CTM - Kabanata 11

772 30 10
                                    

Hay, we're finally back in Manila! Medyo natagalan nga kami sa probinsya kasi si Apollo! Sobrang kulit! Tapos, sila Mama, lagi pang naghahain ng masasarap na pagkain. Tumaba tuloy ako hayy.


"Ako na lang mag-aayos ng gamit mo. Kanina pa tumutunog yang phone mo. I think you should answer that," sabi ko tapos kinuha pareho ang mga bags namin para kunin ang mga maduduming damit. Mamaya ay dadaan ako sa laundry shop para labhan ang mga ito.


"Thanks," sabi naman ni Jace at pumunta na sa office niya.


After kong  maayos ang mga labahin, pumunta ako sa office niya para magpaalam na lalabas ako. Kakatok pa lang sana ako nang marinig ko ang galit na sigaw niya.


"No, tito! I can't do that! Father will not be happy if he knows about this!" sigaw niya sa kausap niya sa telepono. Hm, ang tagal na nilang nag-uusap ha. Umurong ako at pumunta na lang sa kitchen para magsulat ng note.


J, 

      Just went to the laundry shop. Bbl. ♥

                                                                     J.


Matapos kong isulat ay nilagay ko iyon sa tapat ng ref dahil alam kong iyon ang una niyang pupuntahan pagkalabas niya ng office niya.


"Juno! Wow, long time no see!" 


Nagulat ako sa kung sino ang bumati sa akin pagkapasok ko sa laundry shop. It was no other than Patrick David!


"Uy, Patrick! Kamusta na ang future architect?" tanong ko at tumawa.


"Eto, ngarag sa plates! Ikaw, kamusta na? May business prospects ka na ba? Pautang ha!" sabi niya.


"Wow! Di pa nga gumagraduate!" sabi ko. Napansin ko namang napatingin siya sa bag ko.


"Wow, Juno, you're wearing boxers na pala ngayon. Kaya pala nagbreak tayo nung high school!" sabi niya at tumawa nang malakas.


"Lul! Hindi sa akin 'to! Nautusan lang ako," sabi ko sa kanya tapos ay pumunta na sa mga washing machines.


"So, what have you been up to these days?" tanong ni Pat sa akin.


"Wala naman, college stuff. Stress and everything."


"You want to go out for coffee?"


"Oh my gosh, Patrick Samuel David, niyayaya mo ba ako sa date?" pang-iinis ko sa kanya. Nung kasing kami pa, minsan lang siyang magyayang mag-date.


"A friendly date lang naman! Ikaw ha, assuming ka pa rin!" sabi niya sa akin.


"Wow ha. Nahiya naman ako sa'yo. Pero, to answer your question, sure, pero 'wag muna ngayon, please. Kakauwi ko lang galing probinsya. Message mo na lang ako sa Facebook, aryt?" sabi ko tapos ay nagpaalam sa kanya para malabhan na ang mga damit.


Pagka-uwi ko sa bahay ni Jace, naka-lock ang pintuan at may note sa labas. 


J,

                     Went to the office. You have a copy of the key, diba? Don't wait for me, I might come home late.

                                                                                                        J.


Kinuha ko naman ang susi mula sa bag ko at pumasok na. Agad ko namang in-on ang WiFi ko para makapagsulat na sa Wattpad.


How It Came To Be by hellohera


I was staring at the way he sips his coffee—the way he touches the cup's handle, the way he lifts it up and aligns it with his mouth.

Everything he did was beyond divine. 

But, whenever I look into his eyes, all I can see is sadness. Now, all I know is that he is empty. How did this happen? 

Well, that question is what made everything go to their right places.


And, with that, I posted the prologue for my brand new story.

Believing in MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon