Chapter Five

37 3 0
                                    

Over

I cried and cried, and cried. My tears were endless even if my eyes were already shut. I pulled myself deeper into the wall I was hiding as listened to their screams. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Pakiramdam ko kaunti nalang ay mawawala na ako sa pag-iisip. P-Paano... Paano nila nagagawa ito? A-Anong klaseng lugar itong pinuntahan ko?

"Nasaan na siya?!"

Ayokong tumingin. Ayokong tumingin sa mga nangyayari... Ayokong tumingin sa mga pinapaslang na mga babae. Nakakabingi ang mga sigaw nila... Ayokong makita... Ayoko. Hindi ako titingin.

"A-Ahh!" Napasigaw ako nang may naramdamang kumapa sa mga paa ko. Sinimulan ako nitong hilahin. Tinupok ng takot ang buong katawan ko. Hindi ko na napigilan pa at nagwala na. "Bitawan mo ako! Bitawan mo ak--"

"Tumahimik ka kung gusto mo pang mabuhay..." Bulong sakin ng isang pamilyar na boses.

Someone covered my mouth and dragged me out from where I was hiding. Ilang beses kong naramdaman ang pagkatulak sakin bago pa ako tuluyang nakatayo. Binuksan ko ang mga mata ko at nag-angat ng tingin sa humila sakin.

"F-Fatima..."

"Magtago ka!" She hissed. She pushed behind her and covered me with her cloak. "Huwag kang sumigaw sa susunod na mangyayari..."

Nagsimula siyang tumakbo at napasunod naman ako sa kanya. Ngunit halos mapunit na ang mga paa ko sa unang hakbang palang namin. Bubod... May mga bubod ng salamin sa lupa. Tila nagkalat nalang ang mga ito sa buong paligid.

"A-Ahh..." Napadaing ako sa sakit. Ramdam kong gumagasgas na ang mga iyon sa paanan ko ngunit hindi pa rin tumitigil si Fatima sa pagtakbo.

Kinigat ko ang ibabang labi at napaiyak. Ilang sandali pa ay may humila sakin papalabas sa talukbong ni Fatima. I saw Lady Tauriel beside her. She pulled me even closer to her and held my hand tighter. Nauna kaming tumakbo kay Fatima.

"Takbo! Tumako ka lang! H-Huwag kang tumingin--ahh!"

"F-Fatima!" I screamed her name when she just fell. Para bang may humila nalang sa kanya paibaba at bumagsak sa mga bubog.

"No! Don't look back! D-Don't look at her... T-They did something... We can't use our powers here... Tumakbo ka lang, kung hindi ay mamamatay tayong lahat dito!" Sigaw sakin ni Lady Tauriel at walang tigil sa paghihila sakin.

Tiniis ko ang hubog sa mga paa ko at tahimik na humikbi habang hila-hila niya. Kagaya ng sinabi niya, wala akong kahit anong pwersang nararamdaman. Kahit ang sarili ko ay halos hindi ko na maramdaman. Walang kahit anong kapangyarihan ang nangibabaw sa amin ngayon kundi takot.

"Run!"

"Ahh! H-Huwag!"

"Habulin sila! Huwag niyong hahayaan na makatakas ni isa!"

Nabalot pa ng mga sigawan ang likuran namin. Unti-unti ay bumabagsak na rin ang iba pang mga babaeng kasabay namin sa pagtakbo. Nawawala na sila sa paningin ko hanggang sa kaming dalawa na lamang ni Lady Tauriel ang nanatiling tumatakbo.

Mabilis niya akong hinila patago sa madilim gilid papasok sa tila isang lumang bahay. She locked the door and pushed me down on the floor. Marahas niyang pinunasan ang sariling mga luha bago bahagyang sumilip sa labas. Napasinghap siya at napaluhod nalang rin dala ng panginginig.

Kumapa ang mga kamay niya lupa na tila ba may hinahanap. Napayakap ako sa sarili at walang tigil sa pag-iyak. Taimtim akong nagmakaawa sa pagkakataon na huwag sana kaming matunton rito. Ngunit tila walang silbi na iyon nang may kumalabog na sa pintuan.

The Song of Teardrops (Van Doren Series #3)Where stories live. Discover now