"Bro, you have the best security agency under you and it's so ironic that you can't even find her."
Iyon ang narinig kong sabi ni Stan pagka baba ko ng hagdan..
Malalim na ang gabi at naalimpungatan akong wala ito sa kama kaya hinanap ko ito.
Nang makapasok sa kusina ay nakita ko ang likod nito kasama ang isa pang lalaki. Kaibigan niya ata.
"I don't know...it's like the world is doing it's best so I won't find her."
Malungkot na sagot noong lalaki.
Rinig kong ngumisi si Stan.
"It's what you want, right? You want her gone. With the way you treated her before? I think you deserve what you have gone through right now."
Natahimik ang lalaki. Nahihiya akong istorbohin sila sa masinsinang pag uusap kaya aakyat na sana ako ulit kung hindi ko lang nagalaw nag bangko.
Sabay silang napalingon sa akin kaya't napalunok ako sa hiya.
"Mahal..." Tawag ni Stan at naglakad papunta sa akin.
"U-uh...nagising ako ng wala k-ka..."
Hinaplos nito ang dalawang braso ko at ngumiti.
"Miss me?"
"Tsk...can't believe you sound like this when you're whipped, Stan."
Ngumisi si Stan at nilingon ang kaibigan. Ang mga kamay ay patuloy paring humahaplos sa braso ko.
"Something you can't do, right? Because she ran away from you. Am I right, bro?"
Umigting ang panga noong lalaki na para bang nagpipigil ng galit at inisang lagok ang alak na hawak nito.
"Stan.." saway ko dito. Baka mag away pa ang mga ito.
Hinila niya ako sa braso papunta sa lalaking kasama niya.
"Mahal, this is Seph. My bestfriend. Bro, this is Rina, my wife."
Kinurot ko ito sa braso.
"Uh..girlfriend pa lang."
Nilahad ko ang kamay sa lalaki na siya namang tinanggap nito.
"Why did you say to this asshole? Did he corrupt you? Or force you?"
"Hey!" Mapaglarong saway ni Stan sa kaibigan nito.
Ngumisi naman ang lalaki at umiling pagkatapos ay bumitiw na sa pag shake hands sa akin.
"Nice to meet you. Bukam bibig ka ng lalaking ito. Where's your son?"
"It's already eleven in the evening bro, what do you expect? Ofcourse my son is sleeping."
"Umayos ka nga..." Sabi ko dito dahil tingin ko ay may pinagdadaanan ang kaibigan nito pero ganyan pa siya sumagot.
"Don't worry, normal na sa amin ito, mahal."
"Yeah...mas mag alala ka kung hindi kami ganito mag usap."
Ngumiti nalang ako dahil kita ko naman talagang normal lang sa kanila ang ganito.
Tumayo si Seph at lumagok pa ng isang inumin bago nagsalita.
"I'll go home now. Thank you for tonight. Sorry if I disturb your night."
"Hindi...okay lang. Aakyat na ako kasi baka magising ang anak namin." Pagpigil ko dito.
"Let him, mahal. May importante pa iyang gagawin. Gaya ng kung saang lupalop niya hahanapin ang pamilya niya."
Iyon lang at pagkatapos magka paalaman ay umalis na nga si Seph. Habang kami naman ni Stan ay umupo muna sa sala at doon nagpa antok.
"May problema ba ang kaibigan mo?"
Hinila niya ang braso ko at kinandong ako. Kung noon ito ay magdadalawang isip pa ako kasi kahit magkasintahan na kami ay nahihiya pa rin ako. Pero habang tumatagal ay nasasanay na rin.
"Yeah...it's not my story to tell but he's really going through something right now. Part of me feels pity for him but the other part of me is thinking that he deserves being miserable for how he treated his girl before."
Hindi ako nakaimik at hindi nalang sumagot dahil ayokong manghimasok sa pribadong buhay ng tao na kakilala ko lang.
Sana lang ay maging maayos ang lahat para rito.
"Let's not talk about him. Let's about you, why did you wake up again?"
Inilagay nito ang mukha sa gitna ng leeg ko kaya't napagalaw ako sa kiliti. Ngumisi naman ito habang pinapatak patakan ng halik ang leeg ko.
"Na alimpungatan nga lang ako. Tapos wala ka sa kama kaya hinanap kita."
"Miss mo naman ako kaagad."
Napatawa ako sa ka preskohan nito.
"Why are you laughing? Are you making fun of me?"
Kunwari itong ngumunguso at nagpapaawa.
Kinurot ko ang pisngi nito. Ang hiningang tumatama sa aking mukha ay amoy alak na ininom nito kanina. Kung sa ibang tao ay siguro nababahuan na ako pero...itong kay Stan ay nagbibigay init sa katawan ko.
Hinawakan ko ang mukha nito gamit ang dalawang kamay. Ang isang braso nito ay nakapalibot sa bewang ko habang ang isa ay humahaplos sa katawan ko. Sa hita pataas sa bewang.
Biglang uminit ang paligid kahit malalim na ang gabi pero alam ko naman kung bakit. Ang hot ba naman ng lalaking 'to.
"Mahal kita." Mahinang sabi ko habang hinahaplos ang mukha nito.
Maarte nitong hinawakan ang dibdib.
"Ah, have mercy on my heart, mahal. Wag ka namang mangbigla."
Napahagikhik ako sa kaartehan nito. Binalin rin nito ang kamay sa hita ko..
"Ang arte mo. Mas lalo mong naging kamukha si Gav. Ang unfair."
Hinalikan nito ang pisngi ko.
"Ganoon talaga, mahal. Mas malakas ang genes namin."
Tumango ako. Nagkatitigan kami ng ilang minuto. Sabay pa kaming napalunok nang maaninag ko ang init sa mga mata nito. Tingin ko ay ganoon din nag nakita nito sa akin.
Dahan dahang bumaba ang mukha nito at naglapit ang aming mukha. Marahang dumampi ang labi nito sa labi ko.
Noong una ay patak lang ng halik ang ibinigay nito sa akin ngunit nang makitang hinabol ko ang labi niya ay mas lalo kao nitong hinila palapit sa katawan nito na para bang mas may ikakalapit pa ito.
Agresibo niya akong hinalikan habang humahaplos ang mga kamay nito sa akin na siyang nagpadagdag sa init na nararamdaman ko ngayon.
Bumaba ang labi nito sa leeg ko dahilan upang mahina akong mapa ungol na siyang nagpagigil rito.
Nagkatitigan kami at nag uusap gamit ang mga mata.
Maya maya ay bigla itong tumayo at kinarga ako kaya napatili ako bago at napahagikhik.
Akala ko ay papasok kami sa kwarto namin ngunit ganoon nalang ang pintig ng puso ko nang dalhin niya ako sa bakanteng kwarto.
-----------------------------------------------------
Hello!
Si Seph po ang bida sa The Moment I knew na ongoing ko rin po.
Sana suportahan niyo rin!
Thank you mga mahal! ❤️
BINABASA MO ANG
Heaven In your Arms
Ficción GeneralMaagang namulat sa responsibilidad si Adeena Riona o mas kilala sa pangalang "Rina". Labing tatlong taong gulang pa lamang siya noong maghiwalay ang kanilang magulang at iwan sila ng kanyang mga kapatid. Bilang panganay, wala siyang ibang choice k...