True Love 2
Pagod na pagod ang pakiramdam ko after ng school. Kung pwede lang na hindi na ako pumasok bukas ay hindi na lang ako papasok.
Masakit ang ulo ko dahil sa maghapong pag-iisip at stress.
"Ma, bakit hindi mo sinabi sa akin na magkaklase kami ni Shin?" Narinig ko si Jake, kausap niya si Auntie Mira. Natigilan ako bigla.
Mukhang galit na naman siya dahil sa akin? Ayaw niya syempre na magkaklase kami.
"Nakalimutan kong sabihin sa inyo. Jake kamusta si Shin sa school?"
"Bakit ako ang tinatanong ninyo? Bakit hindi siya ang tanungin mo ma?" Yamot ang boses ni Jake.
Asar talaga siya.
"As if magkukuwento sa akin si Shin. Sasabihin nun na okay lang siya, na huwag akong mag-alala pero nagwo-worry ako na baka hindi siya okay, eh."
"Jake ngayong classmates kayong dalawa, please look after him, ha?"
"Hindi magtatagal, iiwanan na tayo ni Shin. Malamang sa malamang aalis siya sa bahay na 'to." Sabi ni Auntie Mira.
"Aalis siya? Bakit? Saan siya pupunta?" Nagulat ba si Jake sa sinabi ni Auntie Mira?
"After ninyong maka-graduate ng highschool malamang aalis na siya sa atin para mag-college. Kilala mo naman si Shin, feeling niya pagbigat siya sa atin. At malamang hindi natin siya mapipigilang umalis, kaya hanggang kasama natin siya maging mabait ka sana sa kanya Jake." Paki-usap ni Auntie Mira kay Jake.
Hindi ko na pinakinggan ang sagot ni Jake kay Auntie Mira, tahimik akong bumalik sa kuwarto ko.
Anong gagawin ko? Kapag nalaman ni Auntie Mira ang sitwasyon ko sa school malamang mag-aalala siya. Ayaw kong mangyari iyon, malaking abala na ako sa kanya para bigyan ko pa siya ng alalahanin.
Kailangang mag-ingat ako. Hindi nila dapat malaman.
Maaga akong gumising kinabukasan para magluto ng breakfast namin.
"Shin, ang aga mong gumising? Ako na dapat diyan." Saway ni Auntie Mira sa akin.
"Okay lang po auntie, maaga po kasi akong nagising kaya nagluto na ako."
"Naku Shin, napakasipag mo at sweet ka pa, kung kagaya mo lang sana si Jake." Alam kong nagju-joke lang si Auntie Mira, mahal na mahal niya si Jake.
Tahimik kaming kumakain ni Jake, hindi kami tumitingin sa isat-isa.
"Jake, fourth year ka na, dapat nag-aaral ka nang gumising nang maaga. Sanayin mo ang sarili mo na gumising nang kusa at hindi na kailangang gisingin ka pa namin. Malapit ka nang mag college, anak."
"Gayanin mo si Shin, ang aga niyang gumising. Siya pa ang nagluto ng breakfast natin."
"Okay..." tipid na sagot ni Jake.
Muntik na akong masamid.
AWKWARD!!!!
Nahiya ako bigla kay Jake. Gusto ko lang namang tulungan si Auntie Mira pero ang nangyari na-compared pa siya sa akin ni auntie.
Nakakahiya.
Malayong-malayo si Jake kumpara sa akin. Sikat si Jake sa school samantala ako, walang pumapansin sa akin. Kung meron man sina Jomong at Gato lang para i-bully ako.
Maraming kaibigan si Jake pero ako wala.
Ang meron lang ako, bully sina Jomong at Gato.
Binatukan ako ni Jomong, "anong tinitingin-tingin mo dyan?" Nahuli niya kasi akong tinitingnan siya. Siguro nahalata niya sa mukha ko ang disgusto ko sa kanya. Paano ba naman kaaga-aga nangbu-bully siya sa ibang kaklase ko.
Kunsabagay ano ba ang pakialam ko kung mam-bully siya ng iba kong mga kaklase, kung ang sarili ko nga hindi ko maipagtanggol sa kanya?
Sa subrang stress, gutom na gutom na talaga ako pagdating ng lunch. Sa pinakadulong mesa ako naupo para makaiwas kay Jake.
Nagulat ako nang maupo Jake sa harapan ko. Bakit dito siya naupo? Nasaan ang mga barkada niya?
Hindi ako makapaniwala na sabay kaming kumakain ni Jake ngayon.
Oo, sa bahay ay nakakasabay ko siyang kumain, pero iba kapag nandito kami sa school.
Talaga bang sinabayan niya akong kumain? Siguro dahil sa pakiusap ni Auntie Mira sa kanya na maging mabait siya sa akin?
O baka alam na niya ang sitwasyon ko? Na binu-bully ako nina Jomong at Gato? Naaawa siguro siya sa akin?
AWKWARD NAMAN!!!!!!
Tapos na akong kumain pero tama bang iwanan ko si Jake nang mag-isa? Hindi pa kasi siya tapos kumain.
Dapat bang hintayin ko siya? Hindi ba nakakahiya? Baka magmukhang feeling close ako sa kanya? Haysst, ang hirap manghula.
"Tapos ka nang kumain?" Tanong ni Jake sa akin.
"Ah, oo eh." Nahihiya kong sagot sa kanya.
"Hintayin mo na ako."
"Ah, oo, sige- sige!" Shakss huli na nang marealized ko na masyado ata akong excited sa naging sagot ko?
"Let's go?" Aya ni Jake sa akin. Tapos na rin siyang kumain.
"Ahmmm, okay..."
Nakasunod lang ako sa likuran ni Jake habang naglalakad kami. Subrang tangkad pala niya compared sa akin?
Ang alam ko mas matangkad ako sa kanya nung mga bata pa kami? Ano bang pinagkakain ko at nalampasan niya ang height ko?
Dahil kung anu-ano ang naiisip ko, bumangga ako sa likod ni Jake.
Natakot ako. What if magalit siya sa akin?
"Ahm, sorry. Pasensya na, hindi ko sinasadya." Kinakabahan ako dahil baka magalit nga si Jake sa akin.
Tinitigan niya ako, lalo lang akong kinabahan.
"Sina Jomong at Gato, mga kaibigan mo ba sila?" Nagulat ako sa tanong ni Jake.
Bakit niya tinatanong? Anong sasabihin ko? Aaminin ko ba ang totoo? Baka madamay lang siya sa sitwasyon ko at ayaw kong mapahamak siya.
"Oo, kaibigan ko sila." Nagsinunghaling ako. Ayaw kong pati sila ni Auntie Mira ay mag-alala pa.
"Ganun ba? Ahm, okay." Nakahinga ako nang maluwag dahil naniwala sa akin si Jake.
Nakasalubong namin si Jomong at Gato, at kita ko sa mukhang nila na nagtataka sila kung bakit magkasama kami ni Jake?
"Nag-enjoy ba kayo sa lunch ninyo?" Nagulat ako sa tanong ni Jomong, inakbayan pa niya kami ni Jake na akala mo ay close kaming tatlo. Sinamaan lang siya nang tingin ni Jake.
Hinila ako ni Jomong palayo kay Jake. "Bakit magkasama kayo ni Sotto?" Tanong nito na ang ginamit ay ang surname ni Jake.
"Hindi ah, nakasabay ko lang siya sa paglalakad." Nagsinunghaling ako para hindi niya istorbohin din si Jake.
Narinig ko namang inuusisa nina Kai at Ted si Jake.
"Bakit hindi ka sumabay sa amin kanina, ha?" Tanong ni Kai.
"Gutom na gutom na kasi ako, mahihirapan tayong maghanap ng bakanteng mesa kung tatlo tayo." Dahilan ni Jake.
"Kung sabagay, napakaliit naman kasi ng canteen ng school na 'to." Reklamo ni Ted.
Pumasok na ako kaagad sa classroom namin para makaiwas ako kay Jake, baka kung ano pa ang isipin nina Jomong at Gato kapag nag-stay pa ako sa tabi niya.
Mababaliw ata ako kapag ganito nang ganito ang sitwasyon ko araw-araw?
BINABASA MO ANG
RIGHT THERE NEXT TO YOU
DragosteBoys Love story by Mikzylove Hinding-hindi makakalimutan ni Shin ang narinig niyang sinabi ni Jake - ayaw nito sa kanya! Kaya naman iniwasan niya ito, pero kaya ba niyang iwasan ang nararamdaman ng puso niya para kay Jake? Si Auntie Mira ang mothe...