Gumaan ang kalooban ko pagkatapos ng pag uusap naming iyon ng tatay ko.
'nga lang, hindi ko inaasahang ganoon ang sasabihin niya sa akin. Ang akala ko pa naman ay hihinga ito ng paumanhin s amga nagawa nito sa amin ngunit hindi pala.
Nasaktan ako sa kung paano ako nito ininsulto pero bukod pa doon ay wala na.
Na para bang nawala ang lahat ng bigat na dala dala ko sa balikat ko.
Nakakatawa mang isipin pero ginhawa ang naramdaman ko sa pag uusap naming iyon.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa grocery store.
Binili ko ang lahat ng kailangang bilhin para sa paghahanda mamayang gabi.
Pagkatapos kong makumpleto iyon ay umuwi na kaagad ako. Napagod ako at gusto ko nalang matulog pagdating sa bahay.
Pagkauwi ay pinalagay ko sa kusina ang nabili at dumeretso ako sa kwarto.
Mamaya pa ang dating ng mag lolo sa pagka't alam ng mga ito na kaarawan ni Stan..sinabi ko lang sa mga tao sa bahay na huwag itong batiin upang mas masaya ang surpresa..pero ni isa sa kanila ay wala akong sinabihan tungkol sa pagbubuntis ko.
Kaagad akong naglinis ng katawan at humiga sa kama. Nagpadala sa antok na dumalaw sa akin.
Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog ngunit pagkagising ko ay alas syete na.
Kaagad akong naghilamos at bumaba na.
Rinig ko ang tawanan sa sala... Doon ko nakita ang daddy ni Stan kasama ang anak at mga kapatid ko.
Napangiti ako dahil sa tawanan ng mga ito. Una akong nakita ng daddy ni Stan.
"Oh, hija."
"Dad." Bati ko dito at humalik sa pisngi nito.
Hanggang ngayon ay nahihiya parin ako na tawagim itong ganoon pero ito ang nagpumilit na tawagin ko siyang dad. Pati na rin sa mga kapatid ko.
Napakabait nito sa amin ng mga kapatid ko na akala mo ay ito ang totoo naming tatay. Nawalan man kami ng totoong tatay, may dumating naman na kahit hindi namin kadugo ay itinuring kaming pamilya at anak.
Pagkatapos kong halikan ang mga kapatid at anak ay dumeretso na ako sa kusina. Nabungaran ko naman ang mga katulong namin na naghahanda..
"Magandang gabi po, ma'am."
Sabay sabay nilang bati sa akin..
"Ma'am, nagluto nalang po kami kasi baka mamaya kapa magising. Dagdagan mo nalang po ma'am o timplahan mo ulit ang mga luto namin."
Ngumiti ako.
"Hindi na. Masarap kaya kayo magluto. Lulutuin ko nalang ang paborito ni stan, ate." Sabi ko.
At doon nga, naghanda kamo sa garden. Tulong tulong naming nilagyan ng dekorasyon iyon. Gumawa kami ng pathway papunta sa garden at sa dulo niyon ay nandoon ang mesa at upuan para sa amin ni Stan..doon ko balak sabihin sa kanya ang surpresa ko.
Napagdesisyonan kong bukas nalang sabihin ang tungkol sa pag uusap namin ni tatay dahil ayokong masira ang araw niya.
Late na darating si Stan, iyon ang sabi nito nang magtext ito sa akjn. Kahit ganoon ay hihintayin ko parin ito.
Napagpasyahan na lamang nila dad na bukas na e greet ang anak upang makapagpahinga sila at hindi kami ma isturbo.
Humiga ako sa sala at hindi ko naiwasang mas antukin pa.
"Anak, hihintayin pa natin si tatay kaya huwag muna tayong matulog, ha?"
Pagkausap ko sa anak na nasa tiyan habang hinahaplos ito.
BINABASA MO ANG
Heaven In your Arms
General FictionMaagang namulat sa responsibilidad si Adeena Riona o mas kilala sa pangalang "Rina". Labing tatlong taong gulang pa lamang siya noong maghiwalay ang kanilang magulang at iwan sila ng kanyang mga kapatid. Bilang panganay, wala siyang ibang choice k...