Chapter 3

259 11 7
                                        

Kinabukasan, break time namin. Ang susunod na subject ay science. Hiniram ni Jayden ang libro ko sa science. At nakita kong may sinusulat siya sa maliit na papel. 

"Huy!" panggugulat ko sa kanya. At nakita kong muntikan na niyang mahulog ang aking libro

"ANO BA?" sigaw niya sakin

"Relax!" pagpapakalma ko sa kanya

"Wait. DNA? May DNA diyan?" tanong ko. Nagulat ako dahil ang tinitingnan niyang page ay yung topic patungkol sa DNA. 

"Oo, meron dito" aniya. Mayroon pala sa libro ko. Bakit di ko nakita? Tiningnan ko na sa index pero wala. Nawala na kasi yung table contents ng libro dahil sa kalumaan nito.Magaling talaga siya. At nalaman ko na hindi pala DNA yung chapter page kundi ay PROTEIN SYNTHESIS. 

"Akala ko wala" sabi ko. Ang galing talaga niya. 

"Maghanap hanap kasi!" aniya

"Sorry naman. Naku buti na lang. Wala pa kasi akong masagot sagot doon sa 1-5 na tanong about DNA. Di ko maintindihan eh" pagpapaliwanag ko sa kanya

"Ano nga pala yung sinusulat mo dun sa maliit na papel?" tanong ko. Bigla siyang may binulsa. Siguro yun yung maliit na papel

"Wala. wala lang yun" aniya. Anong wala? Halata naman kanina na ayaw niyang ni isa may makakita nun.

"Sigurado ka?" tanong ko

"Sige na nga. Naging mabait ka naman sa akin eh" aniya. Ha? Tiningnan ko siya na parang nagtatanong ang aking mga mata.

"Eto oh" aniya at ibinigay sa akin ang maliit na papel na nasa bulsa niya. Nang aking buksan iyon nagulat ako.

"Ito yung—" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil tinakpan niya ang bibig ko

"Oo, oo, yan yung mga sagot doon sa 1-5 na about doon sa DNA. Yung sinasabi mo kanina" aniya na pabulong. Naalala niya pa yung mga tanong? Ang galing naman.

"Oh? Wow! Thank you! Salamat talaga! I-rereview ko ito" sabi ko

"Basta, walang makakaalam nito ah! Tayong dalawa lang. Kahit sa mga kaibigan mo" aniya

"Sige sige." sabi ko. Habang binabasa ko iyon sa may bintana bigla akong nagulat kasi may nagsalita sa likuran ko

"Ano yan Addilyn?" tanong ni Yani. Ang friend ko nung last year hanggang ngayon

"Wala ito" tugon ko at ibinulsa ang papel

"Weh? Di nga? Ano nga yan?" tanong niya. Naku hindi ito titigil hangga't hindi niya nakikita ito. Pero nakatingin sa amin si Jayden baka magalit yun sa akin

"Wala nga" sagot ko at umirap. Magkukunyari na lang ako na nainis sa kakulitan niya pero sasabihin ko din naman sa kanya mamaya

Umalis na siya at alam kong galit yun, kasi naman. Kung hindi lang nakatingin sa amin si Jayden ay sasabihin ko naman sa kanya


Yani's POV

Nakakainis naman itong si Addilyn! Pero kapag may itinatago ako sa kanya nagagalit siya sa akin. Tapos itong siya ang may tinatago siya pa ang nagalit sa akin! Nakakainis talaga! Nakita kong lumapit si Addilyn kay Jayden, Kailan pa kinausap ni Addilyn yang si Jayden? At ano ba kasi yung tinago niya? Hmp! 

Umupo na lang ako sa upuan ko at nagreview review. Wala pa kasi akong sagot doon sa DNA. Ang hirap kasi tyaka wala akong naintindhan sa tinuro ni ma'am. Seryoso ako, nakakabobo siyang teacher. 

"Uy, Yani", rinig kong boses sa tabi ko. Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala itong si Addilyn. Naalala ko na naman yung ginawa niya sa akin. Di ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagrereview

Mystery Class AWhere stories live. Discover now