Chapter 8

229 3 5
                                        

Tiffany's POV

"Sige guys. Sa Monday na lang natin ipagpatuloy. Gusto niyo pa ba bukas? Sunday? Family day and Church day kasi. Ano? Kayo magdecide" ani Rhia, 5pm na kaya kailangan na naming umuwi tyaka hanggang 5pm lang naman talaga yung paalam ng iba sa amin.

"Di na ako pwede bukas" ani Shirley. Taga DepEd kasi yung parents nitong si Shirley kaya tuwing Sunday lang sila nakakapagbonding kaya naiintindihan ko siya

"Di rin ako pwede bukas Rhia kasi may serve ako sa church bukas" ani Sheen

"Di rin ako pwede. Choir eh" ani Matt

"Di rin ata ako papayagan ni mama bukas pero itatry ko pa rin" sabi ko

"Ako anytime basta malapit lang at di gagabihin" ani Addilyn

"Bawal ako bukas" ani Jayden

"Bawal din ako bukas, you know andyan si strict lola" ani Nick

"Ok lang sakin. Pwede pa ata ako" ani Ivan

"So dahil ang majority ay bawal, sa Monday na lang natin I-praktis ang dula natin. Okay naman na tayo sa props eh tyaka alam ko namang magagawa natin yun agad. Ig-gm ko na lang kung anong oras,saan at kung ano-ano ang mga dadalhin ,okay?" ani Rhia. Nagsimula na kaming magligpit ng mga gamit namin para makauwi kami agad. Madami pa naman sa amin strict ang parents

"Tara na" ani Addilyn sa amin. Sasabay kasi ako sa kanila. You know same way

"Saglit lang, sasabay ako sa inyo"ani Shirley

"Bilisan mo na dyan. Gagabihin tayo sa daan" ani Rhia

"Eto na nga" ani Shirley at kinuha na ang mga gamit niya. Dala dala na din namin ang mga gamit namin. Inayos din namin ang sala nila Nick kasi nakakahiya sa lola niya pero iiwan naman dito ang mga props kasi magpapraktis pa sa monday

"Tara na" ani Rhia. Nagpaalam na kami sa lola ni Nick. Inihatid naman kami ni Nick hanggang sa labas ng gate.

"Bye Nick!" paalam namin sa kanya. Tumango lamang sya at ngumiti

Nagsimula na kaming maglakad. Medyo tahimik pero nung nagsalita si Shirley, ang bilis na naman magsalita. Parang nagrarap. Kasabay namin lahat maliban kay Nick

"Bye Sheen" paalam namin nang makarating na pala kami sa bungad nila.

"Sige, ingat kayo" ani Sheen

Paunti-unti na kaming nababawasan

Sumunod si Matt

"Bye Matt" paalam namin sa kanya, tango lang ang tangi nyang tinugon

Hanggang sa marating namin ang dulo ng school na kung saan malapit na nakatira si Shirley

"Bye Shirley" paalam namin sa kanya

"Ingat kayo guys!" Aniya

Ngayon, Lima na lang kami. Yung kaninang tahimik ay mas naging tahimik

"Ang tahimik naman" pagbabasag ko sa sobrang katahimikan,.

"Kaya nga" dagdag ni Addilyn. Buti naman may nagsalita na

"I am Ironman" tugon ni Jayden. Psh! Eto na naman sya

"Wala ka bang ibang alam na sabihin kundi Ironman o German?" Inis na tanong ni Rhia

"Kaya nga" dagdag ko

"Hayaan niyo na lang yan" ani Ivan. Sa wakas nagsalita din siya.

"Guys, mauna na kami" ani Ivan, katabi nya na si Jayden

Mystery Class AWhere stories live. Discover now