Chapter 11

19 1 0
                                    

Chapter 11

~ Flashback 5 year's ago ~

Angelly POV

Puro ingay ang maririnig mo sa loob ng university kasi school anniversary namin. Kaya naman kung ano anong iba't ibang booth ang nag kakalat sa paligid.

"Bespren tara sa may photo booth tayo" Sabi ni Joeyat hinila ako papunta dun kahit na hindi pa naman ako nag kakapag oo.

Nag picture kami at madami pang booth kaming pinuntahan. At nang mapagod bumili na kami nang pag kain ang binili ko ay kwek-kwek na paborito ko at shake.

Habang kumakain kami malapit sa stage ang mesa namin na may mga kumakanta na banda sila.

Habang kumakain biglang natahimik ang stage at napalitan nang ingay nang mic na grounded kaya napatakip ako sa mag kabipang tenga ko.

"Ops sorry" Sabi nang may hawak sa mic at nawala na din ang inagay.

"I just want to sing a song, para sa babaeng gusto ko" Sabi nang nasa stage.

Kaya naman napatingin na ako sa stage nakita ko sya nakasuot nang black T shirt at jean pero naka maskara sya na natatakpan lang ay ang mata at ilong.

"YIEEEEEEE SANAOLLLL!" sigaw nang ibang taong andun.

"Feeling ko gwapo yan" Biglang sabi ni Joey.

"Ayan mahilig ka talaga sa gwapo eh nu" Sabi ko sabay subo ulit sa kwek-kwek.

"Wow akala mo sya hindi, eh patay na patay ka nga kay Lee Min Hoo eh" Sabi nya na kinairap ko naman.

"Gusto kong umamin sayo pero nahihiya ako, kaya I will sing this song for you because I know na aamin din ako sa nararamdaman ko" Sabi nya sabay strum sa gitarang nakasabit sa balikat nya.

~ Ano ang iyong pangalan
Nais kong malaman
At kung may nobyo ka na ba
Sana nama'y wala
Di mo ko masisisi
Sumusulyap palagi
Sa'yong mga matang
O kay ganda o binibini
O ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo'y
Hinding hindi na kita bibitawan
Aalagaan ka't di pababayaan
Pagkat Ikaw sakin ay prinsesa.~ (Tulad mo By TJ Monterde)

Kanta nya ang ganda ng boses nya napakaamo at sa ganda ng boses nya maiinlove ka nang hindi mo namamalayan.

Nakakapag taka bakit hindi sya umamin sa taong gusto nya? At kung sino man yung babae na yun sure ako napakasuwerte nya pag pinana na din sya ni kupido.

"~Prinsesang tulad mo~" Kanta nya sa huling linya habang nag kakatitigan kaming dalawa.

~ End of flashback~

"Hoy!" Gulat akong napatingin kay Joey na hinampas yung mesa kung saan ako nakapang lumbaba.

"Ano?" Iritang sabi ko sakanya.

"Kanina pa ako salita nang salita dito tas di kanman pala nakikinig, ano nanamn ba yang iniisip mo ha?" Sabi nya at umupo na din sya sa bakanteng upuan na kaharap ko.

"Naalala ko lang na yung kumanta sa school anniversary natin is si Walid pala, kasi yung kantang yung kinanta nya rin nung b-day nya at ngayon ko lang napag tanto yun" Sabi ko sa kanya at umayos na nang upo.

"Yieee kilig kanaman? Alam mo kung hindi talaga napadpad yang si Walid sa coffee shop na pinag trabahuan mo siguro napakababaero nyang hanggang ngayon" Sabi sakin ni Joey.

"Hindi rin ako makapaniwala na may tao palang matagal nang nakatingin sa bawat galaw ko akala ko noon sa tv at books ko lang mababasa at makikita mang yayari din pala sakin yun" Mahabang lintaya ko sa kanya at sabay kaming tumawa.

"Nga pala? Hindi parin ba nag text or nag call sya sayo? Si Harry din kasi eh" Sabi nya bigla sabay pindot sa phone nya.

"Wala din huling usap lang namin kagabi yung tinawagan nya ako about sa diary nya" Sagot ko sa kanya at tinignan din yung phone ko.

Maya maya pa may biglang kumatok sa bahay kaya naman nag katitigan kami ni Joey at sabay nag kibit balikat.

Kaya naman sabay din kaming nag punta sa pinto para tignan kung sino yung kumakatok. At pag bukas namin bumungad samin yung napakalaking bouquet na kulay pula.

"Ms. Joey Victoriano po, Flowers delivery" Sabi nya at hirap na hirap sa pag buhat.

"Sakin? Sure ka kuya?" Takang tanong ni Joey.

"Ma'am opo, so pwede ko na po ba itong ipasok? Masyado po kasing mabigat" Hinihingal na sabi ni kuya kaya naman pinapasok na namin sya at kinuhaan ko na din nang tubig para makainom sya.

"Salamat po Ma'am, paki pirmahan nalang po Ma'am Joey" Sabi nya kay Joey at agad naman pumirma si Joey.

Nang makaalis yung nag deliver nang bulaklak nag katinginan kami ni Joey.

"Baka kay Harry yan" Sabi ko sa kanya.

"Sa kanya nga look" Sabi nya sabay pakita nang phone nya at may text kung saan nakalagay kung nagustuhan at natanggap ba daw nya nakalagay din dun na sobrang busy kasi talaga nila at gusto na agad nilang matapos para makauwi na sila agad.

"Gusto mo picture-an kita" Sabi ko kay Joey kaya naman dali dali syang nag pose at kinuhaan ko naman sya.

"Bat ako lang meron? Asan ang iyo? Aba ang yaman ni Walid ah imposibleng wala" Sabi nya na kinatawa ko.

"Baliw HAHAHAHAHAHAH hayaan mo sya nu atsaka ang gusto sya ang umuwi hindi kung ano man ang ipapadala nya" Sabi ko which it na totoo naman. Gusto ko na kasi syang yakapin at mag pasalamat sa ginawa nya oara sakin at para sa pamilya ko.

Mabilis ang lumipas ang oras pero wala pa ding text or tawag na galing kay Walid.

Nabobored na din ako dahil wala din kaming pasok ngayon dahil sa kagustuhan ni Walid mapaayos ang Hotel na binili nya Kay Mr Dela Cruz

Ay ibang katrabaho ko nag tratrabaho muna sa hotel na iba ni Walid nang sa ganun hindi sila mawalan nang pag kakakitaan. At kami ito ni Joey sa lunes pa mag uumpisa sa hotel nila Walid which it yung napunthan ko na dinala ako ni Walid kung saan ginanap ang anniversary ng lolo at lola nya.

Napag pasyahan ko munang lumabas nang bahay at maupo sa upuang andun. At maya maya pa meron isang batang babae ang nag bigay sakin nang bulaklak.

"Para sakin?" Tanong ko sa kanya, ngiti at tango lang ang binigay nya sakin.

At ganun ulit may batang nag bigay ulit sakin at hanggang sa sumunod sunod na at sa sobrang dami hindi na kaya hawakan ng dalawang kamay ko kaya naman nilapag ko na sa upuan. At ang huling inabot sakin ay isang maliit na sobre.

"Thank you" Sabi ko sa huling nang abot sakin.

Binasa ko ang laman nang sobre.

( Sorry for not texting you and calling you this day, busy lang talaga ako at gusto ko nang matapos toh para makauwi na ako dahil miss na miss na kita. Take care always Angelly ♡)

Nakalagay sa sulat. Maya maya pa tumunog yung phone ko at tinignan yung tumatawag at napakunot noo akong napatingin sa screen ng phone ko.

"Akala ko ba busy" Sabi ko bago sagutin ang tawag.

"Sorry at ngayon lang ako nakatawag, nagustuhan mo ba yung ginawa ko?" Sabi nya s kabilang linya.

"Sobra at hindi mo naman na kailangan gawin yun eh alam ko namang busy ka, at gagawin mo bang flower shop toh bahay? Kayo ni Harry" Sabi ko habang natatawa at ganun din sya.

"I Miss you" Sabi nya na kinabilis nang tibok nang puso ko.

Sasagutin ko na sana sya nang may tumawag sa kanya.

"Bye for now, kailangan na ako sa meeting, see you soon wife" Sabi nya sabay baba at hindi na ako nakaangal pa.

"Anong Wife? Eh hindi pa nga kasal" Sabi ko habang may ngiti sa labi.

Napatingin ako sa bulaklak na napakadami.

"Bibilhan ko kayo nang paso wag kayong mag alala" Natatawang sabi ko at kumuha nang panali sa loob upang itali ang mga bulaklak para isahang pasok nalang ako sa bahay.

Ang galing mo talagang mag pakilig Walid.

........
To be continued......

The Unexpected [COMPLETE]Where stories live. Discover now