Aventhril
Biglaang pumasok na lamang sa isipan ko ang kahulugan ng pangalan ng puno. Tila ba ay may nagpahiwatig nalang sakin sa pamamagitan ng panaginip. Wisdom was given to me in a form of a dream. I dreamt of the trees and the similar ones that we have in Valleyria. I dreamt where Aventhril was planted inside the castle. I dreamt of its meaning... It woke me.
Aventhril. In the language of gods and goddesses, it means death.
Napaupo ako ng maayos sa sangang hinihigaan ko at tumanaw sa lumang palasyo. Nasapo ko ang dibdib ko nang maramdaman ang mabilis na pagpitik nito. I calmed myself before staring at my own hands. Such power gods and goddesses hold when it comes to understanding, yet they put so little use to it...
Mariin akong napapikit at hinanap sa Nyx. The night has gotten darker, but I saw him glowing above the castle. Nakaupo siya roon na para bang may sinisilip. Tahimik akong gumalaw at bahagyang tumalikod. I slowly went down from the tree's branches. When I got into the ground, I looked back and faced the tree. Nilapat ko ang kamay ko roon at pinakiramdaman iyon.
Napapikit ako.
"Diere?"
Hindi ko pinansin ang tawag ni Nyx sa likuran ko. I felt him just flew passed me. "Diere?"
"Sshh..."
"Anong ginagawa mo?" Bulong niya.
I opened my eyes and remove my hand from the tree. "I'm trying to talk to it. Naalala mo ang sinabi ko sayo noong mga nakaraang araw? I can feel the trees... It's strange because I couldn't now..."
Kumunot ang noo niya sa tabi ko bago nilapat din ang palad sa puno. "Maybe because Cianna's gone? The shrine where Lothrein lives must be their life force... Pero ngayon ay wala na ito..."
I shook my head. "I began feeling them since we're in Axiom. They have no life force in Axiom... Wala namang mga elven na malapit sa mga punong iyon para pangalaan sila, hindi ba?"
Napatango siya. He confusedly looked at the tree. "What do you think is wrong with them now?"
Napailing-iling ako. "Hindi ko alam... Bigla nalang silang tumahimik rito. Para silang natutulog..." I firmly shut my eyes and looked back at the castle. "Something's wrong, Nyx. I feel like something's coming..."
"Kung ganun mas mabuti kung pumasok na tayo sa palasyo para puno. Sapat na ba ang naging tulog mo?"
Tumango ako. "Kailangan na nating magmadali..." Napatingin ako sa paligid. If these trees were truly sleeping, then maybe it means they fear something. And it's weakening them.
I started walking towards the castle. Nyx immediately followed me.
"May naiwang silang bukas na bintana sa hilagang bahagi ng palasyo. Do you think you can climb that?"
Napangisi ako. Sa liit ng katawan kong ito, hindi ko maitatangging mas napapadali ang pag-akyat ko sa kung saan-saan nalang. Mas napapadali rin ang pagtatago ko bilang batang lalaki. I should take advantage of being stuck in this child-like body while I still can. Kahit na nagsasawa na rin ako dito.
"I can climb it," I answered him.
"It's over there..."
Tinuro niya ang nag-iisang bintana na tila nasa ikalimang palapag na ng palasyo. Napalunok ako bago nagsimulang maglakad roon. Naging ibon na si Nyx at mabilis na nakalipad sa bintana. I hid behind a bush before I could find something to hold on to. Mabilis akong nakaakyat dahil sa mga sangang halos nakapalibot na sa palasyo.
Hindi ko maiwasang hindi sumilip sa bawat bintana na nadadaanan ko sa pag-akyat. The House of Golden Bloods looks a lot like the castle of Orioth. Small and old. Wala ring masyadong kagamitan sa loob nito at mga kandila lang ang nakapaligid sa mga pasilyo.
YOU ARE READING
The Song of Teardrops (Van Doren Series #3)
FantasyVan Doren Series #3 (Completed) Set only a hundred years after The Fall, the origin of the Goddess of Tears begins. She who will unfold the mysteries lost in an era where significant events and family legacies are carve out and will live on long aft...