True Love 22

35 3 0
                                    

True Love 22

JAKE'S POV:

Kailangang sabihin ko na kay Shin ang totoo. Siguradong magiging mahirap para sa kanya ang kanyang malalaman, pero handa akong iwanan ang lahat para sa kanya, sapat na siguro iyon para manatili siya sa akin?

Basta't kasama ko si Shin, magiging okay ang lahat para sa akin.

"Jake?!!" Si Kai, magkasama sila ni Shin.

"Jake, saan ka galing?" Tanong ni Shin, Nasa mukha niya na nag-aalala siya.

"Kai, kailangan ko munang makausap si Shin."

"Sure, mauna na ako sa inyo. Sana makapag-usap kayong dalawa ng maayos. Goodluck, Jake!" Paalam ni Kai.

"Jake, bakit hindi ka umattend ng klase mo, saan ka galing?" Tanong ni Shin.

"Galing ako sa office ni mommy."

"Sa office ng mommy mo...."

Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Shin.

"Shin, may kailangan akong sabihin sayo."

"Sige, ano iyon?"

Nag-ring bigla ang cellphone ni Shin, tumatawag si Auntie Mira.

"Jake, tumatawag ang mommy..."

"Sige lang, sagutin mo Shin."

Lumayo ng konti si Shin sa akin para kausapin si mommy.

"Sige po auntie, bukas po." Nagpaalam din kaagad si Shin kay mommy.

"Anong sabi niya?" Tanong ko pa rin kay Shin kahit may kutob na ako.

"Pinapapunta niya tayong dalawa bukas sa bahay."

Anong plano ni mommy? Nakapagdesisyon na ba siya?

"Shin, actually alam na ni mommy ang tungkol sa ating dalawa."

"Jake...." kita ko ang kaba sa mukha ni Shin. Parang maiiyak siya sa takot.

"I'm sorry Shin kung ngayon ko lamang ito sinabi sayo."

"Jake, huwag kang magsorry, kahit ako may kutob na ako tungkol dito. Hindi lang ako nagtanong. Dapat siguro kinausap kita, natatakot lang siguro ako? Hindi ko alam ang gagawin ko."

"Shin, huwag mong pilitin ang sarili mo. If you don't wanna go, you don't have to."

"Jake, pupunta ako. Kakausapin ko siya."

"Dalawa tayong pupunta Shin. Hindi kita hahayaang pumuntang mag-isa. Kasama mo ko."

Kinabukasan ay magkasama kami ni Shin na pumunta kay mommy. Kinakabahan si Shin, kailangan kong maging strong for him.

"Ma-upo kayong dalawa." Utos ni mommy.

Magkatabi kami ni Shin na naupo sa harap niya.

Hindi makatingin si Shin kay mommy, siguradong takot na takot siya ngayon. Hinawakan ko ang kamay ni Shin. Pinisil ko iyon just to give him assurance na nasa tabi lang niya ako. Para lumakas ang loob niya.

"Gaano na katagal ang relasyon ninyong dalawa." Tanong ni mommy.

"Since, last summer ma." Ako ang sumagot sa tanong ni mommy.

"So matagal nyo na pala akong pinagtataguan?"

"Sasabihin ko rin, ma. Humahanap lang ako ng tamang pagkakataon. Maybe after we graduate, kapag may trabaho na kami, kapag settled na kami."

"Ganoon ninyo ako katagal planong pagtaguan?" Ramdam ko ang hinanakit sa boses ni mommy.

"Auntie sorry po, kailangan lang po naming maging sigurado sa relasyon namin ni Jake bago namin sabihin sa inyo. Naisip ko rin po na mas magiging okay ang lahat kung financially stable na ako para hindi nakakahiya sa inyo, para mas makapagkatiwalaan ninyo ako. Sorry po." Si Shin, halos maiyak na siya.

Nagulat ako dahil sa sinabi ni Shin, hindi ko naisip na ito pala ang tumatakbo sa isip niya.

"Anong gagawin ninyo kung hindi ako papayag sa relasyon ninyong dalawa? Maigi na lang nalaman ko ng mas maaga. Shin susundin mo naman ako kapag hiniling ko sayo na layuan mo si Jake, hindi ba?"

"Ma???!!!" Sigaw ko kay mommy. Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Nakita ko ang pamumulta sa mukha ni Shin. Hindi siya makapagsalita. Nababasa na ng luha ang mga mata niya.

Yumuko na lang si Shin dahil hindi na siya makatingin kay mommy.

"Auntie, sorry po. Alam kong wala akong maipagmamalaki, at hindi ako bagay kay Jake, pero hindi ko po siya kayang layuan."

"Shin, anong sinasabi mo??!!!" Si mommy naman ang nagulat.

"Gusto ko po talaga si Jake, hihintayin ko po na matanggap ninyo kami. Gagawin ko po ang lahat para maging sapat ako kay Jake."

"Shin, hindi kagaya ng iniisip mo, hindi kita minamaliit para kay Jake. Can you promise me na aalagaan mo si Jake, Shin? Aalagaan nyo ang isa't-isa."

"Ma????" Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mommy.

"Promise po auntie, aalagaan ko si Jake. Thank you po." Tuluyan nang umiyak si Shin.

Inakap ko si Shin.

"Shin, huwag kang umiyak."

"Jake, Shin, maging masaya sana kayong dalawa palagi. Nandito ako para sa inyo. I'll protect you." Sabi ni mommy.

Makahawak kamay kami ni Shin habang pauwi. Okay na ang lahat, at least okay na sa aming tatlo nina mommy. Tanggap na niya kami.

"Jake, inaantok na ata ako dahil sa subrang takot ko kanina kay Auntie Mira."

"Shin, matulog ka na muna. Babantayan kita."

"Jake kung panaginip lang ang lahat ng ito, ayaw kong magising kaya hindi ako pwedeng matulog. Hahaha."

Magaan na sa pakiramdam ko na makitang tumatawa na ulit si Shin, siya lang naman ang mahalaga para sa akin.

Kinurot ko ang kanyang pisngi, "Shin hindi ito panaginip. Hahaha."

Naalala ko ang usapan namin ni mommy kanina bago kami umalis ni Shin ng bahay.

Matagal na panahong naghintay ako nang tamang pagkakataon para mag-open kay mommy.

"Jake..." hesitant si mommy pero alam kong from her heart na gusto niya talaga akong makausap ng sarilinan.

"I'm sorry, ma." Ako na ang unang humingi ng paumanhin sa kanya. Marami din akong pagkukulang kay mommy.

"I'm sorry too anak. Sana ay mapatawad mo ako sa pagkukulang ko. Hindi ako naging malapit sa iyo kaya naiintindihan ko na malayo din ang loob mo sa akin, sorry Jake. Bigyan ko ako ng chance na bumawi sayo. Sana ay mapatawad mo ako, hindi pa huli ang lahat. Gagawin ko ang lahat para mapalapit ka sa akin. Mahal na mahal kita anak. Ikaw lang ang mayroon ako at syempre si Shin. Masaya ako dahil kayo ang mga anak ko. Hindi ko kayo pababayaan, I will protect you against your dad at kahit sa grandpa mo kung kinakailangan. Kahit sa buong mundo na hindi kayo kaagad mauunawan, puprotektahan ko kayo."

Inakap ko nang mahigpit si mommy. Tama naman siya hindi pa huli ang lahat. Ngayong maayos na ang lahat at tanggap na niya kami ni Shin hindi mahirap na ilapit ko ang loob ko sa kanya.

Matagal ko na rin namang pinangarap na maging close kami.

Siguradong magiging mas masaya si Shin para sa amin ni mommy kung mangyayari iyon.
























RIGHT THERE NEXT TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon