Chapter 21

3.3K 81 0
                                    

"Wow! Ang laki ng house mo, tatay." Manghang sabi ni Gav.

Ngumiti si Stan sa anak namin at mahinang ginulo ang buhok nito.

Hindi parin ako sanay na ngumingiti siya. Naninibago parin ako sa tuwing gagaan ang awra nito dahil sa anak namin. Malakas kasi ang dating ng lalaki at pati na kung paano ito titingin sa iyo. Ramdam mo iyong intensidad.

"Do you like your new house?" Rining kong tanong ni Stan sa anak namin habang ako ay iginagala parin ang mata sa kabuoan ng bahay.

"Opo, tatay. Ang laki laki niya po. Doon po sa bahay namin maliit lang po pero masaya naman po kami doon."

Nilingon ko silang dalawa nang marinig ko ang sagot ng anak ko.

Ilang araw pa sa ospital si Gav bago ito pinayagang makalabas ng ospital nang masigurong maayos na ang kalagayan nito. Nga lang, may chemotherapy ito isang beses isang linggo kaya't expected na pabalik balik parin kami roon.

Binigyan ni Stan ng maliit na ngiti ang anak ngunit kita ko ang emosyon sa mga mata nito.

"I hope you'll like it here, anak. Do you want to have your own room?"

Umiling si Gav.

"Hindi na po, tatay. Mas gusto ko po tumabi sa inyo ni nanay."

Nanlaki ang mata ko sa sagot ni Gav. Nag pout pa ito binigyan ng nakakawang tingin ang ama.

Nang maramdaman kong lilingon si Stan sa akin ay kaagad akong bumaling ng tingin sa bahay at kunwaring busy sa panonood sa interior sa loob. Napakagat labi ako sa init ng pisngi ko.

Rinig kong tumikhim si Stan bago sumagot. Pasimple rin akong marites dahil nakikinig ako sa pinag uusapan ng mag ama.

"Why don't we ask nanay about that?"

Napapikit ako sa sagot niya. Bakit ako? So kung okay lang sa akin ay magtatabi kami matulog? Iisa lang ang kwarto namin?

Gaga, tabi niyo matulog ang anak ninyo huwag kang malandi, Rina.

"Nanay." Tawag sa akin ni Gav.

Nang lumingon ako sa kanila ay una kong nakasalubong ang mga mata ni Stan. Hindi ko makayanan ang tingin niya kaya bumaling ako sa anak namin.

"Uh..ano iyon, anak?"

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang ngisi sa labi ni Stan. Na para bang alam niyang nakikinig ako sa kanila kanina sa pag uusap nilang mag ama. Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya ngunit hindi ako nagpahalata. Karga parin nito ang anak namin dahil nanlalambing ang bata sa kanya.

"Halika po, nanay."

Naglakad ako palapit sa kanila at ganoon nalang ang lakas ng kaba sa dibdib ko. Ngayon ay nakaharap na ako sa mag ama ko.

"B-bakit...ano 'yun, anak?" Nauutal pang tanong ko. Paano ba naman, kung tumingin naman itong ama ng anak ko ay para bang gusto akong higupin ng mga mata niya.

"Ayaw po ni Gav ng kwarto, nanay. Gusto ko po tabi tayo gaya doon sa bahay natin. Pero gusto ko rin po makatabi si tatay. Pwede lang po iyon? Tabi tayong tatlo? Please, nanay?"

Tumikhim ako bago sumagot. Hindi ko naman kayang hindian ang anak ko. Dahil gaya nga ng sabi niya, palagi na kaming nagtatabi dati pa. Hindi ko lang alam kung okay lang ba kay Stan. Ayoko namang mapilitan lang ito dahil sa kagustuhan ng anak.

"U-uh..okay lang naman kay nanay iyon, anak. Okay lang din ba kay t-tatay?"

Tanong ko at nahihiyang bumaling kay Stan. Tumango ito at animo'y may sinusupil na ngiti.

"Yes, okay lang kay tatay."

"Yes! Thank you, nanay at tatay. Mahal po kayo ni Gav."

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi ng anak ko. Ngunit hindi ko napaghandaan ang sunod nitong ginawa nang inilagay nito ang magkabilang braso sa balikat namin ng kanyang ama at sabay hila sa amin. Nanlaki ang mga mata ko nang naging sobrang lapit ng mukha namin ni Stan dahil hinalikan kami sa pisngi ng anak namin. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa pisngi ko.

Pagkatapos niyon ay kaagad akong lumayo dahil sa hiya. Nag iinit ang pisngi at tumikhim upang isawalang bahala ang nangyari ngunit ganoon nalang kalakas ang kabog sa dibdib ko.

"Let's go upstairs and check our room." Rinig kong sabi ni Stan.

Tumango lang ako at hindi na ito nilingon dahil panigurado ay makikita niya ang epekto ng nagyari kanina sa mukha ko. Sure akong kasing pula na ng kamatis ang mukha ko.

Habang karga ang anak namin ay binitbit ni Stan ang maleta ng damit namin ni Gav. Konti lang naman ang gamit namin kaya hindi masyadong marami ang dinala namin.

Nagkakilala na rin ang mga kapatid ko at si Stan. Medyo hindi pa ganoon ka panatag ang mga kapatid ko dahil sa mga nangyari. Unang una dahil sa sakit ng pamangkin nila, iyong sa wakas ay nakilala rin nila ang ama ng pamangkin at heto, ang paglipat namin ng bahay.

Kinausap naman sila ni Stan tungkol sa pag aaral nila. Nakikinig lang ako noon dahil gusto rin ni Stan na pormal na kausapin ang mga kapatid ko dahil kahit raw si Gav lang ang responsibilidad niya ay pamilya kami nito.

Pumayag naman kalaunan ang mga kapatid ko lalo na noong sinabi ko na kailangan ng maayos na tirahan ni Gav dahil sa sakit nito.

Ngayon ay nasa skwela ang mga ito at inaayos ang mga dokumento nila sa pag lipat.

Si Ria naman ay hindi na sumama sa amin sa pagtira rito at nakakahiya daw. Bumalik siya sa tinitirhan niya at dadalaw nalang daw kapag walang trabaho. Minsan ay makikitulog raw siya. Wala namang problema iyon dahil pamilya na namin si Ria. Si Berta naman ay masayang masaya para sa amin. Ganoon rin siya, dadalaw nalang kapag nami-miss na kami lalo na si Gav.

Welcome na welcome sila dito sa bago naming tirahan dahil noong panahong walang wala kami ay sila ang nandoon para sa amin.

Ang laki talaga ng bahay, may swimming pool pa sa labas.

Limang kwarto ata ang meron sa bahay nito. Sumunod ako sa kung saan pumasok ang mag ama.

So far, maayos naman ang unang araw namin. Ano pa kayang mangyayari sa susunod na araw?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Please follow my social media accounts and interact with me.

Facebook : Aquariuspen WP

Twitter : aquariuspenwp

Heaven In your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon