Chapter 10

63 3 0
                                    

×××

Rhia's Pov

Di ko na alam ang gagawin ko.Masyado nang madami ang mga issues. Di ko alam kung paano 'to pahuhupain. Ang hirap talaga maging presidente sa klaseng 'to.

"Andyan na pala sila Tiff." ani Cathy, nabaling naman ako kila Tiff. Ngayon, kumpleto na kaming mga officers. May magagawa kaya kami kapag pinag-usapan namin kung paano 'to pahuhupain? Baka kasi isa din sa kanila ang nagpasimula nang lahat. Di ko alam. Ayokong manghusga pero..

"Bakit tayo magm-meeting Rhia?" tanong ni Tiff. Ito na. May nag-open na so kailangan ko ng simulan.

"About sana sa mga issues. Aware naman kayo dun diba?" tanong ko. Nagsitanguan naman sila.

"May maii-suggest ba kayo kung paano natin mapapatigil yung mga issues. Palaki na kasi ng palaki. May ibang sections pang nadadamay." sabi ko. Nag-aalala na talaga ako. Tahimik lang sila. Wala ni isang nagsasalita. Paano na 'to?

**
Addilyn's Pov

Ilang linggo na ba simula nang di kami nagkikibuan ni Rhianne? Hay. Hanggang ngayon kasi wala pa ring usad. May araw talagang di ko na matiis kaya bumebwelo akong makausap siya kaso nahihiya ako. Ganito naman talaga kapag nagtatampo ako sa mga 'kaibigan' ko panandaliang panahon lang. Aish. Hanggang ngayon medyo nahihirapan pa akong sabihin mismo ng bibig ko ang katagang 'kaibigan'. Para kasing napakabigat na salita at dapat sa karadapat-dapat ko lang sinasabi. Di ko alam kung bakit. Basta nabibigatan ako sa katagang 'kaibigan. Siguro yung pangyayari na naman na 'yun. Napapabuntong hininga na lamang ako tuwing naaalala ko. Saka kapag tinitingnan ko naman si Rhianne mukhang masaya naman siya sa company nina Dinah kaya tumitiklop ako bigla.

Umuwi ako sa bahay na may mabigat pa ding dinadala. Issues. Issues. Rhianne. Rhianne.

"Oh kamusta? Okay na ba kayo ni Rhianne?" tanong ni Ate nang pumasok ako sa kwarto. Share kasi kami sa isang kwarto at naikwento ko rin ang tungkol sa'min ni Rhianne.

"Di pa rin kami nagkaka-ayos Ate." sabi ko.

"Darating din ang panahon Lyn." aniya.

"Sana nga. Pero Ate. Ba't ganun? Kung kailan ako humahanap ng totoong kaibigan parang lumalayo naman?" tanong ko.

"Wag mo kasing madaliin." sagot ni Ate.

"Pero Ate. Ba't ikaw madaming kaibigan, ako kaunti. Dati nga wala pa." sabi ko.

"Takot ka kasing maiwan ulit. Takot kang layuan ulit. Takot ka makipagkaibigan. Ikaw ang lumalayo hindi sila. Try mo kasing makipagkaibigan ulit. Hindi naman lahat katulad nila." sagot ni Ate. Naalala ko na naman. Siguro nga. Ako din ang may ayaw dahil sa natatakot ako. Akala ko kasi noon nung pagkagraduate ko ng grade school at lumipat ako ng Manila. Akala ko nun magiging masaya ako kapag mag-isa lang ako. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na kaya ko lahat kahit ako lang, kaya ko kahit wala akong kaibigan. Kasi laging nasa isip ko na iiwan din nila ako. Lalayuan. Gagamitin.

"Oh matulog ka na. Maaga pa ako bukas." ani Ate.

"Sige. Goodnight." sabi ko. Bumaba na ako dahil nasa taas ako. Double-deck kasi ang higaan namin ni Ate. Ako sa baba, siya naman ay sa itaas.

Kinaumagahan. Nanood lang ako ng TV at ginawa ang morning routines ko. Mamaya pa naman kasing 12:45pm ang pasok ko. Nang wala na akong mapanood na maganda-gandang palabas. Nagbasa na lang ako ng short tales ni Edgar Allan Poe. Yung The Tell-Tale Heart. Ang ganda! Tapos yung poem niyang Annabel Lee, nakakalungkot. Kasi habang nagkukwento yun about sa love story nila ni Annabel Lee, yung problems na kinaharap nila, kung gaano kaganda si Annabel Lee.. At nandoon siya sa tabi ni Annabel Lee. Sa tomb ni Annabel Lee.

"Walang balak pumasok?" tanong ni Papa. Di ko namalayan na sumilip pala siya sa may pintuan.Napatingin naman ako kay Papa at napangiti ng pilit.

"Hehe. Napasarap lang po ng basa." sabi ko. Umalis na si Papa at pumunta na ako sa banyo at ginawa ang dapat gawin.

Pagdating ko sa room. Andito yung fil.journ, eng.journ, at kaming mga mandarin. Walang eng journ daw ngayon kasi wala yung Sir nila same with fil journ and mandarin.

Luke's Pov

Wala kaming Fil.Journ ngayon. Yung tungkol naman sa Issues, halos mga kaibigan ko ang naririnig kong may pakana. Di naman nila kaming lubos na kilala. Masyado talagang mga judgemental ang mga tao ngayon tsk. Lumapit ako kay Rhia.

"Rhia, wala ding eng journ at mandarin." sabi ko. Si Tyler at Caroline kasi ay Mandarin ang elective kaya nasabi nilang wala silang Mandarin ngayon. Si Tiffany naman ay Eng. Journ ang elective, medyo close ko siya kaya natanong ko kung may Eng.Journ ba sila.

"Kung ganoon. Kumpleto tayong lahat. Pwede na nating magawa yung solusyun na naisip natin. Sana nga lang. Sana nga lang maging effective." aniya.

"Luke,kapag kumpleto na lahat. Simulan na natin. Buti na lang wala din tayong next subject." dagdag niya.

"Sige."sabi ko. Nagpatulong ako kay Cathy tingnan kung kumpleto na kami.

"Luke, may mga late pa. Halos mga taga-mandarin." aniya. Buti na lang Mandarin siya kaya kilala niya yung mga nandoon.

"Sige,antayin na lang natin sila." sabi ko. Nag-antay pa kami ng mga ilang minuto hanggang sa kumpleto na lahat. Pumunta na kami ni Cathy kay Rhia para sabihing kumpleto na.

"Rhia. Kumpleto na." sabi ko.

"Sige. Cathy, dun ka sa may pinto para makasiguradong wala nang lalabas. Luke, sabihin na natin sa harap." aniya. Umalis na si Cathy,kami naman ni Rhia ay pumunta na sa harap. Nung pumunta kami sa harap. Bilang lang ang mga nakakuha sa atensyon namin. Halos lahat walang pakialam dahil may kanya-kanyang ginagawa. Nakita ko namang napabuntung hininga si Rhia.

"Sige na Luke. Kunin mo muna atensyon nilang lahat." sabi niya.

"CLASS A!" sigaw ko sabay hampas sa may lamesa. Ang ilan ay nakatingin sa amin pero may iilan pa rin na hindi.

"CLASS A NAMAN! MAY SASABIHIN YUNG PRESIDENT!" sigaw ko pa. At sa wakas! Buti naman nakuha ko na ang atensyon ng lahat.Lumipat ang tingin ko kay Rhia at tinanguan ko siya na senyales na siya na ang magsasalita. Ngumiti siya at tumango sa akin. Bumaling naman ang tingin niya sa mga kaklase namin, ganun din ang ginawa ko.

"Dahil wala tayong lahat na elective ngayon at kumpleto tayong lahat. Naisipan namin na.. na pag-usapan nating lahat ang about sa Issues. Lahat. Lahat lahat na about sa section." aniya. Pagkasabi niya nun may ilan na bumalik sa kanina nilang ginagawa at ang iba ay tumalikod. May ilan namang nanatiling nakikinig kay Rhia.

"Para sa atin naman 'to guys! Cooperation lang. Kahit sinasabi niyong di kayo damay, damay pa rin kayo! kahit anong sabihin niyo'y damay at damay pa rin kayo." pagsasalita niya sa mga bumastos sa kanya.

"Lahat ng may pake. Makisama kayo sa gagawing circle." aniya. Pumunta kaming mga officers sa lapag at nagform ng circle maliban kila Chase,Tyler at Trinity. May ilan namang sumama. Sila Glaiza at Sheen lang ang nakisama sa mga kaibigan ko. Hindi ba nag-iisip sila Tyler? Mas lalo lang silang didiinin kapag di sila nakisama. Yung ibang boys at sila Trinity ang di nakikisama.

"Ivan. Upo na kayo dito." ani Cathy. Bigla namang tumayo si Ivan at umupo. Sumunod din yung mga kaibigan niya maliban kay Matt.

Yung lima. Nakaupo lang sa upuan pero parang nakikinig naman sila kaya inumpisahan na ni Cathy.

"Oh sino mag-uumpisa?" tanong niya.

"Si Rhia na. Siya naman nakaisip nito."ani Lia. Napatingin naman sa kanya si Rhia.

"Hala ako?" tanong niya.

"Ay hindi. hindi." pangbabara ni Lia.

Ano ba naman 'to. Sana naman seryosohin nila.

×××××
AN: I want to have a complete story. (I hope so). -
Just stay strong~
Oh thanks for reading! Don't forget to vote and comment! Have a nice day! Godbless.
-Rin

Mystery Class AWhere stories live. Discover now