EPISODE 00

33 1 1
                                        

PROLOGUE

"You..."

Napatigil ako sa ginagawang pagbabasa upang lingunin ang taong nagsalita. Nasa kama pa rin siya, ang pinagkaiba lang ay nakaupo na siya roon ngayon imbes na nakahiga.

Lumapit ako sa kanya saka hinawakan ang noo nito gamit ang palad ko. Bumaba na ang lagnat niya. Mabuti naman.

"Gutom ka na ba?" Tinanong ko siya pero hindi ito kumibo. Nakatitig lang siya sa akin, halata sa mukha ang pagtataka na makita akong nasa harap niya ngayon. Naiintindihan ko naman kung bakit. "Kukuha lang ako ng pagkain mo."

Akmang aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako roon bago sa kanya.

"Bakit?"

"Stay."

Napakunot ang noo ko sa narinig. "Ayaw mo bang kumain?"

Muli ay hindi niya ako sinagot. Sa halip ay umusod lang siya ng upo pagilid saka tinapik ang tabi niya pagkatapos.

"Come here."

Kahit may sakit na ay nandoon pa rin ang awtoridad sa boses niya. Walang angal na sinunod ko ang gusto nito.

Saktong kakaupo ko palang nang bigla niya akong niyakap. Hindi na ako nagulat roon. Alam ko na una palang na iyon ang gagawin niya kaya niya ako pinatabi sa kanya.

"So, you are real. I actually thought I was just hallucinating over you." May bahid ng lungkot na saad niya. Nakinig lang ako. "It feels good to hug you like this again. It's been awhile since you've kept pushing me away.. But, now, you're finally here. I missed you so much."

"Hindi halata." Bigla ako nitong kinurot. "Aray ko! Bakit ka nangungurot?"

"Bwesit ka kasi." Sagot niya saka ako inirapan. Napakunot naman ang noo ko. Anong ginawa ko sa kanya? "Babe–"

"Huwag mo akong tatawagin nang ganyan." Putol ko sa kanya.

Lagi nalang. Hindi talaga siya makaintindi. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan pero hanggang ngayon ay babe pa rin siya ng babe. Hindi na kagaya dati na laging apelyido ko ang ginagamit niya sa tuwing tatawagin ako. Panay Bonifacio dito at Bonifacio doon, hindi babe.

"Oh, please. I'll call you whatever I want. You know you can't stop me, babe." Talagang diniin pa niya iyong babe sa dulo. Hindi ako natutuwa. "Anyway, was our class suspended for today?" Tanong niya.

Umiling ako. "Hindi."

"Why are you here?" Seryoso ang mukhang tanong nito. "You were never absent in class since we were first year. It's unusual to see you outside during class hours, honestly. Yet you ditch today because of what?"

Hindi ako nakasagot. Sasabihin ko ba ang totoo? Dapat ko bang ipaalam sa kanya na nagmamadali akong pumunta rito at hindi na inisip ang klase namin matapos kong marinig na nagkasakit siya at walang nag-aalaga sa kanya?

Huwag na. Baka kung ano pa ang isipin niya.

"Wala. Gusto ko lang magcutting." Sagot ko nalang. Hindi ko rin naman gusto ang klase namin. Inaantok lang ako doon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Path To ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon