True Love 3

91 12 0
                                    

True Love 3

"Shin, Jake! Boys halika na kayo, mag-breakfast na tayo." Aya ni Auntie Mira sa amin ni Jake.

Wow! Bakit ang daming food!?

"Bakit ang daming food for breakfast natin ngayon?" Tanong ni Jake. "Sinong may birthday?"

"Hayst, bakit parang nakalimutan ninyong dalawa? HAPPY BIRTHDAY SHIN!!!!" Masayang sabi ni Auntie Mira sa akin.

Subra akong na touched. Birthday ko nga ngayon.

"Thank you po, auntie."

"Walang anuman Shin, kumain ka nang madami, ha."

After naming magbreakfast ay naghanda na akong pumasok.

"Ma, pa, birthday ko po ngayon."

"Miss ko na kayo, subra. Sana okay lang po kayo."

"Huwag niyo akong alalahanin, ipinaghanda ako ni Auntie Mira para sa birthday ko."

"Shin...." tawag ni Auntie Mira.

"Pasok po..."

"Shin maigi na lang inabutan pa kita. Tinitingnan mo ang picture ng mama at papa mo?" Nakangiting tanong ni Auntie Mira.

Tumango ako kay auntie.

"Hi, Joanne. Birthday ngayon ni Shin. Nineteen years old na siya, napaka guwapo ng iyong anak." Masayang-masaya si Auntie Mira.

"Shin..."

May kinuhang small red envelope si Auntie Mira sa kanyang bulsa.

"Para sayo, happiest birthday Shin!!!"

"Ano po ito?"

Mukha namang hindi ito birthday card?

Pag-open ko madaming pera ang laman nito.

"Auntie, ang dami naman po nito. Kahit hindi ninyo na po ako bigyan." Tanggi ko sabay abot pabalik kay auntie ng envelope.

"Shin, malulungkot talaga ako kung hindi mo yan tatanggapin. Thank you lang sapat na sa akin."

"Pero po..." nag-aalangan pa rin ako kung tatanggapin ko ang birthday gift ni auntie, nakakahiya kasi.

"Sige na Shin, bilihin mo kung ano ang gusto mo ngayong birthday mo."

Nahihiya man ay tatanggapin ko na dahil ayaw ko ring mapahiya si Auntie Mira.

"Auntie, thank you so much po."

"Walang anuman Shin, sige na baka ma-late ka na. Happy birthday ulit, Shin." Inakap ako nang mahigpit ni Auntie Mira.

Ang problema ay hindi ko sinasadyang nadala sa school ang perang bigay ni Auntie Mira. Bakit ba nakalimutan kong iwanan iyon sa kuwarto ko? Kinakabahan tuloy ako, paano kung makita ito ni Jumong?

"Hoy Shin, anong problema mo? Para kang asong hindi maihi dyan ah!?" Padaskil na tanong ni Jomong sa akin.

Lalo akong kinabahan, paano kung malaman niya?

"Okk...okay lang ako."

"Para kang tanga, alam mo yun?" Iritang sabi ni Jomong.

Nakita kong may ibinubulong si Gato kay Jomong.

"Sigurado ka!!!?" Biglang inagaw ni Jomong ang bag ko.

"Anong ginagawa mo?" Kinakabahan man ako ay naglakas loob ako.

"Maghintay ka lang tungaw!" Bulyaw ni Jumong.

Nagtitinginan na ang iba kong kaklase sa amin dahil sa lakas ng boses ni Jomong.

RIGHT THERE NEXT TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon