BiM - 15: Part of the Truth

2K 43 3
                                    

BiM – 15: Part of the Truth

CHICHAY

 Joaquin just proposed to me. Grabe, I can’t explain my happiness! Buong akala ko e nineneglect na ako ni Joaquin tapos pala, ginagawa lang niya tong surprise wedding namin. At dahil buntis ako, hindi ko mapigilang hindi maging emotional.

“Oh, bakit ka umiiyak?” tanong niya sa akin.

“Ewan ko sa iyo,” sabi ko sa kanya.

“Dali, sabihin mo na bago dumating si Father. Hindi ako matatahimik dito hangga’t di ko nalalaman kung bakit ka umiiyak,” sabi niya sa akin.

“E kasi sobrang sweet mo tapos all I did was hate on you kasi lagi kang MIA pero ganito pala ginagawa mo,” sabi ko nang tuloy-tuloy. Buti na lang nasa isang kwarto lang kami ngayon, walang makakakita sa emotional outburst ko.

“May kasalanan din naman ako, love, e. Kayadon’t put all the blame on you. Dapat sinabi ko sa iyo kung anong ginagawa ko, especially sa condition mo ngayon. Dapat di ka nasstress, kaya please smile na ha?” Ngumiti naman ako sa sinabi niya.

“Okay ka na with Mira?” tanong ko.

“Matagal nang okay kay Mira. Pero with Mr. Cojuangco? Not yet. Hindi ko nga alam kung ano pang gagawin namin para mapapayag siya,” sabi niya sa akin.

Nginitian ko na lang siya kaso bigla ring napawi ito nang may maramdaman akong contractions.

Oh my God. Manganganak na ako!

“Chichay, okay ka lang? Namumutla ka?” tanong niya sa akin.

“Manganganak na ako, Joaquin!” sabi ko sa kanya. Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung paano manganak!

“Talaga? Teka, stay put ka lang d’yan, tatawagin ko lang si Mama tsaka si Mamabear. Hinga lang, Chichay,” sabi niya sa akin tapos nagmamadaling tumakbo. Binilang ko kung ilang segundo yung contractions ko at buti naman e hindi ito lalagpas ng 15 seconds. Pero hindi ibig sabihin noon e hindi na masakit.

“Nasaan siya?” rinig kong tanong ni Mamabear. Nagmamadali naman silang tumakbo sa tabi ko nang buksan ni Joaquin ang pintuan.

“Kaya mo bang maglakad, carebear?” tanong ni mamabear. Tumango naman ako at inalalayan niya ako patayo. Pumunta na rin si Joaquin sa tabi ko at hinawakan ang bewang ko bilang suporta.

“Patricia, sabihan mo muna yung ilang bisita tungkol sa nangyayari. Tapos, papuntahin mo muna sila sa bahay. Ikaw na munang bahalang mag-accommodate, ha? Or sabihan mo sila Pedro para makasama ka pa sa hospital,” sabi ni Tita Juliana kay Patricia. Nakita ko namang tumango si Patricia tapos nagmamadaling tumakbo sa labas.

“Okay na yung sasakyan, dalhin niyo na siya doon,” sabi naman ng kakapasok lang na si Tito Jaime. Maglalakad na sana kami nang biglang binuhat ako ni Joaquin.

Believing in MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon