×××
Third Person's PovNakisama na nga ang iba sa circle maliban kina Tyler,Chase,Caroline,Trinity at Matt na nanatili sa kanilang mga upuan.
"Rhia simulan mo na." sabi ni Lia kay Rhia. Napatingin naman sa kanya si Rhia na nakapandilat ang mga mata.
"Ano na? Wala pa bang magsisimula?" naiinip na tanong ng isa nilang kaklase.
"Tsk. Ako na nga mauna." singit ni Shirley kaya lahat ng atensyon ay napunta sa kanya.
"Sige na."sabi ni Luke dito.
"Yung about sana dun sa Earthquake Drill.Alam niyo naman yun diba? Nakakainis lang kasi ako yung nasisi. Di niyo naman alam yung totoong nangyari. Nandoon ba kayo sa harap? Diba wala naman? Di ko pa din alam kung sino yung nagpasimula ng lintek na tsismis na yan." may diing sabi ni Shirley. Bigla namang tumingin si Shirley kina Cathy.
"Tapos ang mas masakit yung alam pala ng kaibigan mo tapos di man lang pinaalam. Nagmukha akong tanga nung panahon na yun. Di ko alam na pinag-uusapan na ako ng buong klase pati ng ibang section! Kung di pala sinabi sa akin nina Rhia at Nick, mas tatagal pa yung pagiging mukhang tanga ko." dagdag nito. Wala ni isang nagtangkang sumapaw kay Shirley kaya pinagpatuloy na lamang nito ang kanyang sinasabi.
"Tyaka ikaw Tyler. Sayo daw nagsimula yung tsismis." sabi nito sabay tingin kay Tyler.
"Ako na naman. Kung di ako isa sa mga kaibigan ko." sagot nito.
"Sabi-sabi lang naman yun Shirley. Di ka pa nakakasigurado."ani Rhia. Napairap na lamang si Shirley at nanahimik.
"Sinong susunod magsalita?" tanong ni Luke sa klase.
"Ako na." ani Lia.
"Kay Tyler." anito sabay baling kay Tyler.
"Alam kong mababaw 'to pero kasi kapag sobra na masakit. Yung pagtawag mo sa akin na MiraBella. Masakit Tyler." anito sabay punas ng nagbabadyang luha.
"Biro ko lang naman yun." depensa ni Tyler.
"Hindi kasi lahat ng biro Tyler,nakakatuwa." singit ni Nathalia.
"Oo, tyaka minsan kasi sobra na din yung pang-aasar mo."singit ni Trinity.
At sunod-sunod na ang naglabas ng sama ng loob kay Tyler.
"Akala niyo naman kasi kayo lang nakakaramdam niyan." depensa ni Tyler sa kanyang sarili.
"Kayo kaya sabihan ng bakla. Akala niyo kayo lang. Isa din naman ako." aniya. Napapaluha na siya pero tinatawanan lang siya ni Caroline na katabi nito.
"Kung ganoon dapat di ka na nang-aasar kasi alam mo pala ang pakiramdaman sa sobrang pang-aasar." singit ni Rhia. Natahimik naman si Tyler.
"Yung sa'kin." ani Chase.
"Kung ayaw niyo sa'kin di ko naman kayo mapipilit. Ayoko naman kasi baguhin ang sarili ko para lang sa inyo. Ayokong magustuhan niyo ang hindi ako. Ayokong ipilit ang sarili ko sa mga taong ayaw sa'kin." naluluhang sabi ni Chase. Mapapansin na iyak na din ng iyak si Addilyn at Yani dahil sa tinuran ni Chase.
"Addilyn,ilabas mo na yan." sabi ni Tiff dito. Simula pa lang kasi ng usapan ay umiiyak na ito at mas lalo pang bumuhos nung nagsalita si Chase.
"M-mahina la-ng b-boses k-o." paputol-putol nitong sabi kaya sinabihan ito nila Tiff na huminga ng malalim at pakalmahin ang sarili, ginawa naman nito ang sinabi nila.
"Yung.. Alam niyo naman nung first year pa lang tayo,invisible ako. Ano.. sana lang yung mga nasa top, sana wag kayong mangdown sa mga taong wala sa top." anito. Hinahagod naman ni Tiff ang likuran nito.
"May sasabihin ka pa?" tanong ni Tiff. Umiling naman ito bilang sagot.
"Ano.. Lyn, yung about sa inyo ni Rhianne. Alam mo bang nagmukha siyang kawawa nung iniwan niyo siya? Gusto niya kasi sanang sumama na lang sainyo pero parang nagalit kayo sa kanya kaya sumama na lang siya sa'min." biglang sabi ni Dinah. Umiiyak lang si Rhianne na katabi nito.
"D-di ko alam yun." sabi ni Addilyn.
"Tinawag niya kayo nun. Lumingon si Cathy pero nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad at di na ulit nilingon si Rhianne." dagdag ni Dinah. Mukhang nagulat si Addilyn sa narinig kaya napatingin siya kay Cathy.
"Sabi niya kasi sa inyo sya sasama." sabi ni Cathy.
"Gusto niya na nga sanang umuwi eh pero pinilit namin siyang sumama sa'min." sabi ni Dinah.
"Pag-usapan niyo na lang yan in person Addilyn at Rhianne ha." ani Rhia.
"Dinah yung about sa math." singit ni Nathalia.
"Yung tungkol pala dun, grabe naman kayo! Sabihin bang nilalandi ko si Sir Buenavista para lang tawagin ako at tumaas ang grades ko? Grabe naman." ani Dinah.
"Huh? Saan galing yang nilalandi? Yung amin lang kasi -di-na-ako-magmention- Yung tuwing magtetest pupunta ka sa may table ni Sir tapos magpapaturo ka kung paano yun gawin. Ang unfair lang kasi." ani Nathalia.
"Di ko kasi maintindihan kung paano." anito.
"Pero test kasi yun Dinah." sagot ni Nathalia. Nanahimik si Dinah kaya nanahimik na din si Nathalia.
"Pero guys. Yung pagtrip-an si Dinah? Mukhang mali na yun? Pagpustahan daw ba ng boys." sabi ni Rhianne.
"Ikaw Nathan, bakit ka pumayag? Wala ka man lang ba respeto sa mga babae o baka may respeto ka lang du. sa mga babaeng nagagandahan ka? Tsk iba na talaga sa ngayon. " tanong nito kay Nathan.
"Bes, wala kang alam. Paki-ayos ng words." sabi ni Rhia.
"Sapat na ang alam ko! Na pagkamalan niyo yung dati niyong kaklase na may pagkamalandi 'tong si Dinah! Magkaiba sila panigurado dahil lahat ng tao'y magkakaiba! Pinag-isipan niyo kasi siya kaagad ng masama nung lumalapit siya sa table ni Sir. Kayo ang walang alam. Wala kayong alam sa kung ano ang nararamdaman ni Dinah. Tapos yung mga boys may nalalaman pang papatunayan na parehas lang si Dinah doon sa Trixie na yun?! Ano bang problema niyo? Ganito ba kayo sa lahat ng transferees?" dagdag ni Rhianne.
Tumahimik ang buong room. Binasag naman ni Ivan ang katahimikan ng magsalita siya. Kaunting salita pero ang laki ng impact.
"Alam niyo. Ito lang masasabi ko. Ang paplastik niyong lahat."
××××
AN: Part 1 ♡♡♡
□Gobless everyone and Have a nice day!
□Votes and Comments will be appreciated.~Rin
YOU ARE READING
Mystery Class A
Mistério / SuspenseUtak Talangka- Karamihan sa mga estudyante sa Class A. Karibal, kaaway, kalaban, kaibigan, malapit na kaibigan o maski ang tinuturing mo nang pamilya basta grado ang usapan hihilahin ka pababa sa kagustuhang mapunta sa tuktok.. "Mas masaya kapag n...