Chapter 6

188 10 5
                                        

Di ko masyadong pinahalata na medyo nailang ako nang makita ko si Matt nang nakaganoon kasi di ako sanay sa ganoong aura kasi lahat kami babae maliban sa papa ko tyaka nakakahiya. May hiya naman ako kahit papaano pero si Sheen tumili.

Hinintay ulit namin si Matt hanggang sa makabihis siya.

"Mag-aalas diyes na" pagpapaalala ko habang naglalakad kami patungo sa labasan

"Sana may magawa tayo" ani Sheen at napahilamos sa mukha

"Wag kasi kayong mag-isip isip ng ganyan. May magagawa tayo.Tiwala lang"ani Ivan. Napatango na lamang kami sa kanyang tinuran. Tama Think Positive. Lumabas na kami sa gate at nagpaalam sa ina ni Matt

"Mauna na po kami"ani Ivan at lumakad na naman kami patungo ng school. Nang makarating kami ng school nag-antay kami ng masasakyang jeep. Medyo malayo kasi ang bahay nila Nick kaya kailangang sumakay ng jeep. 

"Ayan may jeep" ani Matt

"Tara"ani Ivan at tumakbo kami upang sumakay ng jeep

"Saglit lang!" ani Tiffany at lumingon kami sa kanya. "Si Jayden ba yun?" tanong niya. Nakita namin si Jayden na naglalakad papalapit sa amin.

"Ang bagal naman niyan. Nag-aantay na si manong drayber!" ani Rhia. Nakakahiya nga naman kay manong drayber. "Bilisan mo naman!" sigaw ni Ivan. At ang loko. Lumalakad pa ring parang model. Akala mo naman. Pa VIP talaga. 

"Iwan niyo na nga yan!" ani Rhia at sumakay ng jeep. Nang isa-isa kaming sumakay ng jeep doon lamang sya tumakbo. Kailangan pa palang iwan para mag-ayos. Parang buhay lang, Kapag lagi kang nakabuntot sa magulang mo, mahihirapan kang mag-adjust kapag lumaki ka na. Umandar na ang jeep at inabot namin ang mga bayad kay Shirley para isahang bayaran na lang. 

"Bayad ho" ani Shirley at iniabot ang aming bayad. 

"Sabi mo di ka aatend?" pagtataray na tanong ni Rhia kay Jayden

"Joke lang yun." aniya

"Sus. Mamimiss mo lang si Shirley eh" ani Ivan. Bigla namang nag shine bright like a diamond ang mga pimples sa mukha ni Jayden. Oo nga nung sinabi sa amin ni Shirley. Naalala ko

"Pumunta kayo sa kanya-kanya niyong Groups" ani ma'am adviser. Pumunta na kami at gumawa kami ng bilog gamit ang aming mga upuan. Sinabi ni ma'am ang aming gagawin. Nang matapos kami nag-uusap kami ni Tiffany para sa kung saang ilang bagay ng makita kong parang namumula si Jayden

"Tiff, anong nangyare dun kay Jayden?" tanong ko sa kanya. 

"Di ko alam. Magkausap kaya tayo" sagot nito. "Sorry naman" sabi ko. Tinanong ko si Rhia at tawa lang ang sinagot. tumanong ako kay Nick at sinabi niyang

"May nagkakagusto daw na Jayden kay Shirley" bulong ni Nick. Sinong Jayden? 

"Sinong Jayden? Si Jayden Palma o si Jayden Quintos?" tanong ko ulit. "Tingin ko si Jayden Palma kasi tingnan mo naman yung mukha. Masyadong obvious" aniya. Tiningnan ko si Jayden at oo nga. Masyadong obvious. Binaling ko naman ang aking tingin sa tinutuksong si Shirley "Ano ba yan" aniya at mababakas sa kanyang mukha na nahihiya siya

Di na lamang umimik si Jayden sa tinuran ni Ivan. Pagkatapos na masabi iyon ni Ivan ang ilan ay nanahimik at nag-aantay na makarating kila Nick, ang iba naman ay may kanya-kanyang usapan. Ako tahimik lamang akong naghihintay hanggang sa makapunta kami sa aming paroroonan.

Ilang minuto ang hinintay hanggang sa napansin ni Sheen na lagpas na kami

"Manong! Parang ho!" medyo pasigaw niyang sinabi at inihinto ni manong ang sasakyan, nagsisibabaan naman na kami, Ilang lakad pa hanggang sa mapuntahan  ang bahay nila Nick. Looban pa kasi ito hindi tulad ng iba na sa bungad lamang.

Mystery Class AWhere stories live. Discover now