True Love 19
JAKE'S POV:
"MA?!!"
Mom's calling me. Nakakapagtaka, madalas si Shin ang tinatawagan niya at hindi ako.
"Jake ano oras ang tapos ng klase mo?"
"Uuwi ako ng mga five o'clock, ma."
"Pwede ka ba Jake na sumaglit mamaya sa house?"
"Why, Ma?"
"Please....."
Anong meron, there's something sa boses ni mommy.
"Um, okay. Tatanungin ko si Shin kung anong oras ang last subject niya."
"No, just you Jake, kailangan kitang makausap. I'll wait for you. Pumunta ka kahit ma-late ka."
"Umm, okay!"
Anong meron? Bakit napatawag siya at kailangang pumunta ako sa bahay na hindi kasama si Shin? Anong pag-uusapan namin?
Past six o'clock ay nasa bahay na ako. Obviously mom's waiting na for me.
"Hi, ma!" I greeted mom.
"Hi, Jake, let's take a sit."
Eeehh, anong meron? Kakaiba ang pakiramdam ko.
"Jake, bakit gusto mong umalis na bahay, kayo ni Shin?"
"Mom??!!" Bakit tinatanong ni mommy, matagal na kaming lumipat ni Shin, she also checked the place. At pumayag na nga siya.
"Ma, pinapunta mo ko just to ask me this? Sinabi ko na malayo ang university, hindi convenient sa amin ni Shin na mag-uwian araw-araw." Medyo stressed na ko kay mommy.
"Is that really the reason Jake? Tell me the truth."
"Anong gusto mong sabihin ko, ma? What's the truth?"
"Anong meron sa inyo ni Shin? Anong ginawa mo sa kanya?"
"Ma, anong sinasabi mo?"
"Jake, sasabihin mo ba sa akin ang totoo, o ako mismo ang magsasabi sayo?"
Mataas na ang boses ni mommy.
Medyo mataas na ang tensyon sa amin ni mommy. Pareho lang kami na medyo mainit na ang ulo. Hindi ko alam kung ano ang pinupunto ni mommy pero kahit paano may hint na ako. Ayaw ko lang na aminin sa kanya kaagad ang totoo hanggat hindi mismo sa kanya nanggagaling kung anong tinutukoy niya.
What if mali ako? What if hinuhuli lang niya ako? Baka wala naman pa pala siyang alam, what if puros hinala pa lang? What if ako mismo ang magpahamak sa amin ni Shin, at hindi ko iyon gagawin. Hindi pa ready si Shin sa ganitong sitwasyon, at ayaw kong pangunahan siya.
"Yes, ma!! That's why I'm asking kung anong ibig mong sabihin." Kailangang kay mommy mismo manggaling.
"Nakita kita, hinahalikan mo si Shin, Jake!!."
To be honest nagulat pa rin ako sa sinabi ni mama. Kailan exactly niya kaya nakita na hinahalikan ko si Shin? Nakasanayan ko nang halikan si Shin, minsan nakakalimutan ko na talaga na baka may makakita sa amin. And here's mom, galit na galit dahil nakita niya kami. Anong masama? Bakit siya nagagalit? Medyo natawa ako, hindi ko alam kung bakit, siguro kasi naiinis ako na ganito ang reaksyon ni mommy?
"Anong nakakatawa Jake? Sapalagay mo ba nakakatawa 'to?!!"
"No mom, hindi ko lang alam ang sasabihin ko. Galit na galit ka kasi."
"JAKE!!!!" Saway ni mommy.
"Let me guess ma, iniisip mo ba na pinilit ko si Shin? Hindi ganun, ma. Walang namilit sa kahit kanino."
"And then what Jake?? Sinasabi mo ba na kayo ni Shin...."
"Yes, kami ni Shin, ma. That's right. May relasyon kami ni Shin." Wala naman akong dapat itago kay mommy. Hindi rin naman ako natatakot na aminin sa kanya ang totoo dahil wala namang mali sa amin ni Shin. Si Shin lang ang iniisip ko.
"Jake, naiintindihan mo ba ang sinasabi mo? Paano kung malaman ng daddy mo o kaya ng grandpa mo? Sa palagay mo ba ay papayag sila sa relasyon ninyo ni Shin? Sa palagay mo ba magiging madali para kay Shin ang mga pwede nilang gawin? Naisip mo ba iyon? Inisip mo ba si Shin?"
Judging by mom's voice, mas concerned talaga siya sa amin ni Shin kesa sa galit siya. Iniisip niya ang magiging sitwasyon namin ni Shin kung sakaling humadlang sina daddy at grandpa.
As if naman may pakialam ako sa dalawa?
"Anong pakialam ko sa sasabihin nila? I love Shin, and they can't do anything about it. Subukan lang nila!!"
"Jake!!!!" Ramdam ko ang frustration sa boses ni mommy. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Let's be frank, ma. Don't use them as an excuse. Sabihin mo kung ikaw mismo ang kontra sa amin ni Shin. Let the truth sets us free, how do you feel about us, mom? Yung totoo?"
Gusto kong malaman mismo ang opinion ni mommy, dahil higit kanino I'm sure ang opinion niya ang importante kay Shin.
I don't know exactly kung paano natapos ang conversation namin ni mommy.
I felt exhausted. Pakiramdam ko kailangan ko ng makakausap at definitely it's not Shin. Ayaw kong mag-alala siya ng subra-subra kapag nalaman niya ang totoo.
Tinawagan ko si Kai.
"Jake, okay ka lang? Bakit ganyan ang boses mo? Jake asan ka? Huwag ka aalis, pupuntahan kita."
Minutes later ay nagmamadaling dumating si Kai, I'm so thankful dahil may makakasama ako.
"Jake, okay ka lang?"
Inaya ko si Kai na mag-inom, maigi hindi siya tumanggi at sinamahan niya ako.
"Jake, medyo madami ka na atang naiinom?" Saway sa akin ni Kai.
"Kai, alam na ng mommy ko ang tungkol sa amin ni Shin. She knows everything na."
"Paano niya nalaman, as in alam na niya amg tungkol sa relasyon ninyo ni Shin? Sinabi mo na ba ito kay Shin?"
"Hindi pa, ayaw kong mag-alala si Shin, Kai."
"Bakit hindi mo pa sabihin kay Shin? Kailangang malaman niya, Jake. Ngayong alam na ng mommy mo pwede gumawa siya ng paraan na paghiwalayin kayo ni Shin. What if magbigay siya ng malaking pera kay Shin para layuan ka?"
Imposible ang sinasabi ni Kai. Kahit mag-offer si mommy hindi iyon tatanggapin ni Shin, pero sigurado akong susundin niya si mommy.
"No Kai, hindi ganyan si Shin. Hindi niya kailangan ng pera para layuan niya ako. Sabihin lang ni mommy na layuan niya ako, I'm sure hindi siya magdadalawang isip na layuan ako. Susunod siya kaagad sa utos ni mommy."
"Ganun? So sigurado ka Jake na gagawin iyon ni Shin, bakit?"
"I can't really explain the details, Kai. Si mommy kasi ang tumatayong legal guardian ni Shin. Sigurado akong hindi niya kayang suwayin si mommy. Malaki ang respeto ni Shin kay mommy."
"Ganoon ba? Malaking problema nga iyan Jake. Malalaman at malalaman din for sure ni Shin kung ano ang nangyayari. Anong gagawin mo?"
"Exactly Kai, and I don't have any assurance at all na ako ang pipiliin ni Shin kung sakaling kailangan niyang pumili sa amin ni mommy. Okay lang mawala lahat sa akin huwag lang siya, Kai. Pero alam ko namang mas mahal ko siya, kesa sa mas mahal niya ako, paano niya ako pipiliin?"
"What if nga Jake, kaya mo ba talagang mawala lahat para kay Shin? Ang mga bagay na meron ka, ang mga binibigay ng parents mo sayo?"
"Wala akong pakialam sa kahit anong bagay na pwedeng mawala sa akin, hindi sa akin ang mga iyon, pag-aari iyon ng magulang ko. Si Shin lang ang meron ako, at hindi ako papayag na mawala siya sa akin."
Please Shin, huwag mo kong iiwan. Alam kong kasalanan ko lahat ng 'to, pero please stay with me.
BINABASA MO ANG
RIGHT THERE NEXT TO YOU
RomantikBoys Love story by Mikzylove Hinding-hindi makakalimutan ni Shin ang narinig niyang sinabi ni Jake - ayaw nito sa kanya! Kaya naman iniwasan niya ito, pero kaya ba niyang iwasan ang nararamdaman ng puso niya para kay Jake? Si Auntie Mira ang mothe...