Chapter 9

81 3 1
                                        

"Andyan na si Ma'am." sabi ng isa naming kaklase kaya biglang nagtransform ang mga kaklase kong sobrang gulo na naging maaamo nang pumasok si ma'am sa loob. Inilapag niya ang kanyang  mga gamit sa lamesa at nagbigay-galang naman kami sa kanya.

"Magandang hapon po Ma'am."

"Magsiupo na kayo." utos niya sa amin kaya sinunod na lang namin siya at naupo.

"Para maging patas at hindi lagi ang group 1 ang nauuna, magbubunutan tayo kung sino ang mauuna." paliwanag ni Ma'am. Nagpunit siya ng limang maliit na pirasong papel at sinulatan iyon.

"Mga representatives o lider pumunta sa harap at bumunot ng tig-iisang piraso ng papel." sabi ng aming guro at nagsitayuan naman ang mga representatives ng kanya-kanyang grupo. Tumayo si Rhia para maging representative namin.

"Sino ang nakabunot ng number 1?" tanong ni ma'am nang makabunot na ang lahat na representatives. Nagtaas naman ng kamay si Cathy na kung saan nabibilang siya sa grupo nina Yani.

"Oh, group 2, mauna kayo." sabi ni Ma'am. Nag-ayos naman na ang group 2.

"Rhia! Ikailan tayo?" tanong ni Tiff.

"Next na tayo sa kanila kaya magready na kayo." sabi niya. Akala ko pa naman matagal-tagal pa kami. Umayos na kami ng upo nang nasa harapan na ang group 2. Ang ilan sa mga kamiyembro ko ay palihim na inaayos ang mga gamitin. Bawal daw muna kasing gumawa ng kahit ano, dapat daw manood lang kami sa tatanghal.

Ilang minuto lang, natapos na ang group 2 kaya kami na ang sunod. Buti na lang naayos na ng iba yung mga gagamitin namin. Inilagay na namin yung ala bus na gawa sa karton sa harap. Yung ibang boys naman nilagay sa iba-ibang pwesto ang natirang props. Tama nga si Matt na magiging alas yung kamera de karton dahil pumatok ito sa aming mga kaklase.

"Kapag may natirang karton,gawa tayo ng camera. Para may alas tayo." ani Matt.

"Paano naman yun magiging alas?" tanong ko.

"Pwede kasi nating makuha ang atensyon nila. Basta ako hahawak para mas bumagay sa acting skills ko at sa pagiging pogi ko." sagot niya

Lahat ng atensyon ay nasa amin. Kunyari'y nagtetake kami ng picture,buti na lang magaling kami sa adlib at dalang dala talaga sa acting skills ni Matt! Hanggang sa matapos ay nanonood lang ang aming kaklase. Nagbunga din ang aming 2 days praktis. Kanina kasing umaga, parang rehearsal lang ang ginawa namin at nag-ayos na kami kasi kapos sa oras pero atlis nagawa namin ng maayos.

Dinah's Pov

Ilang linggo na ba? araw? buwan? Na nandirito ako sa paaralang ito. May naging kaibigan naman ako, si Nick. Bukod sa isa siyang Directioner kaya kami nagkakasundo ay dahil medyo magkalapit bahay lang kami at magaan ang loob ko sa kanya. At kalaunan ay si Rhianne ay naging kaibigan ko din nang magkaroon sila ng alitan ni Addilyn at si Cyril. Mabait si Cyril kahit iba-iba ang naririnig kong bad comments about sa kanya. Okay naman ako sa mga kaibigan ko pero di ko lang matanggap yung kung ano-ano ang naririnig ko sa iba. Masyadong mga judgemental ang mga tao dito. Sobra na sila. Alam kong medyo snob ako at may pagkamataray pero iba na ang issue na pinaggagawa nila laban sakin. Nakakawala ng gana mag-aral. Biruin mong gawan ng issue ang pagiging malapit ko sa aming teacher sa Math na si Sir Buenavista. Tangina lang! Magaling ako sa Math at inaamin ko iyon dahil totoo naman kaya nagiging malapit ako kay Sir Buenavista pero binibigyan kasi ng ibang kahulugan iyon ng mga kaklase ko! Nakakainis lang.

"Dinah!"

"Ay palaka!" bulalas ko na ang mga kamay ko'y nakahawak sa aking dibdib.

"Nagulat ako dun Rhianne!" sigaw ko sa kanya.

"Tulala ka kasi dyan!Time na kaya!" aniya.

"Time na? Yung dula natin?" tanong ko.

"Aish, sabi na nga ba. Bukas pa ang last two groups na di nakapagdula at isa yung grupo natin. Masyado kasing mahaba yung kila Chase kaya naubos nila yung oras." paliwanag ni Rhianne.

"Ah. K." yan na lang ang sinabi ko.

Tiff's Pov

Tinititigan ko sina Sheen at Glaiza. Sila lang talaga ang magkakampi. Sila lang.

*
(AN: kadugtong po ito ng last ng chapter 7)

Nasabi na namin ang mga first impressions namin sa bawat isa. Tingin ko alam ko na ang sunod dito.

"Guys, di niyo talaga kilala kung sino ang nagpasimula ng issue na yun?" tanong ni Shirley.

"Iba-iba kasi ang tinuturo ng ilan." sabi ni Rhia. Napairap na lang si Shirley sa tinuran ni Rhia.

Napag-usapan namin sina Chase. Tungkol na naman sa grade.

"Hindi ba nakakapagtaka? Paanong si Tyler ang highest sa Mapeh e' absent sya nung nagtest nun?" tanong bigla ni Shirley.

"Oo nga." ani Addilyn.

"Yung J.co na binigay niya kay Ma'am? Baka naman..." sabi ni Nick.

"Wait guys, wait. Alam ko nagtest siya e." ani Rhia.

"Hindi kaya! Wala siya nun! Absent siya." ani Shirley

"Oo nga, alam ko wala sya dun" dagdag ni Addilyn.

"Alam ko talaga andun siya." pagpipilit ni Rhia.

"Aish. Tama na nga." ani Addilyn.

"Ay. Addilyn. Kamusta na kayo ni Rhianne?" tanong ko. Bigla namang napatingin sa akin si Addilyn.

"Huh? Ah-eh. Ewan pero pansin ko lagi niya nang nakakasama sila Chase." aniya.

"Bakit lagi niya nang kasama sila Chase? Baka maano yun." dagdag niya.

"Grabe naman." ani Sheen.

"Pero kayo Sheen. Tingin ko kayo lang talaga ni Glaiza ang magkakampi. Kasi tignan mo si Chase at Tyler. Kapag grade usapan talaga hatakan na yan." ani Rhia. Natahimik si Sheen at waring nag-iisip.

*present*

"Tiff" bumalik naman ako sa wisyo ko nang kalabitin ako ni Rhia.

"Uwian na! Tapos na silang maglinis. Tara na. Papaiwan ka ba?" sabi ni Rhia. Nakita ko naman sila Camille na papalabas na ng room. Uwian na pala. Masyado na akong isip ng isip.

*
Lumipas ang isang linggo. Maliban sa okay yung pagtanghal namin dahil sa 'alas' kuno ni Matt na panghatak ng audience ay mas lalo pang nadadagdagan ang mga issue dito sa loob ng room. Nagkakagulo na. Di ko din alam kung kanino nanggagaling ang mga issue. Ewan ko. Parang biglang may isang virus na nagkaroon ang isa sa aking mga kaklase hanggang sa kumalat ito ng kumalat kaya mahirap nang masolusyunan.

"German! Kausapin mo nga ako ng maayos!" rinig kong sigaw ng isa kong kaklase. Napatingin naman ako sa gawi nila at nakita kong may kausap si Jayden.

"I am Ironman" tanging sabi nito at umalis sa harapan ng kaklase ko. Bastos talagang lalaking yun! Isa pa palang pagbabago ang bagong 'codename' nitong si Jayden. Pagkatapos ng German, Ironman naman ngayon. Tsk.

"Tiff!" nabaling naman ang atensyon ko sa tumawag sakin.

"Oh?" tanong ko kay Luke.

"Magmeeting daw lahat ng officers dito sa room sabi ni Rhia. Ayun sila sa may harapan oh." aniya at itinuro iyon. Napatingin naman ako sa gawi nila Rhia, nakita ko silang nagkukumpulan doon sa teacher's table.

"Bakit daw?" tanong ko habang naglalakad na kami ni Luke papunta doon sa harapan.

"Ewan ko. Baka yung about sa mga issues." sagot niya. Issues. Issues na naman. Kailan ba ito matatapos? Di pa nga nasusulusyunan ang usang Issue magkakaroon na naman in the next day. Kaya nagkakagulo e'.

Nang makalapit na kami doon napatingin ako kay Rhia. Mukhang problemado talaga siya. Presidente e'.

**********
AN: Finally! Updated! Sorry for the long wait (anyone?). Don't forget to vote and comment guys! Have a good day everyone! Godbless. 

Mystery Class AWhere stories live. Discover now