True Love 4

91 9 1
                                    

True Love 4

Tahimik kami ni Jake habang kumakain ng cake.

Subrang sarap ng cake na binili ni Auntie Mira, hindi ako sigurado kong nag-eenjoy si Jake dahil hindi talaga siya mahilig sa matamis.

Tumayo na si Jake pero halos hindi pa niya nababawasan ang kanyang cake. Nakakahiya dapat hindi ko na lang siguro siya inayang kumain nito.

"Shin...." inilapag ni Jake sa harapan ko ang isang small red envelope. Nanlaki ang mga mata ko dahil ito ang binigay ni Auntie Mira sa akin.

"Paanong.....?" Hindi ko naitago ang aking pagtataka.

"Sayo iyan, di ba?"

"Salamt Jake, thank you talaga!" Subrang saya ko dahil naibalik sa akin ang perang bigay sa akin ni Auntie Mira.

"Happy birthday, Shin!!" Sabi ni Jake.

Natulala ako pero subrang saya ko. Pareho kaming natahimik sandali.

"Ubusin na natin ang cake." Sabi ni Jake.

"Ommm, sige."

Nakatingin sa akin si Jake. May gusto ba siyang sabihin?

"Bakit ginagawa nina Jomong iyon sayo?"

Bakit niya natanong, alam na kaya niya ang totoo?

"Inaasar lang ako nina Jomong, huwag mo na lang silang pansinin."

Sana lang maniwala si Jake sa sinabi ko. Ayaw kong pati siya ay madamay.

"Masyado na ang biro nila. Hindi na nakakatuwa." Nakasimangot na sabi ni Jake.

"Okay lang, hayaan mo na lang sila."

Feeling ko naging mas okay na kami ni Jake after nang birthday ko.

Mas madalas ay nag-uusap na kami ni Jake ngayon.

"Kamusta ang tulog mo Shin?" Tanong ni Jake.

"Okay naman, ikaw kamusta din ang tulog mo?'

"Inaantok pa ako, gusto kong matulog na lang buong maghapon."

Nakakapag-biruan na kami ni Jake kahit simpleng biruan lang. Madalas siya ang unang nakikipag-usap sa akin.

Mabait si Jake sa akin, siguro dahil pinakiusapan siya ni Auntie Mira?

O baka naaawa lang siya sa akin? Okay lang naman sa akin kahit anuman ang dahilan niya. Ang mahalaga ay maging maayos ang relasyon namin ulit dahil baka last chance ko na ito. Gusto kong maibalik ang dati naming relasyon kagaya noong mga bata pa kami.

Sa school ay ganun pa rin naman kami ni Jake, parang hindi close. Kunsabagay magtataka ang mga classmates namin kung biglang kikilos kami na close sa isat-isa. Iniisip ko rin ang iisipin ng iba kay Jake.

Pero madalas ay sabay na kaming kumain ng lunch sa canteen.

"Jake....."

"Oh?"

"Okay lang ba sayo na sabay tayo laging mag-lunch?"

"Bakit mo naman naitanong?"

"Baka kasi kung ano ang sabihin ng mga kaibigan mo...."

"Okay lang, hindi naman nila alam na magkasabay tayong mag-lunch. Hayaan mo lang sila."

"Ikaw Shin, okay lang ba sayo na kasabay akong kumain?"

"Oo naman, walang problema sa akin."

Kahit tuwing meryenda time ay sabay kami ni Jake.

"Gusto ko nang bavarian donut."

RIGHT THERE NEXT TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon