CTM - Kabanata 10

1.1K 35 6
                                    

CTM – Kabanata 10

Hindi ko alam kung ako pa rin ang anak ng mga magulang ko o itong si Jace na. Sobrang na-out of place ako dito sa amin! Nakuha na niya agad ang loob ni Mama (family matters), Papa (Spurs fans) at kay Apollo (miniature cars). Si Kuya Ares na nga lang ang pag-asa ko dahil alam kong susungitan niya itong si Jace pero ngayon, bros na sila! Malay ko bang nagbabanda itong si Jace dati at nagkasabay na sila sa isang gig ni Kuya?! Ang daya ng world!

“Juno…” tawag ni Papa sa akin pagkatapos kong maghugas ng pinggan. Si Jace naman ay naliligo sa banyo. Nag-alok nga siya na siya na lang ang maghuhugas ng pinggan kaso tumanggi si Mama kasi raw bisita siya.

“Bakit po?” tanong ko at pumunta kami sa may terrace.

“Boyfriend mo na ba si Jace?” tanong ni Papa. Biglang lumamig ang simoy ng hangin. Oh my gosh, ito na ang golden question. Hindi ko naman first time magdala ng lalaki sa bahay pero ito siguro ang unang beses na nagpakilala ako ng lalaking di nila alam na nasa buhay ko pala. Lalo na’t medyo sikat si Jace dahil na rin sa business nila.

“Ang sabi niya po, manliligaw po siya. Pero hindi ko naman po siya sasagutin agad,” sabi ko. Tumango na lang si Papa at uminom sa kape niya.

“Hay, dalaga ka na talaga. Hindi naman ito ang first boyfriend mo pero ito pa rin advice ko sa iyo: h’wag kang masyadong padalos-dalos. Dahan-dahanin mo muna at kung ayaw niya nun, then he’s not for you,” sabi ni Papa. Niyakap ko naman si Papa. Napapaluha na naman ako sa mga pinagsasasabi niya!

“Aww, Pa. Ang drama naman natin ngayon,” biro ko. Tumawa naman si Papa.

“O sige na, pumasok ka na. Mamaya, hinahanap ka na nun. Tsaka kung alam mong siya na, wag mo muna kaming bibigyan ng apo ha? Tapusin mo muna pag-aaral mo,” sabi ni Papa.

“Papa naman!” saway ko sa kanya. Namula naman ako sa sinabi ni Papa. Kahit hanggang sa makapasok na ako sa bahay ay namumula pa rin ako. Kami ni Jace? Isang pamilya? Gusto niya kaya ‘yun?

Naabutan ko sa sala si Jace na kasama si Apollo.

“Ate! Pupunta kami bukas ni Kuya Jace sa mall!” sabi ni Apollo.

“Hala, baka mawala kayo!” sabi ko naman.

“Kaya nga, isasama ka namin!” dagdag naman ni Apollo. Ito talagang batang ‘to, marunong nang humirit.

“E diba, may gagawin pa ako bukas?” paalala ko sa kanya. Nong nalaman kasi ng mga kapitbahay namin na babalik ako, nagtanong sila kung gusto ko ba raw magtutor ulit. Sabi ko ay pagiisipan ko muna dahil dagdag-kita rin yun.

“Ate namaaaan. Minsan ka na lang pumunta dito tapos magtatrabaho ka? Anong klase lang yun diba?” sabi ni Apollo. Tumango naman si Jace.

“Hoy, wag mo ngang kunsintihin ang bata. Bahala ka, magiging clingy yan sa iyo,” sabi ko.

“Ayos lang, nasanay na ako sa iyo,” sabi niya.

“Hala di kaya!”

 

“Clingy ka kaya,” sabi ulit ni Jace.

“Ano pong clingy?” tanong ni Apollo kay Jace.

“Uh-oh, ayan na ang mga tanong ni Apollo. Kaya mo na yan ha, Jace? Tutal kampi naman kayo,” sabi ko tapos tinakasan sila.

xyz

Nagising ako nang biglang daganan ako ni Apollo sa kama ko.

“Ate, sama ka na sa mall. Please please please,” pagmamakaawa ni Apollo. Phoebus Apollo got his father’s attitude. Si Kuya Ares kasi, persistent kaya naman kuhang-kuha ng anak niya ang ugaling ito. Minsan cute naman, pero madalas nakakainis. Pero dahil nag-iisang pamangkin ko itong si Apollo at parang naging anak ko na rin siya, hindi ko siya matiis.

“Kiss mo muna ako,” sabi ko sabay turo sa pisngi ko. Kiniss naman niya ako at pinilit ulit akong sumama.

“Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya.

“Opo!”

 

“E si Kuya Jace mo?”

 

“Di pa. Hihintayin ka na lang daw niya.”

 

“Kanina pa ba siya gising?”

 

“Hindi kakagising ko lang,” sabi naman ni Jace na ikinagulat ko.

“Kanina ka pa dyan?” tanong ko sa kanya.

“Hindi naman. Sakto lang.”

 

“Nakakatakot ka talaga. Pasulpot-sulpot lagi.”

 

“Tara na kasi, Ate! Mag-mall na tayo!” sabi ni Apollo.

“Sige na. Alis ka na dyan, maliligo na ako,” sabi ko. Umalis naman silang dalawa at nag-ayos na ako.

xyz

“Pol, ano nang gusto mong gawin?” tanong ni Jace sa kanya. Nakahawak siya sa aming dalawa at nagpapa-swing. Buti na lang hindi pa nangangalay kamay ko.

“Arcade arcade arcade!” excited na sabi naman ni Pol at nagpa-swing na naman. Dumiretso na kami sa mall at nadaanan pa namin ang event center. Sakto ay nandoon ang mga mascot ng TMNJ dahil malapit na ang pasko. Nag-aya muna si Pol na magpapicture dahil paborito niya ang mga iyon.

“Akin na po, ako na lang po magpicture para may family picture kayo,” sabi nung isang guard sa amin. Sasabihin ko sana na hindi kami pamilya pero agad nang binuhat ni Jace si Pol at tumabi kami sa mga mascot. Binigay din agad ng guard yung phone ni Jace.

“Kuya Jace! Tag mo ako sa Facebook kapag pinost mo yan ha? Phoebus Apollo Javier!” sabi ni Pol at tumawa naman kami habang papunta sa arcade. Asensado ang batang ‘to, may FB na.

xyz

Meanwhile on Twitter…

@kapitanjace: #family

Believing in MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon