Chapter Seventeen

29 4 0
                                    

To Flourish

Hindi ko na namalayan ang pagsapit ng umaga sa pagsulit ko ng oras ko sa pagtatanim. Habang si Nyx naman ay nasa himpapawid lang at nagmamasid. Ilang oras na rin kaming hindi nakakapag-usap.

Napabuntong-hininga ako at nagpatuloy nalang sa pagtatanim.

"Are you sure those will live?" I heard Priam asked behind me.

Napalingon ako sa kanya. Naiinip niya lang akong pinagmasdan bago pinukulan ng tingin ang butong tinanim ko.

"They have my tears..." I muttered. "They will live as long as I live."

"You're going to make the god of forests angry for this," he murmured then stood up straight. Binaba niya ang talukbong niya. Bumagsak ang magulo at mahaba niyang buhok sa mga balikat niya. He has greyish hair. A symbol of old age.

"You can't just plant anywhere you wish, young goddess." He said firmly. "Once the god of forests finds out about this..."

"Then, better plant the seeds while the hour is still young." Pagputol ko sa sasabihin niya. Masaya kong pinagmasdan ang mga natanim ko at ang mga ugat nilang lumalabas na. "Mapoprotektahan ko ang paaralan sa pamamagitan nito..."

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. "And what kind of forest would this be?"

"I do not know what would it be..." I honestly answered. "I hope no spells would linger here. Gusto kong dito dumaan ang aking Devisee papasok sa paaralan..."

Napalingon ako sa kanya nang marinig ang paghampas ng kanyang mga pakpak. He flew right beside me as if taken aback by what I just said. His eyes widened and glanced at the school. "You plan to take your Devisee here?"

Tumango-tango ako. "Soon, once I found her. She would be safe inside..." Ngumiti ako at tumayo na ng matuwid nang matanim ang panghuling buto. Napatingin ako sa kanya. "Ngayon, saang digmaan ka na naman pupunta?"

Bahagya siyang nagtaas sa kilay. "Wars are none of your concern."

"But, you just told me to do something to stop the wars," reklamo ko.

"Exactly... I told you to do something to stop the wars. Go back to Valleyria and convince your kind. Not fight with me in wars..." He lectured. Napabuntong-hininga siya at napahimas ng noo. "You're a goddess. You should be more than just a little girl who's holding a sword."

Mabilis akong umiling-iling. "Hindi naman ako magpapakita... At mas lalong hindi ako hahawak ng sandata. Gusto ko lang makatulong sa kung saang kaharian ka man pupunta. Nature would be my barrier, and my weapon. I can guide you for as long as I can with it... Ganun rin sa iba pang mga nilalang na lumalaban roon."

"Naisip mo man lang ba na maaari kang mamatay roon kapag may nakakita sayo?" Matigas niyang giit.

Mahina akong napatawa at bumaba ang tingin sa mga butong tinanim ko. "If ever I'll die in that battle, I would be at peace knowing that something will still be alive and will grow because of me tomorrow..." I murmured quietly while staring at the seeds before facing him back again.

Napakunot lang lalo ang noo niya at mahinang napailing-iling pero napangiti rin ng bahagya. He stepped back then slowly nodded. "Prepare yourself, then." He said then spread his wings.

Lumipad siya sa mismong harapan ko. Nawalan naman ako ng balanse dahil sa lakas ng hampas ng mga pakpak niya. I frown as I watch him fly back to the hill. Tumayo ako at pinagpag ang damit. I touched my hair to push them to the back of my ears. Hanggang ngayon ay maiksi pa rin iyon.

Bumuntong hininga ako at hinanap si Nyx.

I saw him sitting on a branch. Mariing nakapikit ang mga mata na para bang sinubukan palang niyang makatulog. Agad siyang napamulat nang magtagal ang titig ko sa kanya. I looked away when he stared down.

The Song of Teardrops (Van Doren Series #3)Where stories live. Discover now