Chapter Two

82 3 0
                                    

Innocence

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nahuhulog. Nawalan ako ng malay sa mismong sandali na tinulak ako ng babae sa butas ng kadiliman. Hindi ako sigurado kung nawalan nga ba ako ng malay o sadyang biglaang dinalaw lang ng antok.

As I fall, there's been this new voice that came to my mind, whispering. Words that I fail to understand and names that I've never heard of. Hindi ko alam kung saan ito nanggagaling o kung kanino. Ito ba ang sanhi ng pagkawala ko sa lugar na pinagmulan ko? Ito ba ang nangyayari sa mga kagaya ko kapag nakalabas kami sa Valleyria? O baka sa akin lang ito nangyayari?

"...Mabubuhay siya, Devisee."

"Walang makakaalam sa pagkabuhay ng batang ito. Kailangan natin siyang... itago pansamantala... Hangga't hindi pa ako nakakahanap ng paraan kung paano siya mapapanatiling buhay..."

"Sa mga sandaling ito isinilang na rin ang kanyang diyos o diyosa sa kanilang mundo... Itatakwil rin ito..."

Wala akong may maintindihan. It's as if half of consciousness lies somewhere else. But I can hear them... somewhere far from me. S-Sino ang mga nagsasalita? Paanong naririnig ko sila sa aking isipan?

Nagpatuloy ang iyak ng sanggol na kanina ko pa naririnig. Napamulat ako dahil roon at tinakpan ang aking tenga. Napaiyak pa ako ng malakas at napasigaw habang walang tigil pa rin sa pagkahulog. Napakadami kong katanungan... ngunit ni paghinga ngayon ay parang hindi ko na magawa. Something's hurting in my chest and throat. I couldn't breathe because of it...

Dumoble pa ang sakit nang mistulang nagpasikot-sikot na ako. My vision cleared a bit but I still can't look at anything. Masyadong maliwanag na ngayon... Mula sa kadiliman kanina ay tila biglaang sumulpot lang ang liwanag na siyang tumupok sa paligid. Sa gitnaan ng pag-ikot ko sa hangin ay pilit ko pa rin binuksan ang mga mata ko para lang may maanig.

Napasinghap ako. N-Nasaan ako? Magkaibang-magkaiba ang mga nasisilayan ko ngayon kumpara sa Valleyria. Masyadong malaki... Masyadong malawak at... n-nakakatakot. Sa bawat lupain na naaanig ko ay tila may mga pader na nakatayo. P-Para saan ang mga ito?

H-Hindi... Ayoko. Ayokong mapunta rito! Mawawala ako... S-Sigurado akong mawawala lamang ako!

"Hindi! Ibalik niyo ako! Ibalik niyo ako! Ayoko dito!"

Para akong tinapon dahil lang hindi nila nagustuhan ang aking buhay sa Valleyria... Ngunit sila na mismo ang nagsabi! N-Ngayon pa lang ako isinilang... Ito rin ba ang mga nangyayari sa mga katulad ko?

Malakas akong umiyak habang pilit inaabot ng mga kamay ko ang kulay puti na bagay na nararaanan ko lang sa aking pagkahulog. Pero lumalampas lang sa kamay ko mga ito. W-What are these?

Napahinto ako sa pagsigaw nang unti-unting lumapag ang katawan ko sa matigas na lupa. Hindi katulad ng lupa sa Valleyria na puno ng mga halaman at mga ginto, ang kinatatayuan ko ngayon ay puro dumi lamang at mga bato.

Napapikit ako sa sinig ng paligid. Wala akong may makita... Masyadong makulay ang lahat ng naririto kumpara sa Valleyria. Nagsimula akong makaramdam ng taranta at mas higit pang takot.

Niyakap ko ang aking sarili at nanatiling nakapikit. Pakiramdam ko sa oras na magmulat ako ay mawawalan lang ako ng paningin. Masyadong nakakasakit sa mga mata ko ang sinag ng panibagong lugar na ito.

"Tulong!" Napasinghap ako nang halos walang lumabas na tinig sa aking bibig. "Tulong--Ahh!"

Napasigaw ako ulit nang biglaang may sumakop sa katawan ko. Bumalik ulit ako sa ere. Sa pagkakataong ito, mas malakas pa ngayon ang pasikot-sikot ng katawan ko sa himpapawid. May pumisil sa bandang bewang na mas lalo ko pang ikinatakot. P-Parang may nakahawak sa akin--Mga k-kamay!

The Song of Teardrops (Van Doren Series #3)Where stories live. Discover now