang isang folder. Kinuha ko naman iyon at tiningnan ang laman.

CONTRACT AGREEMENT FOR THE WORK OF MS. HERA JUNO JAVIER HEREINAFTER CALLED THE “CONTRACTOR” FOR MR. JOHN CHRISTIAN MANANSALA HEREINAFTER CALLED THE “OWNER”

 

Terms and Conditions
(…)

 

Mukhang reasonable naman ang mga terms and conditions na nakalagay doon. Hindi naman siya nakakasakal. At, flexible naman ang oras na nakalagay doon. Agad ko na itong pinirmahan.

“You sure took your time,” sabi niya sa akin.

“Syempre naman! Dapat basahin ko muna nang mabuti. Baka kasi mamaya, nakalagay dito na pwede mo akong itapon sa ilog kapag nairita ka na sa akin e,” sabi ko sa kanya tapos tumawa.

“Now that you suggested it…” sabi niya tapos umakmang aabutin ang folder na agad ko namang nilayo sa kanya.

“Hey, wala nang corrections! Pinirmahan ko na e!” sabi ko sa kanya.

“Okay, okay. You don’t have to react that way. Nagjojoke lang ako,” sabi niya, stating the obvious.

“Ah talaga? Joke yun?´tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya tapos tumingin sa orasan niya at sa phone niya.

“Come on, we gotta go. I need to show you the other things you need to do,” sabi niya sa akin tapos tumayo na.

Believing in MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon