Bakit siya nag so-sorry sa akin?
May kasalanan ba talaga siya? Niloko niya ba talaga ako?
Kumalampag ang puso ko sa mga naiisip. Ni hindi ako makapag salita dahil nagsimulang bumukol ang lalamunan ko.
Imbis na tanungin siya tungkol sa pag so-sorry niya kanina ay tinanong ko siya kung kumain na ba siya.
Ang sabi niya ay hindi pa raw kaya kaagad akong bumangon upang pakainin ito.
Hindi ko alintana ang sariling gutom na nararamdaman dahil sa dami dami nang mga naiisip ko..
Ramdam ko ang titig nito sa akin habang nakaupo sa hapag. Inaasikaso ko ito. Walang humpay na paglalagay ng pagkain sa pinggan nito at pa balik balik sa ref kahit wala namang kinukuha.
Aaminin kong kinakabahan naman talaga ako.
Hindi ko kasi alam kung ano ang mararamdaman ko kung kukumpirmahin niya ang mga balita at pati na ang mga larawan nila ng dati niyang fiancee.
Pero hindi tayo mag o-overthink for today's video, Rina.
Mas lamang ang nagtatanong kaysa sa mag assume. Diyan tayo nasasaktan. Hindi natin kina klaro kaagad ang mga bagay bagay at dahil doon ay kung anu ano na ang mga naiisip natin na makakasakit sa damdamin natin.
Nilagyan ko ng juice ang basong kinuha ko para rito ngunit maya maya ay napatigil ako lalo na nang hawakan nito ang kamay kong may hawak ng baso.
Natigilan ako at napatingin sa kanya.
Seryoso ang mukha nito. Ngunit kita ko ang mga emosyon nito sa mukha. Nandoon ang pagmamahal, pagsusumamo at pagpapaumanhin.
Sa gulong naramdaman ay hanga parin ako sa sarili ko na nabasa ko parin ang mga emosyon nito sa mga mata.
"Can you please sit down, love?"
Mahinang sabi nito.
Lumunok ako at dahan dahang umupo. Pilit na kumakain kahit hindi ko na ramdam ang gutom dahil sa kaba.
Nakatitig lamang ako sa pinggan at sa pagkain sa harap ko.
Rinig ko ang pagbuntong hininga nito. Pati ang titig nito ay kanina ko pa nararamdaman.
Bigla nitong hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako dahil ang lalim ng iniisip ko tapos ni hindi ko man lang naramdamang hinawakan ako nito.
Lumingon ako dito at ganoon nalang ang pagpatid sa puso ko nang makitang malungkot ngunit nasasaktan itong nakatingin sa akin..
"Can we talk? Please?"
Gusto kong humindi at pumanhik nalang at itulog ang kung ano man ang bumabagabag sa akin. Pero alam kong hindi iyon maari.
Dahan dahan kong binitawan ang kubyertis at umupo ng maayos. Naghihintay kung sino ang mauunang magsalita.
Isa pang malalim na hininga ang ginawa nito bago nagsalita.
Ang kamay nito ay nakahawak parin sa isang kamay ko na nasa mesa habang ang mga daliri nito doon ay humahaplos rin sa daliri ko. Doon ko lang binaling ang tingin ko dahil baka kapag tumingin ako dito ay magiging marupok lang ako.
"What ever you're thinking right now, please remove it from your head."
Paunang sabi nito. Hindi ako nakontento kaya tahimik lang ako..
"Please look at me, mahal."
Hindi ako makatingin rito kaya ang ginawa nito ay binitawan nito pansamantala ang kamay kong hawak niya at hinila ang baba ko upang mapabaling ang tingin ko sa kanya.
"I know that you saw the pictures online. And I'm sorry."
Sorry na naman. Deretsohin mo nalang kasi kung magkakabalikan kayo.
Akala ko ba hindi mag o-overthink for today's video, Rina?
"I'm sorry because I did not tell you that I am meeting her today."
Pasimula nito.
"She's been sending text messages to me and I was confused of why did she do that. I don't want to make you upset so I met her in person. To clarify things because we did not actually have a proper closure. Although, I don't need that because she was the one who ruined our supposed to be marriage. The pictures you saw online doesn't mean anything to me. I only gave in to her favor to meet her in public but I know what she's planning to. Paying those camera men and media just to have a publicity with me."
Mahabang pasiuna nito.
Habang nagsasalita at nagpapaliwanag ito ay ramdam kong gumagaan ang bigat sa dibdib ko.
"Bakit mo pinagbigyan na magkita kayo sa public? Hindi mo ba naisip na baka malaman ko iyon at masaktan ako?"
Mahinang sabi ko habang napayuko. Nag iinit ang mukha.
Mahina itong tumaw akaya napatingin ako dito at sinamaan ng tingin. Saya ka?
"I am really really sorry if you are hurt, mahal. Sinunod ko lang ang gusto niya dahil iyon ang hiling niya para hindi na siya manira pa sa relasyon natin. At isa pa, hindi ako takot kung makita mo man ang pictures because I have nothing to hide. Akala niya lang siguro ay gagana ang plani nitong gumawa ng issue tungkol sa amin. Kaya talagang ipapakilala na kita sa buong mundo. Ayoko nang madawit ang pangalan ko sa ibang babae...sa iyo lang."
Ngumisi ito pagkatapos magsalita. Inirapan ko ito upang tabunan ang kilig na nadarama.
O ano ka ngayon? Tanggal ba angas mo, Rina?
Hinila ako nito patayo kaya't wala akong nagawa kundi tumayo. Napasinghap pa ako nang ikandong ako nito.
"Sorry, mahal. Dahil nilihim ko iyon sa iyo. Hindi na mauulit. At mahal na mahal kita."
Bulong nito sa tainga ko kaya't napagalaw ako ng kaunti.
Ito naman ang napasinghap dahil natamaan ko ang bukol nito sa gitna ng hita nito.
Nanlaki ang matang tiningnan ko ito pero ngisi lang ang ibinigay nito sa akin.
"Sorry. That's your effect on me, mahal. Wala ka pang ginagawa tinitigasan na ako."
Pinalo ko siya sa braso dahil sa pagsasalita nito ng bulgar.
"Hindi naman ako galit. Nag i-overthink lang ako...k-kasi..ikaw ang unang lalaki sa buhay k-ko at h-hindi ko alam ang gagawin sakaling titoo man ang balita."
Hinaplos nito ang buhok ko habang hinahalik halikan ako sa leeg. Kahit nakikiliti ay ininda ko iyin dahil gusting gusto ko talaga na ganito kami kalapit.
"Bakit ngayon ka lang umuwi?"
Natigilan ito sa sagot ko bago sininghap ang gilid ng leeg ko.
"I was out...looking informations about your mother."
Natigilan rin ako sa sinabi nito. Malakas ang pintig sa puso.
Hinila nito ang baba ko palapit sa kanya.
"Do you want to know where your mom is?"
BINABASA MO ANG
Heaven In your Arms
Ficción GeneralMaagang namulat sa responsibilidad si Adeena Riona o mas kilala sa pangalang "Rina". Labing tatlong taong gulang pa lamang siya noong maghiwalay ang kanilang magulang at iwan sila ng kanyang mga kapatid. Bilang panganay, wala siyang ibang choice k...