Chapter 6

3.6K 85 4
                                    

Nagising ako dahil sa sakit ng aking ulo. Dumilat ako ngunit napapapikit ulit dahil hindi nakapag adjust kaagad ang mata sa dilim. Sinubukan kong bumangon ngunit hindi ko magawa dahil sa braso na nasa aking tiyan.

Napatigil ako't kaagad na kinakabahan. Kaagad kong naalala ang nangyari kagabi. Sayaw. Stag party. Nakikipaghalikan ako sa groom at pumasok kami sa isang kwarto!

Tang ina! Hindi kaagad ako naniwala na ang lalaki kagabi ang katabi ko ngayon ngunit alam ko sa loob kong siya. Kasi hindi ko nakalimutan ang mga nangyari kagabi. Iyong pagkandong ko sa kanya. Lalo na iyong mga nangyari sa loob ng kwartong ito.

Tang ina ka, Rina! Nakipag sex ka sa ikakasal na? Shit!

Ebidensya ang sakit na nararamdaman ko sa aking katawan lalo na ang sakit sa gitna ng aking mga hita. Malakas parin ang kabog ng aking dibdib nang mapagtanto ang mga nangyari. Ni hindi ako nakauwi. Hinanap kaya ako ni Ria? Nasa dressing room ang gamit ko.

Hinay hinay akong bumangon nang maisip ang mga kapatid. Nag aalala na ang mga iyon sa akin. Hindi sanay ang mga iyon na hindi ako umuuwi kahit gaano man kapagod at kadami ang trabaho ko.

Naramdaman ko ang lamig at nanlaki ang mga mata nang tuluyang makaupo sa gilid ng kama. May kama sa club na ito?

Biglang uminit ang aking mukha nang mapagtanto kong nakahubad pa rin ako at walang suot na kahit ano.

Nilingon ko ang lalaki sa aking likod. Tulog parin ito at nakatagilid. Kahit tulog ay ang intense parin ng mukha nito na para bang may kaaway sa panaginip. Nagsimula itong maglikot na parang may hinahanap sa pwesto ko, kaagad kong ipinayakap ang unan ko sa kanya.

Huminga ako ng malalim dahil sa kaba. Ang usapan ay magta trabaho ka lang, Rina. Bakit may ganito? Ano ito ngayon?

Pa ika ika akong naglakad at kinuha ang polo niyang nasa sahig. Hindi ko na maisusuot ang isinuot ko kagabi dahil sinira ng lalaki iyon. Mabuti nalang at hindi nasira ang panty short kaya't may maisusuot pa ako sa baba.

Isinuot ko ang puting longsleeve ng lalaki at pa ika ika paring naglakad ng dahan dahan palabas ng kwarto.

Ang sakit!

Paanong hindi magiging masakit, e alam niyang wala kang karanasan ngunit napaka marahas niya kagabi at naka ilang ulit rin kayo, Rina!

Matiim naman akong napapikit. Shit talaga!

Pagka bukas ko ng pinto ay tumingin ako kung may tao sa bandang kaliwa at kanan bago tuluyang lumabas. Naglakad ako papuntang dressing room.

Nakasalubong ko pa ang isang tagalinis at tumitig sa akin pati sa suot ko. Nakatungo lang ako habang naglalakad dahil sa hiya.

Nakahinga ako ng maluwag nang makarating sa dressing room. Kaagad akong nagbihis sa damit ko kagabi. Pagkatapos ay inayos ko ang gamit at kinuha ang telepono. Isinuot ko ang aking bag habang nagbabasa ng mensahe.

May iilang text si Berta doon. Ang sabi niya ay puntahan ko raw siya sa bahay niya at doon niya ibibigay ang pera.

Hindi ko na inaasahan na may text rin ang mga kapatid ko. Wala namang cellphone ang mga iyon. Paano, sakto sakto lang ang naiipon ko. Kung may sobra man, iniipon ko para kapag kailangan ay may magagastos ako. Ito ngang telepono ko ay iyong keypad na mura lang.

May nagpadala rin ng mensahe sa akin na isang unknown number.

Unknown number :

Hoy beh! Saan kayo nagpunta nung groom????

Unknown number :

Hoy! Ang usapan sayaw lang beh, bat ka naman nagpa araro HAHAHAHA

Unknown number :

Chika mo sakin pag nabasa mo to ha. Wag madamot.

Unknown number :

Si Ria to bakla.

Iyon ang mga mensaheng ipinadala ni Ria. Nakakahiya dahil iniwan ko siya kagabi pero mas nakakahiya na alam niya kung saan kami nagpunta. Na para bang alam na niya kung anong nangyari.

Huminga ulit ako ng malalim bago tuluyang lumabas sa kwarto.

Sumakay na ako pauwi. At nang makarating sa kanto namin ay dumeretso ako sa bahay ni Berta.

"Hoy. Hindi ka raw umuwi sabi ni Simon."

Napatigil ako dahil doon. Bumalik na naman ang alaala ko sa nangyari kagabi.

Lumunok ako bago sumagot. "U-uh m-matagal kasi n-natapos. Sumama rin ako sa k-kasama ko kasi gabi na." Utal kong sagot.

Tumaas ang kilay ni Berta sa akin na parang hindi naniwala sa rason ko.

"Hmmmm. Malaki ka na Rina. Alam mo na ang tama sa mali. Ang akin lang ay ayokong mapahamak ka o kung sino sa inyong magkakapatid." Sabi niya.

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Tumango ako sa kanya at binigyan siya ng maliit na ngiti.

"Alam ko. At salamat."

"O siya, heto na ang pera at nang makauwi la na. Bumili ka na kaagad ng grocery ninyo." Sabay bigay ng sobre sa akin.

Inabot ko kaagad iyon. Tiningnan ko ang laman nito.

"Bente singko mil iyan. Dinagdagan ni Sashnia dahil nagdagdag daw ng bayad iyong groom sa stag party kagabi. Masyado n'yo atang ginalingan." Ngumising sabi ni Berta.

Hilaw rin akong ngumisi sa kanya.

Masyado mo ngang ginalingan ang pag giling Rina. Na take out ka pa nga.

May kung ano sa loob ko ang nainsulto dahil parang binayaran ako dahil sa katawan ko. Ngunit inalis ko kaagad sa isip ko iyon dahil alam ko sa sarili kong nagustuhan ko rin ang nangyari kagabi.

Sorry sa nagawa ko, lord. Pati na rin sa future wife niya. Hindi naman na kami magkikita ulit, nasisiguro ko iyan.

Nang makapag paalam kay Berta ay kaagad akong dumeretso sa bahay. Pagkadating ko doon ay nakita kong nag aaral ang dalawa kong kapatid.

Napangiti naman ako dahil talagang nag aaral ng maayos ang mga ito. Ani nila ay iyon na lang daw ang pambawi nila sa akin dahil sa pagtayo ko bilang magulang sa kanila.

Nagpaliwanag naman ako kung bakit hindi ako nakauwi. Ang sabi ko nalang ay sumama ako sa kasama ko, na si Ria dahim masyadong gabi na. Nakahinga naman ako ng maluwag nang maniwala ang mga ito.

Pumasok na ako sa kwarto at ibinagsak ang dalang bag sa kama.

Parang gusto ko nalang mahilata sa kama dahil sa sakit ng katawan.

Kung ginalingan ko kagabi, mas ginalingan rin noong lalaki. Bugbog sarado ang katawan ko.

Heaven In your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon