Chapter 9
Balik na sa dati ang lahat kaya ako eto ngayon nag hahanda na para pumasok.
Pag katapos ko kasing makita yung picture ko sa wallet nya hindi ko na muna sya kinausap.
At nung araw na din na yun naisipan na nila umuwi at sinabay na nila ako para daw hindi na ako mamasahe pa.
"Bespren" Tawag sakin ni Joey na nag kakape sa mesa.
"Oh?" Tanong ko sa kanya.
"Dumaan dito kagabi si Walid ah bat di mo nilabas?" Tanong nya sakin habang nakakunot ang noong umiinom ng kape.
"Oo nga sinabi nya nag text sya nasa labas daw sya" Sabi ko habang inaayos ko yung kuwelyo ko.
"Oh eh bat di mo nilabas?" Takang tanong nya.
"Masama pakiramdam ko kagabi eh" Walang ganang sagot ko.
Mula nang makauwi kasi na kami hindi ko sya kinakausap habang nasa biyahe kami sa kanya ako pinasabag ng pamilya nya at pamilya ko.
Dahil nga may van na dala ang pamilya nya papunta samin kaya ang ending sa kanya ako sumabay.
Puro tango at iling lang ang sinasagot ko sa bawat tanong nya minsan pa nga eh pinipilit kong matulog para hindi na nya ako kausapin pa.
Naiinis kasi ako at hindi ko maintindihan ang sarili ko gusto ko syang tanungin bat sya merong picture ako pero natatakot ako sa magiging sagot nya.
Baka sabihin nya nanaman na para lang sa pag papanggap. Oo nga at sinasabi nya na totohanin nalang namin ang lahat.
Pero hindi maalis sa isip ko yung mga posibleng mang yari pano nalang kung dumating at makilala nya yung babaeng para sakanya pano na ko.
"Hoy!" Gulat akong napatingin kay Joey na nasa tabi ko na.
"Kanina pa ako salita ng salit dito hindi kanaman pala nakikinig" Sabi nya sabay irap sakin.
"Ano nga sinasabi mo?" Sabi ko sa kanya.
"Kako tara na at baka malate pa tayo" Sabi nya at nauna nang lumabas ng bahay.
Tinignan ko muna ang cellphone ko at malalim na huminga.
Mabilis namin narating ang hotel na pinag tratrabahuan namin.
At mabilis din tumakbo ang oras at sa nag daang oras na yun hindi manlang ako nakatanggap ng text o tawag galing kay Walid at naiinis ako kasi iniiwasan ko sya tas hahanaphanapin ko sya nakakinis lang.
Maya maya pa nag patawag ng meeting si Madam Barbie kasi darating daw yung bago naming boss na nakabili nitong hotel.
Kaya mabilis kaming nag ayos at nag punta sa kanya kanya naming puwesto sinarado muna ang hotel para yung bagong boss at kami kami lang ang nasa loob.
"Ayan na sya" Sabi nang katabi ko.
"Ang gwapo talaga ni Mr. Meziane" Rinig kong sabi nang kabilang grupo which it mga taga linis.
Kaya naman pag karinig ko nang apelyido ni Walid tinignan ko sya. At si Walid nga yun kasama si Harry at madami pang mga lalaki na naka business attire at nandun na din si Mr. Dela Cruz na dati naming boss.
Tinignan ako ni Walid pero iniba nya agad yung tingin nya kaya naman yumuko nalang ako.
Oh ikaw itong iwas nang iwas ah bat ka nasasaktan ngayon. Kausap ko sa sarili ko.
"LQ kayo?" Tanong sakin ni Joey sa mahinang boses
"Shh" Saway ni Madam Barbie
Kaya naman nanahimik na lang si Joey.
YOU ARE READING
The Unexpected [COMPLETE]
Short StoryThe Unexpected "The first time I see you, I've told myself that, this is what they called love at first sight?" - Walid Andrius Meziane "This is all Unexpected" - Angelly Mariano Warning : This story consists of grammatical and typographical erro...