Chapter Three

45 5 0
                                    

Live

Nagising ako sa tunog ng daloy ng tubig. Napabangon ako dala ng pagkagulat at kinapa ang sarili kung nandito pa nga ba ako. Nang masigurado kong kompleto pa naman lahat ng mga parte ng katawan ko ay agad na akong tumayo para tignan ang paligid.

Napataas ang kilay ko. At ano na namang klaseng lugar ito? Couldn't there be a time where I could just stay put in one place? Nakakahilo na ito!

"Oh look, Fatima. I think she's awake. Pagkatapos ng tatlong araw ay sa wakas nagising na rin... Sa susunod huwag mo namang lubos-lubusin ang kapangyarihan mo sa kanya."

Napalabi ako sa pamilyar na boses. Ano nga ba ulit ang pangalan ng babaeng ito?

"Nasobrahan nga ang kanyang tulog... Malay ko namang sobra na pala 'yung ginamit kong kapangyarihan sa kanya." Fatima's voice from behind. Halos maglapit lang ang mga tinig nilang dalawa. Bahagya akong nagpagpag ng aking kasuotan at marahang sinusuklay ang aking buhok gamit ng mga kamay ko bago humarap sa kanilang dalawa.

"Malamang ay dahil sa maliit niyang katawan. Your power must be too much for her body that she spent the last three days snoring in my cave," reklamo ng pamilyar na babae. Lady Tauriel? Tama ba ang pagkakaalala ko sa pangalan niya?

"Checkmate," dugtong pa niya at ngumisi sa kaharap niyang si Fatima.

Both of them are sitting on the wet floor. Tumayo si Fatima at napailing-iling. Bagsak ang balikat niyang naglakad papalayo sa kinauupuan nila ni Lady Tauriel. Habang si Lady Tauriel naman ay mahinang natawa lang at niligpit ang bagay na nasa harapan nila.

Kumunot ang noo ko at dahan-dahan siyang nilapitan. "What's that?" I pointed at the things she's keeping with its small pieces.

"It's Chess. Napuslit namin ito kahapon. It's from the castle itself." She seemed proud. "It's a game. Do you want to try it?"

Nanlaki ang mga mata ko sa alok niya. "Can I?"

She smiled, nodding. "But not now. I'll teach you all about this next time. May pupuntahan pa ako ngayon sa araw na ito,"

"Saan?"

"Sa bayan. I need to see if there's news from Axiom,"

"Axiom? What's that?" Nalilitong tanong ko. "Can I come?"

"Axiom's somewhere far away," tipid na sagot niya lang at ngumiti. "You can come, litte girl. As long as you promise me to stay close... And to be quiet. Hindi ka pwedeng dumaldal nalang doon. Don't talk or look at anyone too, do you understand? They might sense you..."

Napalabi ako bago mabilis na tumango sa kanya. That's fine. But how could I not look at anyone? Pipikit ako habang naglalakad?

Bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. Nagkabit-balikat lang ako sa kanya bago nauna ng tumakbo papalabas sa madilim at marumi na kweba. I don't understand... Sa lahat ng lugar, bakit dito pa nila naisipang manirahan?

I just shrugged and was about to ran faster towards the forest when a hand grabbed me. I felt like grieving because of that. Napatitig ako sa malapad na damuhan na tatakbuhan ko sana. Napabuntong hininga nalang ulit ako at nilingon ang nagpahinto sa akin. "Wala po bang isang bagay na maaari kong gawin?"

"Hindi naman kasi diyan yung daan patungo sa bayan. Baka maligaw ka lang," tugon ni Fatima. Her eyes roamed all over me before letting go of my arm. I stared back at the forest trees.

"Kung ganun, nasaan po ang daan--"

Napatulala ako nang biglaan nalang siyang nawala sa pagkaharap ko ulit sa likuran ko. Nagmasid-masid ako sa paligid pero wala na siyang bakas pa na may iniwan. Hindi ko naman siya naramdamang umalis ah?

The Song of Teardrops (Van Doren Series #3)Where stories live. Discover now