True Love 17

32 3 0
                                    

True Love 17

SHIN'S POV:

"Shin!!" Si Jeanie ang tumawag sa akin. "Diba close kayo ni Jake? Kayo ang laging magkasama?"

"Ah, medyo..." Sabi ko na lang. Bakit naman kaya niya natanong?

"Shin, pwede mo ba akong tulungan?"

Huh???!!! Anong klaseng tulong naman?

"Gusto ko sanang sumabay sa inyo ni Jake na mag-lunch."

"Gusto mong sumabay, sa aming dalawa?"

Anong trip ng babaeng 'to?

"Sana, please. Okay lang naman di ba?"

Hasssyt, bahala na, kakausapin ko na lang si Jake.

"Jake, pwede ba akong magsama mamaya kapag mag-lunch tayo?"

"Sino?" Kunot noo si Jake.

"Si Jeannie."

Hayssst, pagdating ng lunch kasama nga namin si Jeannie.

"Hi, let's eat somewhere else. May alam akong magandang restaurant." si Jeannie.

Tahimik lang si Jake. I'm sure wala siya sa mood.

"Jake, anong gusto mong kainin?" Tanong ni Jeannie.

"Kahit ano na lang...." wala talaga sa mood si Jake.

"Okay, akong bahala." Kinilig pa ata si Jeanie. Nakikiramdam lang ako, para ngang hindi ako kasama eh.

"Shin," bulong ni Jeannie. "Pwede mo bang iwanan kami ni Jake, magdahilan ka na lang. I'll give you money, kumain ka na lang muna sa iba. Gusto kong makausap si Jake nang kami lang. Gusto ko talaga siya."

ANO???!!! Sabi na eh may balak ang babaeng 'to.

"Kapag naging okay kaming dalawa, tatanawin kong malaking utang na loob sayo 'to. Please!!"

Anong gagawin ko? Hindi ako makapag-decide. Iiwan ko ba si Jake kay Jeannie?

"Shin, dito ka maupo sa tabi ko." Tawag ni Jake.

Ang awkward!!! Ang sama nang tingin ni Jeannie sa akin. Gusto na niya kasi akong paalisin.

"Pwedeng magtanong bago tayo mag-order?" Sabi ni Jake kay Jeannie.

"Sure, Jake." Todo ngiti si Jeannie, as in pa-sweet ang ngiti niya kay Jake.

"May gusto ka ba sa akin?"

Nagulat ako sa sinabi ni Jake. Kahit si Jeannie nagulat din. 

"Eeehhh..." Si Jeannie. Hindi siya makasagot kaagad. "Hahaha, Jake hindi ko ini-expect na itatanong mo yan. Ang cute!! What if sabihin kong wala akong gusto?"

"Oh???? Then fine.. ." Parang hindi naniniwala si Jake kay Jeannie, ang sungit niya.

"What if sabihin kong gusto nga kita, Jake?"

Grabe, ang awkward na talaga.

Hindi kaagad sumagot si Jake.

"Bakit hindi ka makasagot Jake, gusto mo rin ba ako? Pwede tayong mag-date. Okay lang sa akin." Sabi ni Jeannie.

"Hinding-hindi iyan mangyayari. I'm already dating someone." Si Jake.

Parang walang narinig si Jeannie. Ako naman kinakabahan what if sabihin ni Jake ang totoo kay Jeannie?

"So what? Alam ko naman na hindi malabong may dini-date ka na talaga. Sikat ka, guwapo. Pero malay natin dahil hindi naman natin sigurado ang pwedeng mangyari. What if magbago ang feelings mo? Okay lang sa akin kahit nay dini- date ka na Jake. I'm willing to try."

RIGHT THERE NEXT TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon