Pitong buwan na ang tiyan ko at tuloy parin ang pagta trabaho ko sa call center.
Noong una ay kinakabahan ako kasi baka hindi na ako tanggapin kung malalaman ng kompanya na buntis ako. Ang ginawa ko, hindi ko sinabjng buntis ako at nagpatuloy lang. Nung nag medical kami ay sinabihan ko ang taga clinic na hindi ako magpapa Xray since buntis ako. Akala ko nga ipapatawag ako dahil doon.
Sa awa ng diyos, pagkatapos ng mahirap na training ay saka ko palang naamin sa supervisor ko dahil medyo lumalaki na rin ang tiyan ko at sa awa ng diyos ay nakapagpatuloy naman ako sa pagbubuntis.
Malaking tulong ang pagta trabaho ko sa call center. Aside sa sahod ay may natatanggap akong benepisyo, incentives at kung ano pang bonuses. Mahirap din ang trabaho at hindi basta basta.
Dati dati ko pa naririnig ang pagmamaliit ng mga tao sa mga nagta trabaho sa call center. Hindi nila alam kung anong klaseng dasal ang ginagawa ng mga tao humaba lang ang pasensya namin. Nakikipag usap kami sa mga taong hindi namin kilala ngunit minumura mura kami. Humihingi kami ng paumanhin sa kasalanang hindi namin ginawa. Nakikipag usap kami sa iba't ibang klaseng tao na may iba't ibang ugali. Hindi lang dahil nakaupo lang kami buong gabi ay madali nalang ang trabaho namin.
Nakapag ipon rin ako ng pera para kung sakaling kailangan namin ay may magagamit ako at nagtabi rin ako ng pera sa panganganak ko.
Ni hindi na ako nakabili ng gamit ni baby dahil masyadong nawiwili si Ria sa pagbili sa tuwing stress siya lalo na rin si Berta.
Noong unang malaman ni Berta na buntis ako ay ganoon nalang ang gulat niya. Syempre hindi ako pala gala, wala akong jowa. Alam niyang puro trabaho ang inaatupag ko. Pero ni minsan hindi niya kinwestyon ang sitwasyon ko. Hindi siya nagtanong kung paano at sino ang nakabuntis sa akin.
Pero isa rin siya sa mga taong excited sa pagbubuntis ko. Wala pa nga ay alam kong madaming magmamahal anak ko. Kahit alam kong chini chismis ako ng mga kapit bahay namin. Na nabuntis ako tapos wala silang nakikitang lalaking dinadala ko sa bahay. O baka daw kabit ako at hindi pinanindigan noong mabuntis.
Ang akala ko rin ay magagalit ang mga kapatid ko. Dahil noong ipinaalam ko sa kanila ma buntis ako ay wala ni isa sa kanila ang umimik. Alam kong naguguluhan rin sila dahil alam nila kung paanong hirap ang dinaranas ko para lang maitaguyod ang pamilya namin. Ngunit ganoon nalang ang ginhawa sa aking dibdib noong niyakap nola ako. Lalo pa noong sinabi nila sa akin na tutulong sila sa pag aalaga sa pamangkin nila at kaya alam kong ngayon palang ay magiging spoiled na ang anak ko. Hindi man sa pera o materyal na bagay, pero sa pag mamahal.
Hindi ko rin pina ultrasound ang kasarian ng anak ko dahil gusto kong ma surpresa. Nagpupustahan na nga rin ang mga kapatid ko pati sina Ria at Berta kung babae ba o lalaki si baby. Para sa akin ay wala namang problema iyon, basta ba healthy siya.
Ngayon, walong buwan na ang tiyan ko at nagsisimula na akong mag maternity leave. Medyo nitong mga nakaraang linggo ay madali na akong mapagod at nahihilo. Noong nagbalik ako sa doktor, ang sabi niya ay kailangan ko nang magpahinga. Naka graveyard shift kasi ako sa call center. Tapos baliktad pa ang pahinga ko since nagta trabaho ako sa gabi.
Nasa thirty eight weeks na ang tiyan ko at kahit anong oras ay lalabas na ang anak ko. Ang likot likot na rin nito sa loob ng tiyan ko at ramdam ko ang excitement niya. Minsan kinakantahan ko pa siya at binabasahan ng story at napaka aktibo niya naman na akala mo ay naiintindihan niya ang sinasabi ko.
Kahit kapag kinakausap siya ng mga kapatid ko ay naglilikot rin siya kaya alam ko na ngayon pa lang na malikot na ang anak ko. Nakakatuwang isipin.
Minsan hindi parin ako makapaniwalang magiging nanay na ako. Kung hindi pa kitang kita ang ebidensya sa lumulobo kong tiyan ay hindi parin ako maniniwala. Nakaka overwhelmed na nakaka excite pero may haling takot parin pero kakayanin.
Nakahanda na ang traysikel na sasakyan namin sa ospital kung sakali mang manganganak na ako. Binayaran ko na rin iyon dahil medyo malayo pa naman ang ospital dito sa amin. Dito na rin natutulog si Ria minsan lalo pa ngayon malapit na akong manganak. Mas lalo ko siyang minahal at mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Pakiramdam ko nakahanap ako ng karamay at kapatid sa kanya. Lalo pa na nakikita at nararamdaman ko rin na mahal niya rin ang mga kapatid ko.
Isang gabi, habang patulog ay nararamdaman ko nang sumasakit ang aking balakang. Hindi ko siya pinansin dahil hindi naman ito ang unang beses na sumakit ang tiyan at balakang ko. Lumilikot din ang anak ko kaya panay ang ihi ko.
Dahan dahan akong bumangon galing sa pagkakahiga dahil pakiramdam ko ay natatae ako. Kinagat ko ang labi ko nang maramdamang sumasakit na naman ang balakang ko.
Dahan dahan rin akong naglakakad papuntang banyo. Pagka ihi ko ay nakita kong may kaunting dugo sa panty ko. Hindi muna ako tumayo pagkatapos umihi at pinakiramdaman ang sakit ng tiyan. Ilang segundo siyang mawawala tapos babalik na naman. Huminga ako ng malalim at lumabas ng banyo. Umupo ako sa sofa at doon hinahaplos ang tiyan pati na ang balakang.
"Beh, ayos ka lang?"
Nagtaas ako ng tingin nang lapitan ako ni Ria. Nasabi ko nang dito siya tumutuloy pansamantala dahil gusto niyang andito siya kapag manganganak na ako.
Umupo siya sa tabi ko at tinulungan akong haplusing ang balakang ko.
"P-punta na tayo ng o-ospital." Utal na sabi ko dahil sa sakit na naramdaman.
Nanlaki ang mata niya at tila namumutla. Dali dali siyang pumasok sa kwarto at nagbihis. Nakita kong lumabas ang mga kapatid ko na pupungas pungas pa.
"Simon, gisingin mo si mang norman at sabihin mong manganganak na ang ate mo." Aligagang sabi ni Ria.
Parang doon lang nagising ang mga kapatid ko at kaagad kumilos.
Binihisan ako ni Ria at nakitang dala na rin niya ang bag kung saan nakalagay ang gamit ko at gamit ni baby.
"Aaron, antayin mo si kuya mo ha. Matulog ka ulit. Babalitaan ko kayo kapag nanganak na si ate niyo." Sabi ni Ria sa bunso naming nakatulala lang sa akin at sa tiyan ko.
Tumango naman ang kapatid ko. Nginitian ko siya upang ipakita na okay lang ako.
Pagka baba ay kaagad akong pinasakay sa loob bago sumakay si Ria. Bumalik na si Simon sa bahay dahil walang kasama si Aaron.
Pagkadating namin ng ospital ay kaagad akong pinasakay ng wheelchair at pinasok sa labor room.
Pinahiga ako doon at kaagad inasikaso ng doktor. Maya maya ay narinig ko nalang ang sarili kong sumisigaw habang umiire.
Baby, huwag mo pahirapan si nanay, ha? Kaya natin ito.
Hindi naman ako binigo ng anak ko dahil ilang ire lang ay rinig ko na kaagad ang iyak niyang siyang nagpaluha sa akin lalo na noong inilagay na ito sa dibdib ko.
Kahit nanghihina at nanlalabo ang mata dahil sa luha ay pilit ko paring tiningnan ang anak ko.
"Welcome to the world, baby Drysteen Gavril. My little sun."
●●●●●●●●●●●●●●●●
UNEDITED ULIT!
FB : AQUARIUSPEN WP
TWITTER : AQUARIUSPENWP
BINABASA MO ANG
Heaven In your Arms
Ficción GeneralMaagang namulat sa responsibilidad si Adeena Riona o mas kilala sa pangalang "Rina". Labing tatlong taong gulang pa lamang siya noong maghiwalay ang kanilang magulang at iwan sila ng kanyang mga kapatid. Bilang panganay, wala siyang ibang choice k...