True Love 10
SHIN'S POV:
"Jake....???" Ayaw niyang magising.
Tulog pa rin siya?
Dati marinig lang niya ang tawag ko ay bumabangon na siya kaagad.
"Jake...gising. Baka malate tayo. May pasok tayo ngayon."
Wala pa din? Ayaw pa rin niyang magising.
Ibinangon ko na si Jake para lang magising na siya.
"Shin, five minutes pa..." Ipinatong ni Jake ang ulo niya sa balikat ko. Ang bigat kaya niya.
"Ohmmm, okay! Five minutes lang ha."
Comfortable na ba talaga si Jake sa akin?
Nawalan ako ng balanse kaya natumba kami ni Jake sa kama, nadaganan niya ako.
Shaksss!!! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko!!!! Okay pa ba ako?
"Ja...jake...tapos na ang five minutes." Nauutal kong sabi.
"Hindi pa Shin...."
Ayaw na ata ni Jake na umalis sa pagkakadagan sa akin?
Mabuti na lang hindi kami nalate sa school.
"Shin, dali! Anong mobile number mo?" Si Kain. Nagmamadali siya kasi baka daw makita siya ni Jake na hinihingi ang number ko. Lagot daw kasi siya, bakit naman?
"Huh!? Ohmm, okay." Binigay ko ang number ko kay Kai.
"Oy, Shin. Ako din, pengeng number mo." Kahit si Ted ay hinigi rin ang mobile number ko.
Nakakapanibago na may mga kaibigan na ako.
"Shin, okay ka na ba? I mean, yung isyu tungkol sa inyong dalawa ni Jake?" Si Kai.
"Oo, okay lang ako?" Sabi ko.
"Okay lang naman sa akin dahil hindi naman totoo, si Jake lang ang inaalala ko."
"Kung si Jake, wala namang pakialam yun sa mga sasabihin nila, isa pa ang akala ng marami ay nagdi-date sila ni Janina."
Tahimik lang kami ni Jake habang pauwi.
"Ang tindi pa rin ng sikat ng araw kahit hapon na." Sabi ko just to break the silence. Ang tahimik kasi namin ni Jake.
"Ohm Shin, gusto ko sanang lumabas tayo."
Huhhhh!!?? Dub! Dub! Dub! Ang lakas ng kabog mg dibdib ko. Seryoso ba siya?
Speechless ako....anong sasabihin ko?
"Nag-promised ka di ba? Nagdate nga kayo ni mommy, bakit tayo hindi?" Si Jake.
Ang cute ni Jake, para siyang puppy.
"Pero hindi naman talaga iyon date, Jake.Hahaha!"
"Shin....." pulang-pula ng mukha ni Jake.
Para talaga siyang puppy, napaka cute.
"Ohm sige, late din namang uuwi si auntie, bakit hindi na lang tayo pumunta sa grocery store, marami nang kulang sa kusina?" Suggestion ko.
"Ohmmm, okay...mabuti pa nga." Kamot batok si Jake. Cute pala siya kapag nahihiya.
Nag-enjoy kami sa pamimili sa grocery kahit medyo nakakalito kung ano ang dapat naming bilihin.
Dahil late nang makakauwi si auntie, kami ni Jake ang nagluto ng dinner namin.
"Hmmm, Shin ang sarap mong magluto."
"HAH!!??? Jake, tayo kayang dalawa ang nagluto. Hahaha."
"Ahmmm, hahaha, ganun ba?"
BINABASA MO ANG
RIGHT THERE NEXT TO YOU
RomanceBoys Love story by Mikzylove Hinding-hindi makakalimutan ni Shin ang narinig niyang sinabi ni Jake - ayaw nito sa kanya! Kaya naman iniwasan niya ito, pero kaya ba niyang iwasan ang nararamdaman ng puso niya para kay Jake? Si Auntie Mira ang mothe...