BiM - 5: Let It Not Be True

2.1K 48 5
                                    

JOAQUIN

“I’m sorry, sir. I cannot just marry your daughter,” magalang kong sabi sa kanya. I knew it!

“Why, Mr. Manansala? My daughter will make a good wife and mother. She’s a very eligible lady,” dagdag niya. Why the hell is he promoting his daughter to me?

“I’m really sorry, sir. But for me, marriage is more than eligibility. And, by the way, di pa po kami nagkikita ng anak niyo,” sabi ko.

“Then, let’s set up a date! I’ll talk to your parents right now. If you’ll excuse me,” sabi niya tapos umalis na. Anak ng, di man lang ako hinintay magsalita! Bahala na nga siya, di rin naman papayag sila mama. Hello, engaged na ako kay Chichay. Wake up, old man, I’m not gonna marry your daughter.

Uminom pa ako nang biglang nag-dim ang lights.

“Ladies and gentlemen, may I now present you, our birthday celebrator, Ms. Mira Ysabella Tan-Cojuangco!” announce ng emcee. Bumaba naman mula sa grand staircase si Mira. She is pretty. Tama ang sinabi ng tatay niya. Eligible nga siya, maganda at matalino. Pero, wala siyang appeal sa akin. Di siya tulad ni Chichay.

“May I call now Mr. Joaquin San Juan-Manansala to dance with our celebrator?” Nagulat ako nang biglang tinawag ang pangalan ko. Biglang tumapat sa akin ang spotlight. Ano na naman bang pakulo ‘to?

“Mr. Manansala? We need you on the floor,” dagdag ng emcee. Binaba ko yung wine glass at pumunta sa dancefloor. Kesa naman sa magmukha kaming tanga lahat dun diba? Nagsipalakpakan naman ang lahat nang sinayaw ko na si Mira.

Nang hawakan ko na ang kamay ni Mira at nang nagsimula na kaming sumayaw, parang hindi na si Mira ang kasama ko. Si Chichay na. Naaalala ko nung dance class sa Malaya University. Yung nadulas siya.

“Joaquin?” Bumalik naman ang utak ko sa totoong mundo nang narinig ko ang boses ni Mira.

“Bakit?” tanong ko.

“Sinabi na ba ni Papa yung balak niya?” tanong niya sa akin.

“Yes, he did,” sabi ko. Medyo nag-twinkle naman ang mga mata niya.

“Well, w-what did you say?” tanong niya sa akin.

“Sorry, Mira, but I just can’t marry you. But, you’re very pretty. It’s just that I can’t,” sabi ko sa kanya.

“There’s somebody else, right?” tanong niya sa akin. Medyo naguluhan pa ako pero nagets ko rin yung gusto niyang sabihin.

“Yes, I’m really really sorry,” sabi ko.

“No, it’s okay. This is what I get for hoping.”

 

Nagulat ako sa sinabi niya. She’s hoping? Edi ibig sabihin, siya mismo ang may gusto? This is too bad. I have to announce my engagement with Chichay sa lalong madaling panahon. Alam ko kasing ipipilit ni Mr. Cojuangco sa akin ang anak niya, by hook or by crook.

Believing in MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon