Chapter 6

19 1 0
                                    

Chapter 6

Maaga akong nagising para tapusin yung crochet scarf na ginagawa ko para kay Walid.

Nalaman ko kasing Bday nya ngayon at kung hindi sasabihin sakin ni Joey eh hindi ko malalaman.

Buti nga at wala ngayon yun eh binisita ang mama at papa nya kasama ang jowa nyang si Harry.

Actually itong scarf na ginagawa ko is matagal nang nakatengga toh sa kabinet ko tinigil ko kasi pag gawa neto kasi tinamad kaya kaunti nalang yung idudugtong dito.

Itinigil ko muna ang pag gagawa at tinignan ang oras at mag 7 palang kaya naman nag  hinanda ko na sarili ko para maligo.

Hinanda ko muna yung susuotin kong papuntang market para bumili nang kakailanganin ko sa pag bake ng cake. Hilig ko din kasi mag bake nang cake.

At dahil wala nga akong mairegalo sa kanya kasi halos nasa kanya na lahat eh yung crochet scarf nalang na ginagawa ko at bake ng cake na gagawin ko ang ibibigay ko sakanya.

Nang matapos akong maligo at patuyuin ang sarili ko sinuot ko na yung damit na hinanda ko kanina na jeans at long sleeve shirt kasi mainit mamaya at naisip ko lang din na mag bike tutal at malapit lang ang market dito sa amin.

Nang maitali ko na ng buhok ko naglagay na rin ako nang sumbrero para pangga sa init pag tingin ko sa orasan 8am na sakto kaya naman sinuot ko na din yung maliit kong shoulder bag na kasya ang wallet susi at cellphone ko.

Kinuha ko na yung bike na gagamitin ko. Bumili talaga kami ni Joey nang bike para pag gusto namin mag libot libot dito banda samin nang umaga nag kakayayaan kami mag bike.

Pinarada ko na yung bike sa mga paradahan ng bike sa labas ng market.

Binili ko ang mga kailanganin ko sa pag bake ko at dumaan na din ako sa national bookstore para bumili nang pang dagdag desenyo sa scarp na ginagawa ko.

Mabilis na tumakbo ang oras at 3pm na at kakatapos ko lang din ibake yung cake na ibibigay ko sa kanya.

Habang nag hihintay ako kanina maluto yung cake tinuloy ko yung pag crochet ko at tapos na din sya.

Nilagyan ko sya nang desesyon na may W♡A♡M♡ Which it initial ng first name nya at initial din nang second name nya at syempre initial nang surname nya.

Nang matapos sa pag handa inayos ko na muna bago ako naligo ulit.

Nag suot lang ako nang simple below the knee na dress na kulay peach at nag sandals nalang din ako na hindi naman ganoon kataas.

Nang ready na ako lumabas na ako nang bahay at nag abang ng taxi para sa puntahan na yung lugar kung saan ko dadalhin si Walid.

"Happy Birthday Walid, Wish you all the best. Pwede kabang pumunta sa lugar na toh (Adress) hihintayin kita." Text ko sa kanya.

Nang mahagit nang mata ko yung sing sing na bigay nya nung nakaraang araw. Eto nanamn yung puso ko parang lalabas na hindi mapakali.

Nang makarating ako sa may garden na pinag rentahan ko. Umakyat na ako nang hagdan para marating ko yung gusto kong spot sa garden na toh.

Sa mataas na bahagi kasi is maganda dun tanaw mo yung papalubog na araw at matatanaw mo din yung city lights mamayang gabi.

Nang makarating ako sa taas inilatag ko na yung dala dala kong blanket at yung mga lobong pinalobo ko na rin atsaka kinalat sa may blanket.

"Magugustuhan nya kaya toh?" Tanong ko sa sarili ko habang inaayos yung pag kakabit nang mga malilit na lights para mamaya pag dumilim na.

Saktong 4 nang matapos akong mag ayos nang tumunog yung cellphone ko.

The Unexpected [COMPLETE]Where stories live. Discover now