Pauwi na kami ni Stan galing sa mental hospital kung nasaan si nanay.
Pinapanood ko lang ang tanawin sa labas ng kotse na nadadaanan namin.
Ang dami dami kong iniisip ngayon.
Nasasaktan ako para sa nanay ko at sa mga kapatid ko.
Ngunit walang humpay na galit naman ang nararamdaman ko sa tatay namin.
Kumuyon ang mga kamay ko sa aking hita dahil sa galit ngunit kaagad iyong bumuka ng hawakan ito ng nobyo ko. Tiningnan ko ito.
Sumusulyap sulyap ito sa akin dahil nagmamaneho.
"Do you wanna talk about it, mahal?"
Marahang tanong nito. Hindi ko kaagad ito nasagot dahil na a-amaze ako sa gwapong mukha nito. Kahit naka sideview, ang pogi pa rin.
Lumapit ako dito at hinaplos ang pisngi nito.
"Thank you. Sa paghanap mo kay nanay. Mahal kita."
Maga parin ang mata ko sa kakaiyak kanina at sana lang ay hindi muna ako tanungin ng mga kapatid ko dahil masakit parin sa akin ang makita nag nanay sa ganoon sitwasyon.
Hinawakan nito ang kamay ko na nasa mukha niya.
"You're welcome, mahal. I want you to be at peace. I want you to be happy without a baggage, Rina. You deserve every goodness in the world."
May humaplos sa puso ko dahil sa sinabi nito. Grabe ka magmahal, Stan.
"Importante sa akin ang mga taong importante sa iyo, Mahal. Kaya't sorry kung nanghihimasok ako sa buhay mo."
Umiling ako.
"No. Okay lang. Pamilya na tayo, Stan. Walang problema sa akin iyon. Pasensya na kung magulo ang pamilya namin."
Ngumiti naman ito.
"Ito lang ang gulo na gusto kong suungin, mahal. Para sa'yo."
Namumula ang pisnging binitawan ko nag mukha nito at bumaling ulit sa labas. Napakagat labi ako nang marinig ko ang ngisi nito.
Alam ko namang dini distract lang niya ako dahil sa halo halong nararamdaman ngayong araw.
Natahimik ako nang bumalik ang sinabi ni Stan kanina.
Tama nga sila, mas masakit kapag mismong kadugo mo ang nanakit sa iyo. Katulad nalang ngayon.
Kaya pala kahit ganoon ay ni hindi ako nakaramdam nang kahit na anong galit sa nanay. Hindi rin madali ang pinagdaanan niya.
Ni minsan hindi ko naisip na ganito ang nangyari sa kanya. Kasi...naisip ko noon na baka may bago na rin siyang pamilya gaya ni tatay.
Napangiti ako nang mapait...
May anak akong nagka cancer tapos ang nanay ko nasa mental hospital.
Parusa ba ito sa akin, lord?
O pagsubok kasi nakita mong lumalaban ako dati kahit gaano kahirap ang ang ibinigay mong pagsubok sa akin?
Masakit ang kalooban ko ngunit hindi na ako makaiyak. Naubos na ang luhang naiyak ko kanina pero hindi matatawaran ng sakit sa kalooban ko.
Gusto kong harapin ang tatay....
At tanungin siya kung paano niya nagagawa iyon sa babaeng una niyang minahal. Sa babaeng naging ina ng mga anak niya.
At sa babaeng niloko niya.
Nagtiim bagang ako sa naisip.
"Gusto ko siyang makausap..."
Hindi lumilingong sabi ko kay Stan.
"I know... I can arrange it for you. But...I have to tell you something about him."
Kaagad ko siyang nilingon. Naghihintay na may sasabihin ulit ito.
"But for now...let's go home first and cook what you promised to our son. You have to let your brothers know about your mom, love."
Tumango ako.
Binilin ko naman na alagaan ng maayos ang nanay kanina at hindi rin pumayag si Stan na mapabayaan ang nanay. Siya mismo pala ang nagbabayad kay Nurse Nika simula nang malaman niya ang tungkol kay nanay. Inihiwalay din nito ng kwarto ang nanay dahil dati...magkasama sama lang sila sa iisang kwarto. Napaka delikado.
Kahit papaano ay gumaan ng kaunti ang bigat sa dibdib ko.
Pagdating sa bahay ay dumeretso ako sa loob at nakita doon ang mga kapatid at ang anak.
"Nanay!"
Kaagad na tawag ni Gavril at tumakbo papunta sa akin.
"Hey, don't run."
Sabi ng tatay nito na nasa likod ko.
"Hello rin po, tatay. Miss ko kayo kaagad ni nanay."
Kaagad namang kinarga ni Stan ang bata.
"Ate..."
Magkasabay na bati pa ng mga kapatid ko. Naiiyak ako dahil alam kong masasaktan rin sila sa nangyari kay nanay.
"Umiyak ka ba, ate?"
Umiling nalang ako at ngumiti ng maliit.
"Pwede ko ba kayong makausap?"
Tumango ang mga ito. Lumabas ako at doon pumunta sa may swimming pool. Alam na ni Stan na kakausapin ko nag mga kapatid ko kaya nilalaro laro nito ang naak namin.
Umupo ako sa sun lounger at ganoon din ang ginawa ng mga ito.
"May pinuntahan kami ni kuya Stan ninyo kanina."
Panimula ko. Walang umiimik at naghihintay lang sa sasabihin ko.
"A-ang totoo niyan... Wala naman talaga kaming binili."
Kunot noo si Simom dahil alam niyan iyon ang paalam ko sa kanya.
"Pero...isang napaka importanteng tao ang pinuntahan namin. Hinanap siya ni kuya Stan ninyo para sa akin. Para sa atin."
"Gusto ko lang malaman kung...gusto niyo bang dalawin ang nanay?"
Katahimikan ang kasunod niyon. Walang reaksyon o ano. Naiintindihan ko naman dahil kung may mas naapektuhan man sa pag abandona sa amin ng mga magulang namin, sila iyon.
"Para saan pa? Nasanay na kaming wala siya...sila ni tatay."
Mahinang sabi ng bunso namin habang nilaro laro ang daliri.
Naiiyak ko itong tinitingnan.
Alam ko namang may galit sila sa mga magulang namin at hinding hindi ko babaguhin iyon. Kasi karapatan nilang magalit. Pero hindi nila alam ang nangyari sa nanay katulad ko. Kahit na sabihing hindi ako nagtanim ng kahit na anong galit sa mga magulang namin. Ngayon lang...sa tatay namin.
"Nakita ko siya...at hindi ko inaasahang mangyari iyon sa kanya. Hindi rin naging madali ang nangyari sa nanay...at kailangan niya tayo ngayon..."
Ipinaliwanag ko sa kanila ang lahat. Ngunit hindi ko sinabi nag tungkol sa pagkikita namin ng tatay namin kasi hindi naman importante iyon.
Ewan ko ba...
Ang kagustuhan kong kumustahin kami kahit kaunti ng tatay namin ay wala na isip ko.
Ang pangungulila na nararamdaman ay napalitan na ng poot at galit dahil sa ginawa nito.
Siguro panahon na rin upang magkausap kami...
*****************************************
Hi!Nagsulat ako kagabi pero nakatulog ako at tinapos ko ngayong umaga so please sorry na kaagad sa mga lutang moments diyan kasi unedited rin po ito. HAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
Heaven In your Arms
Ficción GeneralMaagang namulat sa responsibilidad si Adeena Riona o mas kilala sa pangalang "Rina". Labing tatlong taong gulang pa lamang siya noong maghiwalay ang kanilang magulang at iwan sila ng kanyang mga kapatid. Bilang panganay, wala siyang ibang choice k...