BiM - 13: The Calm After The Storm

1.7K 52 3
                                    

BiM – 13: The Calm After The Storm

CHICHAY

 

Naiinis ako. Di ko alam kung bakit.

“Mamabear, ang pangit ng feeling ko,” sabi ko kay Mamabear. Nasa OB kami ngayon kasi may check-up ako today. Malapit nang mag-four months ‘tong si baby sa tiyan ko and ngayon pa lang namin napagdesisyon na alamin yung sex nung bata. Wala lang, kinakabahan kasi ako e.

“Ano, dahil ba wala si Joaquin?” tanong ni Mamabear sa akin.

“Hindi po siguro. Mas pinili ko nga pong wala siya diba? Lalo akong kinakabahan kapag andito siya,” explain ko.

“Osige na. Basta hinga ka na lang. Pagkatapos nito, mall tayo ha? Kailangan nating bumili ng maternity dresses,” sabi ni Mamabear.

“Eh, mamabear, diba po meron pa kayong ganun? Yun na lang po yung gagamitin ko,” sabi ko. Para tipid naman, diba?

“Sobrang laki nun para sa iyo, Carebear! Ah basta, magmamall tayo pagkatapos nito. Sumbong kita kay Papabear mo,” sabi sa akin ni Mamabear. Napatahimik naman ako. Wala, ginamit na niya si Papabear. Daya naman.

JOAQUIN

 

Tangna, ano naman kayang gagawin ko sa Pampanga? Ano, papakilala niya ako agad? E di pa man nga kami e! Tsaka, wala naman akong balak na ligawan siya. Napilitan lang ako.

“Cheer up, Joaquin! Aren’t you even excited? You’re gonna meet my family!” sabi ni Mira sa akin. Napa-tss na lang ako tuloy. Naiirita na ako. Kung pwede lang isama si Chichay, edi masaya. Ang kaso, di naman pwedeng malaman na may relasyon kami ni Chichay.

“Come on, Joaquin, hindi ba pwedeng magpanggap ka na excited ka man lang?” tanong niya sa akin. Tinigil ko ang kotse sa may gilid at hinarap siya.

“I don’t like pretending, Mira. Alam mo iyon. We’re in a platonic relationship. Bakit ba kasi natin ‘to tinutuloy e wala naman ‘tong patutunguhan?” tanong ko sa kanya. Di naman siya agad nakasagot sa mga sinabi ko. Alam kong harsh yung sinabi ko pero kailangan ko na siyang tapatin. Baka kasi mamaya, umaasa pala siya na baka may mangyayari.

“Tingin mo, gusto ko rin ‘to?” tanong niya na nagpa-gulat sa akin.

“A-Ano? Teka, naguguluhan ako. Di kita maintindihan,” sabi ko sa kanya.

“Alam ko kung anong meron sa inyo ni Chichay, Joaquin. Alam kong kayo.”

 

Lalo naman akong nagulat sa sinabi niya. Tinago kasi namin Chichay kung anong meron sa amin kahit noong di ko pa nakikilala si Mira.

“Pero paano?” tanong ko.

“Tingin mo ba, di ko nakikita yung mga tingin niyo sa isa’t isa? Yung mga ngiti mo kapag kausap mo siya, umaabot hanggang sa mata mo. Kitang-kita ko yung mga kinang sa mata mo, Joaquin! At kapag kausap mo lang si Chichay lumalabas yun!” sabi niya sa akin.

“Sorry, pero bakit pa natin tinutuloy ito?”

 

“Hindi ko naman ginusto ito,” sabi niya sa akin.

“Anong hindi mo ginusto?” tanong ko. Napa-iling na lang siya.

“Wag na lang tayong tumuloy sa Pampanga. Sa susunod na lang, di nila ako pwedeng makita na ganito ang itsura ko,” sabi niya sa akin.

“Itutuloy pa ba natin ito?” tanong ko sa kanya.

“Yes, we have to. Pero, don’t worry, wala naman talaga akong gusto sa iyo. All those na pinakita ko sa iyo? Pure acting lang iyon. Masyado ka namang bilib sa sarili mo. Parang ang gwapo mo ha,” sabi niya sa akin tapos tumawa siya.

“Hoy, alam kong gwapo ako! Grabe ka naman!” sabi ko sa kanya tapos tumawa na rin.

“I’m sorry pala sa lahat nang nagawa ko sa iyo. Alam kong inis na inis ka na sa akin,” sabi niya.

“Pero, bakit nga kasi natin ginagawa ‘to kung wala naman talagang something?” tanong ko sa kanya. Naguguluhan pa kasi ako. Hindi ba pwedeng itigil na lang bigla?

“Pwede bang akin na lang muna ang reason ko? Pero, I swear, someday sasabihin ko rin sa iyo,” sabi niya sa akin.  Tumango na lang ako at nagsimulang magdrive.

Finally, the calm after the storm.

Believing in MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon