Chapter 26

3.2K 76 1
                                    

Nasa harap kami ng pintuan at hinihintay ang daddy ni Stan.

Pagkatapos nang nangyari kanina ay pinalabas ko siya kaagad at mabilis na nagbihis. Tinawanan pa ako dahil nakita na niya daw lahat sa akin. Bwisit! Hiyang hiya ako!

Mas nakakainis pa dahil hanggang ngayon ay hindi parin mawala ang ngisi nito kaya't maya't maya kong tinitingnan ng masama. Pero parang mas nag e-enjoy lang siya na napikon ako, e.

Ikinalma ko ang aking sarili at bumalik na naman ang kaba nang huminto ang sasakyan sa garage ng bahay. Lumabas ang driver ng kotse at umikot upang pagbuksan ng pinto ang sakay.

"Si Lolo na po ba iyan, tatay?"

May halong excitement na tanong ni Gav. Karga ito ng ama dahil mabilis na itong mapagod.

"Yes, that's him big boy."

Lumabas mula sa loob ng kotse ang may kaedaran ng lalaki ngunit hindi parin nawawala ang tindig nito. Kaya pala ganito nalang ang mukha ni Drystan. May pinagmanahan. Kung ipagtatabi mo ang mag-ama at kung wala lang maputing buhok ang tatay nito at konting wrinkles sa mukha na tanda ng katandaan ay maiisip mong magkapatid lang sila. Magkamuha pa.

Alam ko na ang hitsura ni Stan kapag tumanda.

Mas lalong gumaan ang aura nito nang ngumiti ito papalapit sa amin.

Hindi man halata sa mukha ko pero kinakabahan talaga ako. S'yempre, tatay siya ni Stan. May anak si Stan sa akin. Paano kung ayaw niya sa amin ng anak ko?

Sa dami dami ng iniisip ko ay bigla iyong naglaho nang maramdaman ko ang pagpisil sa aking kamay. Nang tingnan ko iyon ay isang malaking kamay ang humawak sa kamay ko. Alam n'yo na kung kanino. S'yempre kay Stan. Alangan namang sa tatay niya?

"Relax."

Sabi nito. Ramdam niya siguro ang kaba ko.

"Hey, dad."

"Hello, po!"

Sabay na bati ng mag ama nang makalapit ang daddy ni Stan.

"Hey..." Bati ng daddy ni Stan.

"I feel like I am looking at you when you were younger. He looks exactly just like you, Stan." May pagka manghang sabi nito.

Oo nga po, e. Ako ang naghirap magbuntis pero ni isa wala man lang nakuha sa akin. Kaya paano nila nasasabing life is unfair? Fair ang life sa pagiging unfair sa lahat. Intindihin mo nalang. Dala iyan nang kaba ko.

"I told you, dad." Proud na sabi ni Stan.

"Hello po, lolo. My name is Drysteen Gavril. I am tatay's son and you are my lolo. Nice to meet you, po."

Napangiti ako sa kabibohan ng anak ko. Actually, tatlo kaming nakangiti.

"Hello, young man. Nice to meet you too. I am very happy to see you."

Gumalaw si Gav at akmang yuyuko upang kunin ang kamay ng lolo nito. Inalalayan naman ito ng ama. Nang makuha na nito ang kamay ng lolo ay saka ito nagmano.

"Good job, big boy."

Sabi ng ama nito at humagikhik naman ang batang makulit.

Nag e-enjoy pa akong panoorin ang anak ko nang biglang bumaling sa akin ang daddy ni Stan kaya ganoon nalang ang taranta ko.

"Is this Rina?"

"U-uh...y-yes sir. Ako po si R-rina."

Ngumiti ito sa akin bago bumaling sa anak.

"Good choice. She's pretty."

Ngumisi ang mag ama at saka nag usap.

"Nice to meet you, hija. I'm Francis."

Tinanggap ko ang kamay nitong nakalahad sa akin.

"Nice to meet you rin, po." Nahihiya akong nakipag shake hands dito.

Pagkatapos ay nagkausap pa sila ng kaunti ni Stan at maya maya ay pumasok na kami sa loob ng bahay.

Nakasunod lang ako sa mag ama ngunit ngayon ko lang rin napagtanto na hawak parin ni Stan ang kamay ko. Sinubukan ko itong kalasin dahil nahihiya ako sa daddy niya ngunit mas hinigpitan lang nito ang hawak kay wala akong nagawa kundi ang magpatianod rito.

Wala si Simon at Aaron ngayon dahil may mga pasok sila.

Sabay sabay kaming nagpunta sa hapag kainan. Naupo ang daddy ni Stan sa kabisera habang napagitnaan namin ang anak namin.

Kaagad kong inasikaso ang kakainin ni Gav at pagkatapos ay saka ko lang naasikaso ang plato ni Stan. Hindi pa kasi ito nakapaglagay ng pagkain dahil may pinag uusapan sila ng kanyang ama.

Nang bumaling ito sa akin ay may ngiti ito sa labi.

"Thank you."

Bulong nito sa akin.

"At last, nakilala ko na rin ang pamilyang tinatago mo, anak. Alam mo ba, Rina...malakas ang loob kong may itinatago ito sa akin. Nang mawala kasi ang mommy niya ay hindi na iti umuuwi sa condo nito. Sa bahay ang deretso nito kaya ganoon nalang ang pagtataka ko nang hindi na ito umuuwi. O kung umuwi man ay hindi rin nagtatagal at aalis kaagad." Kwento ng daddy nito.

Ngumingisi ngisi lang si Stan.

Masaya ata siya ngayon? Kanina pa iyan nakangisi, a.

"Even if I can pay for someone to look after him, or to stalk him ay hindi ko ginawa. Nirerespeto ko ang privacy nang anak ko. Nang sabihin niya sa akin ang tungkol sa inyo ng apo ko ay nagulat ako dahil hindi naman maloko sa babae ang anak ko." Pagpapatuloy nito.

Ang anak ko ay nag e-enjoy sa pagkain na inihanda ko para sa kanya.

"I even punched him when he told me about my grandson's illness kasi naging pabaya siya. Hindi ko to pinalaki upang umiwas sa responsibilidad. But he explained everything to me so I'm okay now. I'm glad that I get to meet you and my apo."

"Kinagagalak ko rin po kayong makilala sir. And sana huwag kayong magalit kay Stan dahil sa ginawa ko. Kasalanan ko po."

Nasabi ko nalang dahil nahihiya na ako pa ang may kasalanan pero si Stan ang nasuntok.

Umiling ito.

"No, hija. I understand your decision now. You are just protecting your son. And I'll do the same if I were on your shoe."

Mabait na nagpaliwanag ito dahilan kung bakit unti unting kumalma ang aking pakiramdam.

Nagpatuloy kami sa pagkain at ibinida pa talaga ni Stan na ako ang nagluto ng ulam para sa tatay niya.

Nakakahiya. Hindi halatang prepared.

Heaven In your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon