BiM - 3: TKTTMAB

3K 65 8
                                    

Hmm, anong meaning ng TKTTMAB?

==================

CHICHAY

SATURDAY.

Sabado na nga! Makikipagkita na kami dun sa wedding coordinator na nirecommend ni Tita Juliana. Magaling daw kasi 'yun. Nakita naman ni Joaquin kung paano siya nagtrabaho at ang ganda nga ng kinalabasan. 

Pagkarating namin sa opisina ni Ms. David, sinalubong agad kami ng secretary niya.

"Mr. Manansala and Ms. Tampipi? Ms. David is expecting you already. Pasok na lang daw po kayo," sabi ng secretary niya at binuksan ang pintuan papunta sa opisina ni Ms. David. Medyo naging close na ako kay Ms. David kasi tumulong din ako sa pag-aayos ng kasal nila Tito Jaime.

"Chichay! Joaquin! Congrats! Sabi na nga ba eh, kayo na ang susunod na ikakasal! Ikaw kaya yung nakakuha dun sa bouquet ni Tita Juliana," sabi niya pagkapasok namin ng office. Nakipag-beso naman siya sa akin pati na rin kay Joaquin. Napatawa kami at pinaupo niya kami dun sa upuan na kaharap ng desk niya.

"So, beach wedding pala ang gusto niyo? And sa April? May naisip na ba kayong venue?" tanong niya sa amin.

"Gusto sana namin sa Batangas, Andrea," sabi ni Joaquin.

"Nice choice! Maraming magagandang resort sa Batangas. May napili na ba kayo?" 

"Kaya nga we came here, wala kasi kaming mapili and since ikaw naman ang may alam kung alin ang magagandang venue, we want to decide with you," sabi ni Joaquin.

"Wait, magse-search na lang ako later. Let's talk about the color motifs naman. Any preferences?" 

"Gusto ko sana ng lilac or lavender. Pwede ring yellow or anything of that shade kasi sa beach naman diba?" sabi ko.

"Lilac and lemon looks good," sabi niya sa amin tapos pinakita yung palette book niya. Oo nga, maganda nga siyang tingnan.

"Maganda siya pero parang maganda rin kapag may white," sabi ko.

"Magiging tri-color siya. Okay lang ba yun?" tanong niya sa akin.

"Okay lang ba para sa iyo?" tanong ko tapos tumingin ako sa kanya. Nakita ko namang nakatingin siya sa akin.

"Oo, maganda siya," sabi niya pero hindi pa rin natatanggal ang tingin niya sa akin.

"Ehem, Joaquin, dun sa libro yung tinatanong. Hindi yung katabi mo, ehem," natatawang sabi ni Andrea.

"Tiningnan ko na eh! Maganda nga kasi!" sabi ni Joaquin tapos ngumiti ulit sa akin.

Believing in MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon