BiM - 1: Piyansey

5.9K 119 13
                                    

CHICHAY

"Oh sandali muna ha. Kakapayag lang sa kasal ng anak ko ha? Baka mamaya magkaroon na ng new member of the family," sabi ni Papa Bear nang makitang naka-akbay sa akin si Joaquin.

"Papa Bear naman!" nahihiyang sabi ko.

"Wag na wag po kayong mag-aalala, Papa Bear. Rerespetuhin ko po ang Care Bear niyo," sabi naman ni Joaquin.

"Siguraduhin mo lang, Joaquin. SANDALI NGA, KAILAN MO PA AKO TINAWAG NA PAPA BEAR HA?" 

"Ha? Di pa po ba pwede? Eh ano pong itatawag ko sa inyo?"

"De joke lang. Niloloko lang kita. Eto talagang piyansey mo, Chichay, matatakutin."

Ano raw sabi ni Papa Bear?

"Anong sabi mo, Papa Bear?" tanong ko habang natatawa.

"Ano bang sinabi ko?" naguguluhang tanong ni Papa Bear.

"Yung ano, yung piyansey?" 

"Oh anong meron dun?"

"Di naman kasi piyansey yun, Papa Bear. Fiancee yun. Letter 'f'!"

"Hay naku, hayaan mo na yun. Tara, balik na tayo sa pansitan," sabi ni Papa Bear.

"Eh, may mural pa akong gagawin, Papa Bear. Kawawa naman si Kuya AG dun, hinihintay ako," sabi ko.

"Ako rin po, Papa Bear, may aayusin pa sa opisina eh. Next week pa kasi ang balik nila mama galing sa honeymoon nila," sabi naman ni Joaquin.

"Ah ganun ba? Una na kami ha?" sabi ni Papa Bear tapos tinawag na sila Pedro.

"Sige po, Papa Bear, bye!"

"Hoy, Joaquin, tandaan mo walang biglang liko ha?" pagbabanta ni Papa Bear.

"Opo, Boss Papa Bear!" sabi niya tapos kumaway na nang makasakay na sila ng jeep.

"Oh, Joaquin, una na ako ha?" sabi ko tapos pinunasan yung mga luha sa mata ko. Grabe naman kasi 'to kung makapag-propose! Buwis buhay!

"Hatid na kita," sabi niya tapos pumunta kami sa parking lot.

"Ang ganda ng best magic ever noh?" tanong niya sa akin.

"Ikaw lang nasiyahan dyan sa surprise mo sa akin!"

Believing in MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon