Chapter 2

255 14 7
                                        

Lumipas ang mga araw na mainit pa rin sa paningin ng aking mga kaklase ang bagong transferee na si Jayden. Pero kung inyong tatanungin parang wala lang iyon sa kanya. Sanay na siguro siya na ganoon ang pakikitungo sa kanya. Ito kaya ang isa sa mga dahilan kung bakit siya lumipat? 

"Class, what are the different types of blood cells? Give me one.", ani ma'am villanueva, ang aming sub teacher sa science. May sakit daw kasi ang teacher namin sa science na si ma'am realidad kaya nagsub muna sa amin si ma'am villanueva.

Biglang nagtaas ng kamay si Jayden at tinawag siya ni ma'am.

"Red Blood Cell", ani Jayden.

"White Blood Cell", sagot naman ni Chase.

"Platelets", dagdag ni Tyler.

"Good. Now can anybody know what are their roles in the human body?", tanong ni Ma'am.

At nagtaas na naman ng kamay si Jayden. 

"Red blood cells: The blood cells that carry oxygen. Red cells contain hemoglobin and it is the hemoglobin which permits them to transport oxygen (and carbon dioxide).

White blood cell: One of the cells that body makes to help fight infections.

Platelets are tiny blood cells that help your body form clots to stop bleeding.", pagpapaliwanag ni Jayden. At makikita mo sa ekspresyon ng aming guro na siya ay namamangha sa pinapakitang angking talino ni Jayden

"What's your name Iho?" tanong nito kay Jayden

"Jayden. Jayden Palma ma'am" pagpapakilala nito sabay ngiti. 

Tinuruan kami ng aming guro tungkol sa genetics at DNA. Sa isang araw na iyon tatlong topic agad ang kanyang tinuro. Section 1 naman daw kasi kami at kailangan naming maghabol dahil isang linggo kaming walang guro sa science kaya ganito.

Sa mga nagdaang ibang subjects. Makikita mo talagang madaming guro ang nagtatanong kung ano ang pangalan ni Jayden. Magaling kasi siya, at inaamin ko iyon.

"Guys! May test sa science bukas sabi ni ma'am villanueva" sabi ng aming presidente na si Rhia. 

"Tungkol saan?", tanong ni Lia

"Hindi ko alam. Walang nasabi si ma'am. Basta i-review niyo na lang yung mga tinuro ni ma'am" aniya.

"Hala, wala akong notes" tugon ng aking mga tamad na kaklase at isa ako roon.

Mayroon kaming pagsusulit sa science at dahil sa dating guro ang aking ina, may nakita akong libro na kaparehong kapareho ng libro ni ma'am villanueva. Saktong sakto dahil wala pa akong notes kaya dinala ko ito sa aming paaralan. Lumapit sa akin si Tiffany, ang isa sa mga kilala kong mahilig sa science. 

"Pahiram ako ng libro mo mamaya Addilyn", aniya

"Sige, pagkatapos kong magreview", tugon ko at umalis na siya. 

Malas naman. Wala ba ditong DNA? Puro tungkol sa genetics lang ang nakikita ko sa libro eh

"Ang red blood cells ito yung cell na may hemoglobin. Kaya nanatiling pula ang ating dugo dahil sa may hemoglobin tayo. At ang White blood cell ito yung soldiers natin kumbaga, ito yung lumalaban sa mga infectious germs at iba pa. Ang platelets naman ang nagpipigil sa pagdurugo kapag tayo ay nasugatan--" rinig kong paliwanag ni Jayden. At paglingon ko sa likod ay nirereview nya si Rhianne. 

Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Rhianne. Pinaharap ko ng kaunti sa kanila ang aking upuan.

"Pwedeng makisali sa pagrereview niyo?" tanong ko

"Hindi. Hindi" ani Jayden

"Hala grabe" sabi ko.

"Joke lang. Sige, balik tayo. Uulitin ko pa ba sa simula?" tanong ni Jayden sakin

Mystery Class AWhere stories live. Discover now