Epilogue

25 2 0
                                    

Epilogue

"Ang ganda mo bespren" Sabi sakin ni Joey habang inaayusan ako sa harap ng salamin.

"Malamang ako tog eh duhh" Sabi ko sabay kunyare irap sa mata ko.

"Wow lumaki nanamn tenga mo" Sabi nya.

"Nga pala alis na ako ah may pupuntahan pa me eh" Sabi nya kaya tumango nalang ako at nag paalam na sya.

Pictorial kasi namin para sa kasal kaya inaayusan ako ng nga make up artist na kinuha ni Walid.

Nang matapos akong ayusan pinasuot muna sakin ang isang White tube cocktail dress.

Click nang camera dito click nang camera doon ngiti dito ngiti doon.

Ayun lang ang nang yari matapos ang ilang oras. Pero sa nag daan na oras na yun walang nag paramdam na Walid sakin.

Ang sabi nya kasi ako muna ang unang kukuhaan ng litrato dahil nga meron syang out of town na meeting at bukas din pag dating nya ay kami nang dalawa ang kukuhaan ng litrato.

Makalipas pa ang ilang oras wala pading Walid ang nag paparamdam.

Kaya naman nag desisyon na akong tawagan sya pero hindi naman nya sinasagot. Baka nga busy sya kaya ganun.

At muli nalang ako nag tuon nang pansin sa harap ng salamin kung saan nireretouch nila yung ayos ko.

Kung kanina eh nakalugay ang buhok ko ngayon naman pinusod na nila ito at nilagyan na ng belo ako sa ulo kaya naman napakunot akong noong tumingin sa kanila.

"Ay ma'am hindi po ba sinabi ni sir na ang last pong pictorial is yung sa simbahan?" Sabi nang isang nag lagay ng belo sa ulo ko.

"Hindi nya nabanggit" Sabi ko sabay tingin nalang sa repleksyon ko sa salamin.

"Bat hindi ka nag paparamdam" Sabi ko sa sarili ko.

"Ma'am sino po?" Tanong ng isang babaeng nag aayos sakin.

"Wala naman" Sabi ko sabay ngiti nalang sa kanya.

Nang may biglang inabot na papel at ballpen sakin ang isang photographer.

"Para saan po ito?" Sabi nya na may pag tatakang tinignan ito.

"Gusto po kasi ni sir na kuhaan kita nang litrato habang nag susulat sa papel na gusto mong sabihin sa kanya" Sabi nya sabay abot sakin muli nang ballpen at papel.

Kaya naman kinuha ko na at ngumiti sa kanya. Nakakapag taka lang bat hindi sakin sinabi ni Walid na kailangan pala ng ganito hay.

Nang matapos isuot sakin ang belo pinalitan na din nila ako ng damit na puting puti ang kulay nang gown na pang kasal na pinasuot sakin.

"Ma'am Dito po maganda ang view para sa pag susulat nyo po" Sabi ni kuya photographer.

Kaya naman ngumiti ako sa kanya atsaka umupo sa may duyan na upuan at merong lamesa sa harap nito.

Sapaligid ng duyan at lamesa ang mga bulaklak na kulay puti at pink na napakagandang tignan.

Napatingin ako sa hawak kong ballpen at papel hindi sya na ordinaryong papel lang kundi isa syang nakarolyong papel at may tali ito kulay brown din sya ang may desenyong pang kasal sa gilid.

Nag simula na akong mag sulat hindi ko na din pa napansin yung nasa paligid ko basta nag sulat nalang ako na gusto kong sabihin kay Walid nang sa ganun pag nabasa nya ito sisiguraduhin kong mamahalin ako nang sobra nang lalaking yun.

Natawa ako sa naisip kong yun kaya naman nag patuloy nalang ako sa pag susulat at hindi na pinansin ang mga taong nakapaligid sakin.

Nang matapos akong mag sulat tinulungan na ako ng mga make up artist na makatayo at makapag lakad pasakay ng sasakyan na gagamitin namin papuntang simbahan para sa next na pictorial.

The Unexpected [COMPLETE]Where stories live. Discover now