Chapter 8

20 1 0
                                    

Chapter 8

Nagising ako sa ingay na naririnig ko sa labas ng kuwarto ko kaya naman bumangon na ako at nag ayos muna bago lumabas sa kuwarto ko.

Pag labas na pag labas ko bumungad sakin sa sala ang mga magulang ni Walid pati na ang lolo at lola nito.

"Oh ayan na pala sya eh gising na" Salubong sakin ni mama atsaka ako nilapitan.

"Ikaw naman anak hindi mo manlang pinaalam samin na may nobya kana pala at balak nyo na mag pakasal" Sabi ni mama ulit atsaka bumalik sa kinauupuan nya kanina kaharap ang mga Meziane.

"Good morning po" Bati ko sakanila at ganun din ang ginawa nila.

"Si Walid nasa kusina Ija" Sabi ni papa kaya naman nag paalam na ako sa kanila bago pumuntang kusina.

"Anong ginagawa nila dito?" Tanong ko agad ng makita ko syang nag lalagay ng mga gulay na pang sahog sa niluluto nyang chicken curry.

"Oh, Good morning" Sabi nya atsaka na tinakpan yung niluluto nya at hinarap ako.

"Nalaman nilang andito ako sa inyo kaya naman nag madali silang sumunod dito para daw mapag usapan na yung kasal" Sabi nya.

At tamng tama naman eh umiinom ako ng tubig nun habang nag sasalita sya kaya naman na paubo ako sa sinabi nya.

"Ano! Kasal!" Napalakas na sabi ko kaya naman nilapitan nya ako para ssabihing wag maingay at baka marinig nila.

"Baliw kaba? Sana pinigilan mo, alam mo naman peke lang toh eh" Sabi ko at umupo na sa silya andun.

"Why? Kung pwede naman natin totohanin" Sabi nya habang nakalagay ang mga kamay nya sa bewang nya habang kaharap ako.

"Anong pinag sasabi mo? Puyat kaba" Sabi ko sa kanya at inirapan sya.

"Look, kung malalaman nilang peke lang toh at matatapos ito pag umabot na ng isang buwan tingin mo hindi sila mamaglit? Lalo na ang pamilya mo? At ano bang kinaayaw mo na totohanin nalang natin toh? Eh nasakin naman na lahat nang hinahanap mo"

Sabi nya sabay upo sa harap ko.

"Wow ang yabang mo sa part na nasayo na ang lahat ah" Sabi ko sakanya.

"You don't have boyfriend and I don't have girlfriend so anong masama kubg totohanin natin itong pag papanggap?" Sabi nya na nakatingin sa mga mata ko.

Hindi mo ako naiintindihan Walid, darating din yung araw na mahahanap at mahahanap mo yung para sayo. Hindi tayo pwede masyado kang mataas para sa isang tulad ko.

"Sasabihin natin ang totoo yun ay hindi talaga tayo mag kasintahan at mas lalong hindi naman talaga natin kilala ang isa't isa" Sabi ko sakanya.

Na totoo naman dahil kung hindi sa kachat ni Joey hindi mag cross ang landas naming dalawa at hindi rin sana ako nahihirapan pigilan itong puso ko na sobrang bilis kung tumibok.

"No" Sabi nya kaya napunta sa kanya ang atensyon ko.

"Huh?" Gulong tanong ko sa kanya.

"Fine kung sasabihin mo sa kanila ang totoo, bayaran mo ako ngayon din sa pinang bayad ko sa utang mo" Sabi nya sabay tayo at hinarap ulit yung niluluto nya.

"Sira ulo kaba? San naman ako kukuha nang ganun kalaking pera eh kahit mag loan ako s banko kaunti lang makukuha ko" Sabi ko sa kanya atsaka tumayo at lumapit sa kanya.

"So anong gagawin ko? Yun ang gusto ko" Sabi nya at hindi ako tinitignan.

"Talagang ang yabang mo!" Sa wala akong masabi at yan ang nasabi ko atsaka ko sya tinalikuran pero dahil sa dakilang tanga ako natabig ko yung takip ng kaldero na nakapatong sa sink.

The Unexpected [COMPLETE]Where stories live. Discover now