True Love 24
Maraming araw na akong hindi matahimik dahil sa iniisip ko mula pa nung birthday ni Jake.
Feeling ko kasi masyado reserved lately si Jake. Madalas pinuputol niya kaagad o hindi itinutuloy kapag iki-kiss niya ako.
Hindi na ba niya ako gusto? O hindi niya talaga nagustuhan ang birthday day gift ko sa kanya? Shaksss, nahihiya ako kapag naalala ko iyon. Nag-iinit ang pisngi ko kapag iniisip ko na asa much ako ng oras na iyon. Akala ko kasi, hahaha naku erase-erase, kung anu-anong naiisip ko.
Hindi naman sa atat akong may mangyari sa amin pero nag-expect naman talaga ako ng kunti pero ang ending hindi nga natuloy, hindi ko alam kay Jake kung bakit?
Paranoid lang ba ako o baka nga hindi na niya ako kasing-gusto kagaya nung dati?
"Shin!!!" Nakangiting tawag sa akin ni Jake.
Katatapos lang ng mga klase namin. Kung hindi na niya ako gusto bakit napaka-ganda pa rin ng ngiti niya sa akin?
"Jake...???" kinakabahan ako dahil naisip kong tanungin si Jake.
"Huh?"
"May itatanong ako..." Pwede ko naman sigurong itanong sa kanya kesa hindi ako matahimik.
"Sure Shin, ano iyon?"
"Bakit palagi mong hindi itinutuloy kapag," shaksss hindi ko masabi, "lately kasi napapansin ko na..."
Shaksss nakakahiya. Itatanong ko ba talaga, hindi ko kasi matuloy sabihin?
"Shin, anong ibig mong sabihin?"
Eeeehh, feeling ko baka nga alam niya ang ibig kong sabihin, bat tinatanong pa niya?
"Kapag ano Jake, alam mo naman na yun eh." Ang init ng mukha ko. "Kapag hinahalikan mo ako, ayaw mo na bang hinahalikan ako?" Hayssst, natanong ko rin, subrang kabog ng dibdib ko.
"Shin ikaw, ayaw mo na ba?"
"Huh???!!!" Bakit binalik niya sa akin ang tanong ko?
"Shin, pwede mong gawin sa akin kahit anong gusto mo. You can have me, you can use me anytime you want. I don't mind, it would be my pleasure." Bulong ni Jake sa akin, kyaaaaaahhhhh ang sexy ng boses niya.
Ang init-init ng mukha ko!!!
Ang harot din naman ni Jake.
JAKE'S POV:
Nakakatuwa si Shin, hindi ko alam na iniisip pala niya na ayaw ko na sa kanya. Syempre imposible iyon, malabong mangyaring ayaw ko na sa kanya.
"Shin, pwede mong gawin sa akin kahit anong gusto mo. You can have me, you can use me anytime you want. I don't mind, it would be my pleasure."
Hahaha, hindi ko makalimutan ang reaction ni Shin nang sinabi ko iyan sa kanya. EPIC! Subrang pula ng mukha niya na parang maiiyak siya. Inakap ko siya nang mahigpit gusto ko lang naman na ma-boost ang confidence niya para mag initiate siya na gawin ang ganung bagay. Gusto ko syempre na lambingin din niya ako. Hahaha. Never pa nga atang nagselos si Shin kahit madaming babae at gays na nagpapa-cute sa akin sa university. Parang hindi niya alam ang salitang selos, samantalang ako may dumikit lang sa kanya ay gusto ko nang manapak. Minsan naaasar nga ako kay Kai dahil subrang makadikit kay Shin pero may tiwala naman ako kay Kai lalo na kay Shin.
Hinihintay ko lang naman na mag- initiate si Shin.
Alam kong darating din iyon, baka bumubwelo lang siya.
"Jake..." tawag ni Shin sa akin, busy ako sa report project namin.
Nilapitan ako ni Shin at hinalikan, wild ang halik niya. Nagulat ako dahil first time naging aggressive si Shin pero hinayaan ko lang. I like it, in fact gustong-gusto ko nga.
Tapos bigla siyang tumigil, iyon na iyon? Tapos na ba? I'm expecting more, yung mas higpit pa, yung mas matindi.
Kita ko sa mukha ni Shin ang ngiting tagumpay, shit hahaha alam ko na, gumaganti siya sa akin.
Hindi pwede, nabitin ako subra. Ako naman!!!
"Jake!!!" Tili ni Shin na bigla ko siyang haklitin palapit sa akin.
"Bakit ka tumigil Shin, hindi pwede. Bawal!!"
Ako naman ang humalik kay Shin. Pinaulanan ko siya ng madaming halik.
Hindi ako magsasawang halikan siya habambuhay.
Pero syempre ayaw kong pilitin si Shin. Maghihintay ako.
Christmas na, iniisip ko na kung anong pwede kong ibigay na Christmas gift para kay Shin?
To be honest, gusto ko sanang may couple ring kami ni Shin kaya lang naisip ko masyadong magiging obvious na kung magsusuot kami nun. Pero gusto ko talaga na sana kahit si Shin lang ang may suot at yung sa akin siguro gagawin kong pendant para nakatago, at least pareho pa rin kaming may singsing.
"Jake!!" Si Shin, kalalabas lang niya galing university.
"Shin, gutom ka na? Kumain muna tayo. Akin nang bag mo."
"Ayeeee, thanks Jake."
Plano kong dalin si Shin sa isang class na restaurant. Nagreseach pa ako kung aling restaurant ang sikat ngayon kaso pagdating namin ang haba ng pila. Grabe ganito ba 'to kasikat?
Sa huli nag-take out na lang kami ni Shin. Mas gusto rin niya na sa bahay na lang kami kumain. Hmmm, mukhang may pinaplano si Shin at excited ako. Hahaha....
"Anong meron, bakit may mga beer?" Tanong ko kay Shin. Bumili siya ng beer at may hinala talaga ako na may plano siya. Napapangiti ako pero secret lang kay Shin.
"Christmas party natin, and Jake nakalimutan kong sabihin may dress code pala ang party na 'to."
"Dress code, talaga?"
"Oo, nag-prepared talaga ako para dito." Iniabot sa akin ni Shin ang isang paper bag.
"Sige na Jake magpalit ka muna." Halos ipagtulukan ako ni Shin.
"Huh, okay Shin. Hahaha." Nakakatuwa si Shin, talagang nag-effort siya para dito.
After kong mag-change outfit ay bumalik na ko kay Shin. I'm wearing right now a pajamas silk na napaka-comfy, it's a midnight blue color.
"Wowww!!! You look great Jake, ang guwapo mo!!" Sabi ni Shin, kinilig naman ako. Sino ba namang hindi kikiligin eh naka couple pajamas kami ni Shin.
"Shin, subrang appreciated ko ang ginawa mo, thank you." Inakap ko si Shin. As always subrang sarap sa feeling kapag inakap ko siya.
"Salamat din kasi na- appreciate mo, inisip ko lang kasi hindi naman natin pwedeng gawin ang mga ganito in public. Masaya na ako na kapag tayong dalawa ang magkasama pwede tayong maging totoo sa sarili natin." Inakap ko pa nang mas mahigpit si Shin
Magkapareho pala ang iniisip namin. Walang mali sa kung anong meron kami ni Shin ngayon. Pero kailangan din naming tanggapin na hindi lahat ng tao ay open minded at kayang maintindihan kami. So hanggat hindi pa ganun kahanda ang mundo para sa klase ng love na meron kami ni Shin para sa isa't iss, ise- celebrate muna namin ito sa paraang alam namin, yung hindi kami mahuhusgahan ng iba.
BINABASA MO ANG
RIGHT THERE NEXT TO YOU
RomansaBoys Love story by Mikzylove Hinding-hindi makakalimutan ni Shin ang narinig niyang sinabi ni Jake - ayaw nito sa kanya! Kaya naman iniwasan niya ito, pero kaya ba niyang iwasan ang nararamdaman ng puso niya para kay Jake? Si Auntie Mira ang mothe...