True Love 20
SHIN'S POV:
Late na pero wala pa rin si Jake. Cannot be reached ang cellphone niya. Wala naman akong natatandaan na nagpaalam siya sa akin na may lakad siya.
Nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Kai?
"Hello, Kai?"
"Shin, alam mo ba ang address ni Jake?"
"Bakit mo hinihingi ang address ni Jake?"
"Lasing na lasing si Jake, subrang wasted Shin. Ipapahatid ko sana siya sa taxi o Grab pero hindi ko alam kung saan siya nakatira?"
Huh??!! Bakit naglasing si Jake? Anong meron? May problema ba siya?
"Kai, pwede bang dalahin mo si Jake sa akin? Ako nang bahala sa kanya."
Habang hinihintay ko sina Kai at Jake at hindi ako mapakali. Wala naman akong alam na dahilan para maglasing si Jake. May alam kaya si Kai, pwede ko ba siyang tanungin?
Nagmadali ako nang may humintong sasakyan. Si Kai na nga kasama si Jake, lasing na lasing nga siya.
"Kai, thank you ha."
"Gusto mo bang tulungan kitang ipasok si Jake, Shin?"
"Hindi na Kai, ako nang bahala. Thank you talaga."
Struggle is real habang binubuhat ko si Jake papunta sa kuwarto namin. Humihingal ako sa bigat niya.
Nawalan ako ng balanse kaya bumagsak kami sa sahig ni Jake. Ang sakit tuloy ng katawan ko pero okay lang ang importante naprotektahan ko si Jake.
"Shin, ikaw ba yan." Hinawakan ni Jake ang mukha ko. He touches my lips. Ang warm ng palad niya.
"Jake, gising ka na, okay ka lang ba....."
Hindi ko na natapos ang sasabihin mo dahil hinalikan na ako ni Jake.
Ipinagdidiinan ni Jake ang katawan niya sa katawan ko. May kakaiba sa mga kilos niya. Hindi siya tumitigil sa paghalik sa akin. I can feel kung gaano siya ka hard sa bahaging iyon. Sige pa rin siya sa paghalik sa akin.
Ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng t-shirt ko. Dinama niya ang katawan ko, there was a voltage of electricity na naramdaman mo. Kakaiba si Jake ngayon.
"Jake, wait lang...."
Wala pa rin siyang tigil sa paghalik sa akin. Parang hindi niya ako pinapansin o hindi niya ako naririnig.
Kinakabahan ako.
"Shin???" nagulat si Jake sa sitwasyong naming dalawa. "Sorry Shin, tinakot ba kita?" Puno ng pag-aalala ang tanong ni Jake. "Shin, huwag kang magalit sa akin please. Please don't hate me."
Huh??! Nakaramdam ako ng awa kay Jake. Bakit ako matatakot sa kanya? Lalong bakit ako masusuklam sa kanya?
Inakap ko si Jake nang mahigpit.
"Hindi ako natatakot Jake, at hindi rin ako galit, at lalong hindi kita hate."
Inakap ako ng mas mahigpit ni Jake. Parang takot na takot siya na bitiwan ko siya, hindi naman ako aalis.
"Shin, promise me na kahit anong mangyari, hinding-hindi mo ako iiwan. Promise Shin, hinding-hindi rin kita iiwan."
"Jake, okay ka lang ba? Lasing ka, anong problema?"
"Ikaw lang ang kailangan ko Shin hindi ang kahit na anong bagay. I never asked to be born!!! Kung pwede lang hindi na ako..."
Umiiyak si Jake. Nadudurog ang puso ko pero hindi ko alam kung anong problema niya? Kung bakit niya sinasabi ang mga ganung bagay?
Nag-away ba sila ni Auntie Mira? Pinunasan ko ang pisngi ni Jake na puro luha.
The next morning I received a text message from Auntie Mira.
Naghahanda dapat ako ng soup para sa breakfast ni Jake para mawala ang hangover niya.
[Shin pwede ba tayong magkita? May sasabihin ako sayo. Call me first if you're available.]
Kinabahan kaagad ako, tatawagan ko si Auntie Mira.
"Shin, pahiram muna ng cellphone mo." Kinuha ni Jake ang cellphone kahit hindi pa ako pumapayag.
"Jake, tatawagan ko muna ang mommy mo."
"Alam ko..."
"Alam mo??!!!"
"Shin, huwag mo munang tawagan si mommy. Nag-away kami. Promise me na hindi ka makikipagkita o makikipag-usap muna kay mommy. Akong bahala Shin, aayusin ko to."
Kaya ba siya naglasing? Tama pala ang hinala ko. Nag-away sila ni Auntie Mira. Pero anong pwede nilang pag-awayan? Kinakabahan ako? May kaugnayan ba sa akin ang pinag-awayan nila?
Ayaw kong magtanong, gusto kong si Jake mismo ang magkwento sa akin.
May nagbago kay Jake, madalas nakatitig lang siya sa akin. Halos parang ayaw na niyang lumayo sa akin. Kahit sa school halos bantayan na niya ako. Palagi niya akong tinatanong kung saan ako pupunta kahit nasa bahay lang naman kami. Kulang na lang kahit sa bathroom ay bantayan niya ako. Parang may iniiwasan siya na ewan?
Hindi pa rin ba siya nakikipag-ayos kay Auntie Mira?
JAKE'S POV:
Pinagmamasdan ko si Shin habang natutulog. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hawakan ang kanyang maamong mukha. Napaka- peaceful ng tulog niya at ayaw kong mawala ang ganito sa kanya.
Alam kong hindi ko kayang forever na itago si Shin kina daddy, grandpa at kahit kay mommy. Kung ayaw akong pakinggan ni mommy, paano ko ipaglalaban si Shin.
Hindi ko pa kayang sabihin kay Shin ang totoo dahil alam kong buong buhay niya ang gusto niya ay makuha ang approval ni mommy. Nag-aaral siyang mabuti. Naging mabait siyang bata, ayaw niyang bigyan ng sama ng loob at lalo na ng sakit ng ulo si mommy. Tumatanaw siya ng utang na loob kay mommy dahil sa pag-aalaga nito sa kanya mula ng maulila siya. Masasaktan sigurado siya kapag nalaman niya ang totoo. Ayaw kong mauwi sa wala ang lahat ng pagsisikap ni Shin nang dahil sa akin.
"Jake...." naalimpungatang sabi ni Shin.
"Sorry Shin, nagising ba kita?"
"Hindi, okay lang, bakit hindi ka pa natutulog."
"Hindi pa kasi ako dalawin ng antok, Shin."
Gusto kong yakapin si Shin, pakiramdam ko mapapanatag ako kapag inakap ko siya.
"Shin..."
"Um..."
"Pwede ba kitang akapin?"
"Bakit naman hindi pwede?" Lumapit si Shin at inakap ako. Yung init ng katawan niya ang nagpapakalma sa takot ko. Yung higpit ng akap niya ang nakakapagpa-relax ng kabog ng dibdib ko.
Hindi ako papayag na mawala si Shin sa akin. Ipaglalaban ko siya hanggang wala nang magawa si mama kundi ang sumuko.
Hindi ko kakayaning mabuhay ng wala si Shin.
Hindi siya pwedeng mawala sa akin.
Bata pa lang kami magkadugtong na ang mga buhay namin kaya hindi pwedeng maputol iyon dahil lamang may mga taong hahadlang sa amin.
Ako mismo ang haharang sa kanila maprotektahan ko lang si Shin. Maprotektahan ko lang kung ano ang meron sa aming dalawa.
Hindi iyon mawawala, sisiguraduhin ko.
Pero natatakot ako.
BINABASA MO ANG
RIGHT THERE NEXT TO YOU
RomansaBoys Love story by Mikzylove Hinding-hindi makakalimutan ni Shin ang narinig niyang sinabi ni Jake - ayaw nito sa kanya! Kaya naman iniwasan niya ito, pero kaya ba niyang iwasan ang nararamdaman ng puso niya para kay Jake? Si Auntie Mira ang mothe...