Chapter 27

3.2K 78 0
                                    

Naging maayos naman ang pagkakilala at pag uusap namin sa daddy ni Stan.

Hindi lang sa mukha nagmana ang loko kundi pati na rin sa ugali. Ang babait.

Nag aayos ako ng gamit sa kwarto dahil hindi basta basta nagpapa pasok si Stan ng maglilinis sa kwarto. Pagkatapos noon ay bumaba na ako upang maghanda ng makakain.

Nasa may hagdan palang ako ay rinig ko na ang boses ng mga kapatid ko at ang kay Stan na nag uusap.

"Opo, kuya. Nag aaral naman po kami ng mabuti." Si Simon iyon.

"I know. Just don't pressure yourself. Just enjoy your studies. Hindi ko naman hangad ang malaking grado sa inyo. I won't ask for more than what you can give so just relax."

Napangiti ako sa sinabi nito. Alam ko kasing hanggang ngayon ay may konting hiya parin ang mga kapatid ko. Isa sa rason kung bakit ayaw ko sanang si Stan ang gagastos sa pag aaral nila ay baka hindi kumportable ang mga kapatid ko. Dahil alam mo na, utang na loob na namin ito sa tao kaya dapat suklian rin ng maayos.

Mabuti nalang at mabait si Stan. Pero hindi naman ibig sabihin noon na aabusohin namin iyon. Kami pa talagang galing sa hirap?

"Tatay, pwede ba tayong mag picnic?" Rinig kong tanong ni Gav.

"Yes, anak. But we have to ask your mom first, okay?"

Kaagad akong lumapit sa kung nasaan sila. Siguro ay nabo-bored na ang anak namin dito sa bahay.

"Oh, here she is." Sabi ng ama kaya lumingon ang anak namin sa akin.

"Ano 'yun?" Kunwaring tanong ko kahit rinig ko naman ang pinag uusapan nila kanina.

"Nanay, pwede po ba tayong mag picnic? Gusto ko po sana lumabas, nanay." Nakangusong sabi ng anak ko.

Naawa naman ako sa anak ko at parang pinipiga ang puso ko. Noon kasi pagdating nito galing eskwela ay nakikipaglaro ito sa mga bata sa labas ng dati naming tinitirhan. Kaya nalulungkot ako na hindi na iyon nagagawa ng anak ko dahil hindi magkalapit ang bahay dito sa subdivision. Isa pa, mabilis nang mapagod si Gav.

"Pero kung hindi po pwede kay Gav, okay lang naman po, nanay. Mag read nalang po ako ng libro."

Ilang beses akong kumurap dahil nagsisimula nang uminit ang mga mata ko. Umiling ako sa kanya at tinungo ito. Inayos ko ang magulong buhok.

"Okay lang, anak. Gusto ba talaga ni Gav iyon?" Nakangiting tanong ko.

Tumatango tango naman si Gav sa akin at may ngiti na ngayon sa labi.

Nilingon ko ang ama nito.

"Okay lang ba? Wala ka bang pasok ngayon?"

Umiling ito. "No, I want to spend this day with my family."

Tumalon ang puso ko sa sinabi nito. Hindi talaga siya good for the heart. Mas magkakasakit ako sa puso sa kanya.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito lalo nang may ngisi na naman ang mukha nito na para bang alam nitong nag iinit ang mukha ko. Bumaling nalang ako sa mga kapatid ko.

"Gusto n'yo bang sumama?"

Nagbabasa ng libro si Aaron habang may sinasagutan naman si Simon.

Sabay pa silang umiling at sumagot.

"Hindi na, ate magbabasa pa ako."

"Kayo nalang, ate. May sasagutan pa ako."

Tumayo ako nang maayos.

"Tara na at magbihis. Maghahanda pa ako ng dadalhin natin."

Tumayo si Stan at ganoon nalang ang kaba ko nang masyado itong malapit sa akin.

"Just let the helpers prepare the food. Let's go upstairs and take a bath."

Nanlaki ang mata ko sa kanya at kumunot ang noo.

"I mean, you take a bath first and then I'll do it affer you." Malaking nakakabwisit na ngisi na naman ang nakapaskil sa mukha nito.

Parang hindi na kumpleto ang araw nito kung hindi ako naiinis, a.

Inirapan ko ito at tumalikod na. Rinig ko pang humalakhak ito bago kinarga ang anak namin.

"Yehey! Magpi-picnic kami! Complete family!"

"Ate Lorena, can you prepare the food for our picnic, please."

Pakiusap nito sa isa sa mga helpers namin sa bahay.

"Sige po, sir."

Nagpatiuna ako sa pagpasok sa kwarto at pumasok sa closet upang kumuha ng damit. Pagka labas ko ay nakita kong nasa kama na ang anak namin at tingin ko ay inaayusan ni Stan. Pagkatapos niyon ay siya naman baling nito sa akin.

Bumaba ang tingin nito sa damit na hawak ko at naglakad papalapit sa akin.

"Pwede namang dito ka magbihis. Pinahihirapan mo pa ang sarili mo."

Nilingon ko muna ang anak namin at nang makitang nagbabasa ito ng libro habang hinihintay kami ng ama niya ay kinurot ko ito sa tiyan. Pero nakakainis wala akong nakurot. Ang tigas....ng abs teh.

"Ouch!" Natatawang sabi nito na para bang nasaktan talaga siya kahit wala naman akong nakurot!

"Kahapon ka pa, a! Masayang masaya ka at bina badtrip mo ako!" Naiinis na sabi ko habang pilit siyang kinukurot.

Napahalakhak ito. Pilit nitong hinuhuli ang kamay kong kumukurot dito. Nang mahuli ay dinala nito iyon sa labi nito at mas hinila ako papalapit sa kanya.

Ang dalawang kamay kong huli niya ay iniyakap nito iyon sa sariling katawan at niyakap ako.

Ang bibig nito ay nasa gilid ng ulo ko. Habang ang ulo ko ay nasa dibdib niya. Pinapakiramdaman ko ang tibok ng puso niya at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong parehas kami ng tibok ng puso!

Ramdam kong hinalikan nito ang gilid ng ulo ko. Habang ako ay napasinghap ngunit mas isiniksik ang sariling katawan sa dibdib nito.

Ang yakap niya ay nagpakalma sa akin. Sa tuwing nasa loob ako ng yakap niya ay nawawala kaba at takot ko sa kinabukasan. Itong yakap niya ay nagsisilbing safe place ko. Na para bang walang mananakit sa akin.

Langit.

Eksaherada mang pakinggan pero iyon ang totoo. At ngayon lang ako nakaramdam ng ganiton kapayapaan. Sa mga bisig lang nito.

"Masaya ako sa piling ninyo ng anak natin."

Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at tiningna ako sa mga mata.

Ayan na naman ang mga mata niyang hinihigop ang kaloob looban ko.

Unti unting nagliliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko nang halikan nito ang noo ko. Pababa sa mga mata, at sa tuktok ng ilong.

Nasa mga mata parin nito ang tingin ko kaya nakita kong lumunok ito habang nakatitig sa labi ko kaya napalunok rin ako.

Dahan dahang bumaba ang labi nito sa akin ngunit bago pa man nangyari iyon ay nagsalita ang aming batang paslit.

"Nanay, tatay...matagal pa po kayo?"

Napukaw ang atensyon namin at ganoon nalang ang tibok ng puso ko.

Nagkatinginan kami at sabay pang natawa.

Heaven In your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon