Chapter 1

463 16 6
                                        

“Hello Addilyn!! “, bati nila sa akin. Nasa may covered court kami ngayon kasi kailangan daw nakapila

“Hello! Si Rhianne nga pala”, pagpapakilala ko sa kanila.

“Hello Rhianne!” bati nila sa kasama ko. Transferee kasi itong si Rhianne tyaka natyempuhan naman na kapitbahay ko lang kaya nagsabay na kami papasok ng school

“Please fall a line! Straight line!” , ani head teacher

“GUYS! MAGSIAYOS NA KAYO! PUMILA NG MAAYOS!” ani Rhia.

Pumila na kami ng maayos bale nasa harapan ko si Rhianne. At mabuti naman at madaming bumabati sa kanya.

“Uy Chase! Nagtransfer daw dito si Jayden.”, ani Louie kay Chase. Sino naman kaya si Jayden? At dahil sa mausisa akong tao tinanong ko ito sa kanila.

“Louie, sino si Jayden? Classmate niyo dati?” sunod sunod kong tanong.

“Oo kaklase namin yun dati. Matalino yun eh. 91 nga daw average niya kaso sa may lower section daw siya napunta kasi puno na ditto sa atin. Kaso mayabang yun eh” paliwanag ni Louie sa akin.

Ang taas naman ng average niya 91! Galing! Pero saying napunta siya sa lower section?  Sayang naman

Nakita kong nagsisibabaan na yung 4th Year. Pero di pa rin kami pinapaakyat.  Dahil sa naiinis akong mag-antay nakipagkwentuhan muna ako kay Louie

“Paanong mayabang Louie?” tanong ko

“Basta. Hirap i-explain” aniya at bigla siyang naglakad at pinapaakyat na pala kami. Gusto ko sa unahan para masaya kaso nagsi-unahan naman yung iba kaya yung bakanteng upuan na lang ay sa may  likuran.  

Dahil wala pa kaming teacher nagsikwentuhan muna kami. Ayun dami agad na nakaclose ni Rhianne. Sina Cathy at Yani. Nagkwentuhan muna kami, Kinuwento namin ni Cathy kung ano ang klaseng napasukan niya.

“Rhianne alam mo ba na hati-hati ditto sa room? Dun sa unahan sa left side, Grupo yun ni Tiffany, tapos dun sa second row left side pa rin grupo naman yun nina Chase, Tapos 3rd row left side pa rin grupo naman yun ni Trinity, tapos sa last 2 rows left side pa rin, yunng puro kalalakihan grupo naman yan nina Louie” paliwanag ko

“Sa may right side naman yung tapat satin, first row ay grupo nina Rhia, second row naman ay grupo nina lia, third row grupo nina Cathy tapos tayo yung last row” Dagdag ni Yani

“Grabe kada row, iba ibang grupo”, aniya

“Kaya nga eh.” tugon ko . Natapos ang araw na walang pumasok sa aming teacher.

Kinabukasan, pumasok na kami ni rhianne sa room at wala namang kapana-panabik na nangyari, nagnominate lang ng class officers na lagi namang  ginagawa. As usual. Si Rhia ang President. Nagsisi siguro sila na si Trinity yung ginawa nilang President last year. Guess what, nomination lang ang nangyari sa buong araw. Kabagot! Sa dalawang araw ko sa room wala nang maayos-ayos na nangyari. Laging common!

Hanggang dumating ang WEDNESDAY, ang kinabukasan. Biglang may pumasok na lalaki sa room. Ang sobrang ingay na klase ay biglang tumahimik.

Ang boys na nagkakantahan ay nagsitahimik. Ang ilan na nagkukwentuhan ay natigilan. At kaming nagkakatuwaan ay biglang napatingin sa  lalaking dire-diretsong umupo sa left side na bakanteng upuan ng room. 
“Sino siya?” tanong ng karamihan, kasama na ako doon

“Uy! Si Jayden ba yan?” rinig kong tanong nila Trinity.

Jayden? Pamilyar ang kanyang pangalan. Saan ko nga ba ito huling narinig?

 “Uy Chase! Nagtransfer daw dito si Jayden.”, ani Louie kay Chase. Sino naman kaya si Jayden? At dahil sa mausisa akong tao tinanong koi to sa kanila

“Louie, sino si Jayden? Classmate niyo dati?” sunod sunod kong tanong.

“Oo kaklase namin yun dati. Matalino yun eh. 91 nga daw average niya kaso sa may lower section daw siya napunta kasi puno na ditto sa atin. Kaso mayabang yun eh” paliwanag ni Louie sa akin.

Ah, siya na yung Jayden  na kaklase dati nina Louie. Ngunit bakit siya nandirito? Ang pagkakaalam ko ay sa lower section siya napunta. Hayyaan mo na nga lang siya Addilyn.

Hanggang ngayon wala pa rin kaming taeacher kaya nilapitan ng karamihan si Jayden. Isa sa mga lumapit ay sina Cathy. Ako eto upo upo lang. Parehas kami ni Rhianne. Siya nakaheadset , ako naman kung ano ano sinusulat.

“Tangina! German daw siya! GERMAN SHEPERD? TANGINA NIYA TALAGA!”, pag-aalburoto ni Cathy.

“Anyare sayo? Sinong german?” tanong ko sa kanya. Makikita mo talaga sa kanya ang sobrang pagkakainis, galit at inis ulit.

“Tinatanong kasi namin siya. English ng English! Tapos minsan naman wrong grammar! Tapos German daw siya!” aniya na konti na lang magiging kulay kamatis na siya. Tinanggal naman ni Rhianne yung headset niya.

“Anong nangyari sayo? Mukhang galit na galit ka?” tanong ni Rhianne kay Cathy

“Kasi naman yung bagong transferee! GRRRRRRRRRRR! NAKAKAINIS SIYA!” aniCathy at ayun sumabog na.

“Bakit ka ba English ng English? Nasa Pilipinas ka naman!” sigaw ni Shirley kay Jayden at hinahabol ito dahil naglalakad papalabas

“Sssh! Lower down your voice.” pang-aasar nito na may pagkabritish accent pa.

“Tangina mo!” mura ni Shirley kay Jayden

Pero imbis na mainis si Jayden ay nginitian niya na lamang ito at pumasok ulit sa loob at kinuha ang kanyang bag at umalis ng room

“Bakit ba kayo naiinis sa kanya?” tanong ko

“Kasi tinatanong naming ng maayos, parang out of this world ang sagot! English pa ng English tapos wrong grammar minsan! Tangina! Trying hard!” ani Riley

“Badtrip siya!” singhal ni Cathy

"Oh Kalma!" ani Rhianne

Kung ako sa kanila. Di ko na lang yun papansinin. Halata namang nagugustuhan ng Jayden na yun ang atensyon na ibinibigay ng mga kaklase ko sa kanya. Tyaka wow! As in! First day pa lang niya sa room halos kaaway na niya ang karamihan. Goodluck sa kanya kung makakayanan niya ditto.

**************************************
AN: Dedicated to @risingservant because I love HIS story (AOD). 

VOTES AND COMMENTS WILL BE APPRECIATED :)
Have a wonderful day!

Mystery Class AWhere stories live. Discover now