Madaming araw na hindi kami nagkikibuan. At nakikita kong parang wala lang sa kanya. Siguro nga tama yung hinala ko na ginamit niya lang ako. Masakit mang isipin pero totoo siguro yung kasabihang 'Truth Hurts'. Kapalaran ko na ata ito.
"Okay. By group gagawa kayo ng isang dula na nagpapatungkol sa karanasan sa paglalakbay. Dapat detalyado ang lugar na inyong pipiliin. Dapat din napuntahan na ninyo kasi mahihirapan kayo kapag wala pa kayong karanasan. Isasadula niyo yan sa monday." sabi ng aming guro sa a.p.
Bale mayroon lang kaming dalawang araw para magpraktis.
"Confucious!" tawag ng aming lider.
"sino dito ang may napuntahang magandang lugar?" tanong niya
"Kami ni Tiffany sa Albay" sabi ko
"Mukhang mayroon nang albay eh" aniya at narinig namin ang group 2 na albay nga sila
"Ako na lang. Sa may cagayan" pagpiprisinta ni Nick
"Sige. Basta madami kang alam tungkol sa cagayan ha! Ikaw din ang gagawa ng script" sabi ni Rhia, ang lider namin
"Hala, tulungan niyo naman ako'' aniya
"Oo, tutulungan ka namin" ani Tiffany
"Saan tayo gagawa ng props?" tanong ni Rhia
"Sainyo?" tanong ni Tiffany kay Rhia
"Bawal sa amin. Ayaw ni mama" aniya
"Kila Nick na lang tayo" ani Jayden at ngumisi. Medyo may initan sa pagitan nitong si Jayden at Nick eh.
"Eh kung sa inyo kaya?!" pagtataas ng boses ni Nick. Nang-iinis na naman kasi itong si Jayden!
"Tama na yan. Saan nga? Kailangang ma-settle natin to" ani Rhia
"Sainyo shirley?" tanong ko
"Bawal sa amin! Hindi tayo makakagalaw dun" aniya
"Saamin na nga lang" pagsisingit ni Nick
"Yun na nga. Kila Nick na tayo. Bukas pupunta tayo sa kanila, 8am! yung mga hindi alam ang papunta doon ay magkikita-kita tayo sa tapat ng school. Magdala kayo ng tape, gunting, basta yung pwedeng magamit sa paggawa ng props natin" aniya
"Sige"
"Okay" Pag-agree ng lahat.
Lumipas ang mga oras na mainit pa rin ang tensyon sa pagitan nina Nick at Jayden.
"Bukas ha!" pagpapaalala ni Rhia sa amin
"Oo!" sabi ng karamihan
Kinabukasan pumunta na ako sa tapat ng school. Nakasanayan na talaga nila ang FILIPINO TIME. Ako pa lang ang naririto. Maghihintay na naman sa kanila hanggang sa dumating sila. Sawang-sawa na ako sa tradisyunal na pamantayan ng Class A! Ilang taon na ako nagtitiis! Kapag 8am mo sinabi 9am silang darating, ang iba nga'y dalawang oras na male-late.
"AYOKO SANAAAAA NA IKAW AY MAWAWALAAAA!!! MAWAWASAK LAMANG ANG AKING MUNDOOOO!" kanta ng maliit ngunit mukhang may edad na. Nandudura pa! Mukhang nagwawala!
"HUY! WAG KANG MAINGAY!" sigaw ng gwardiya ng school at pumasok sa gate. Naku tumahimik lang ito saglit pero nagsimula na naman. Nakakatakot.
Dahil sa aking takot pinuntahan ko na lang ang bahay nina Shirley, malapit lang naman ang bahay niya dito.
"Tao po." katok ko sa kanilang pinto. Binuksan ito ng kanyang Mama dahil wala naman na silang ibang kasama
"Bakit?" tanong nito
YOU ARE READING
Mystery Class A
Misterio / SuspensoUtak Talangka- Karamihan sa mga estudyante sa Class A. Karibal, kaaway, kalaban, kaibigan, malapit na kaibigan o maski ang tinuturing mo nang pamilya basta grado ang usapan hihilahin ka pababa sa kagustuhang mapunta sa tuktok.. "Mas masaya kapag n...