"Isang matandang vendor? at dalaga na nagbebenta ng ice buko?" hindi ko makapaniwala sa narinig ko
"Oo, walang kalaban-laban ang dalawa pero walang awa silang pinatay" sagot ni Jordan at ipinakita ang mga pictures ng dalawa na nakuhanan habang nakahandusay sila sa kalye ay wala ng buhay
Tinignan ko ang mga larawan at nakaramdam ako ng awa. Kahabag-habag ang kanilang sinapit. Inilagay ko na ang mga pictures sa lamesa kung saan kami kumakain ngayon ni Jordan at dahil na rin sa libre na ipinangako ko sa kanya. Nasa isang tahimik kami na cafe dahil nga ayokong kumain kami sa pampublikong kainan dahil sa dami ng mga tao lalo na at pribado ang paguusapan naming dalawa.
"Pero..sigurado ka bang kaya mo?" tanong niya ulit upang kompirmahin
Pinunasan ko ang labi ko at uminom ng tubig bago sumagot "Nasa ang profile niya?" tanong ko upang makilala ko muna kung sino ang huhuliin ko
Kinuha niya ang isang black folder sa lamesa at iniabot sakin kaya naman kinuha ko ito. Pagbuklat ko ay nakita ko ang personal informations nito pero hindi ito kumpleto. Napatitig ako sa larawan niya, half body lang pero mukhang matangkad siya, medyo payat at seryoso ang mukha, may sugat siya sa itaas ng kanyang mata, mahaba ang buhok niya, kayumanggi ang balat at nagmumukhang arogante sa unang tingin palang.
"Pwede ko bang picturan ang larawan niya? para hindi ko sana makalimutan"
"Oo naman, basta't huwag mo lamang ipapakita sa iba"
Tumango ako bago pinicturan ang larawan ng lalaki. Bago ko ulit binasa ang profile niya. Carlo Cabrera, 29 years old, nakulong noong taong 2008 pero nakalaya din.
"Anong kaso niya noon at nakulong siya?"
"Nakasaad diyan na sa edad-24 ay bumabatak na siya ng droga, nahuli siya pero nakapag-piyansa din naman kaya nakalaya"
Drug user. "Hindi ko alam kung sigurado bang makakasama ako sa operasyon ninyo."
"Bakit? natatakot ka ba sa kanya?" pabiro niyang tanong habang tumatawa
"Hindi ako takot, ang inaalala ko lang ay nais ko lamang sana munang magpahinga sa trabaho. Alam mo naman sigurong kakauwi ko lamang noong nakaraan" bumuntong hininga ako
Napatango-tango naman siya at mukhang naiintindihan niya ako, sumandal siya sa upuan at tinignan ako habang nakangiti.
"Bakit ka nakangiti?" takang tanong ko
Tumawa siya ng kaunti "Wala ka pading pinagbago, nasa puso mo padin talaga ang pagiging mandirigma. Naiintindihan kita Nikki, pero ikaw lamang ang taong alam kong makakatulong samin ngayon. Ilanh beses na kaming nagbalak na huliin siya ngunit sadyang magaling siyang makipagtaguan, ilang lugar at ilang apartment na din dito sa Tondo ang napuntahan namin pero sadyang madami siyang koneksiyon at palagi siyang nakakatakas. Kasali siya sa Top 10 Most Wanted rito sa Tondo, at nais na sana namin sa estasyon na maging matagumpay ang operasyon na ito dahil baka mas madami pa siyang mabiktima" nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata at ang paghihinayang
Nakonsensiya ako, sabagay ay ako nga ang maaaring makatulong sa kanila. Hindi lamang ang sarili ko ang dapat kong isipin, pero dapat ko ring isipin ang mga taong mabibiktima pa niya sa hinaharap.
Bumuntong-hininga ako ng malalim. "Sige, pumapayag na ako. Kailan niyo ba balak isagawa ang operasyon?"
Nakita ko ang pagngiti niya at ang saya ng kanyang mukha kaya napatawa ako "Tss kung hindi lamang kita naging kasintahan noong highschool ay hindi sana kita tutulungan"
Tumawa din siya at umiling "Salamat talaga Nikki, hindi mo alam kung gaano kami nagpapasalamat sa estasyon. Siguradong matutuwa ang mga kasamahan ko kapag nalaman nila ito"
"Walang anuman, kailan ba ang nakatakdang araw upang isagawa ang plano?"
"September 23, 2019, 11 pm ng gabi, isesend ko na lamang ang adress bukas kapag nakompirma na namin kung saan siya nagtatago"
"Apat na araw mula ngayong. Kung ganun ay itext mo na lamang ako"
"Makakaasa ka"
Tumayo na kami mula sa upuan namin at nagpaalam na sa isa't isa. Apat na araw mula ngayon. Habang nakasakay ng taxi ay hindi ko maiwasang maisip ang pangalang Carlo Cabrera.
Sana ay maging matagumpay ang operasyong ito upang wala na siyang mabiktima pang mga inosenteng tao. Nakakagalit lamang na may mga katulad nilang tao na maiitim ang mga puso, mga walang awa.
Ginugol ko ang natitirang apat na araw ko para mamasyal sa mga lugar na gusto kong puntahan dahil namimiss ko din ang Manila. Wala nga lamang akong kasama dahil nasa Baguio nakatira si Karen, habang ang ibang mga kasamahan namin na mga kaibigan ko ay taga La Union, Romblon at Nueva Ecija.
Napadaan ako sa Baclaran at naghanap ng mga damit at gamit gusto ko din kasing bumili ng mga damit lalo na at wala naman akong paggagastusan ng mga pera ko maliban sa itatago ko sa bangko ko. Wala naman akong pamilya, tanging si lola at lolo lamang na nasa probinsiya sa Samar. Bibisitahin ko na lamang sila pagkatapos ng operasyon namin nila Jordan, namimiss ko na din kasi sila at ilang buwan na akong hindi umuuwi doon.
May nakita akong blouse sa isang stall kaya binili ko ito. Kinalkal ko ang wallet ko sa shoulder bag ko dahil medyo may kahabaan ito pero hindi ko makalkal kaya ibinaba ko muna yung mga pinamili ko at kinalkal ng maayos yung shoulder bag ko, muntik na akong kabahan dahil wala akong makita pero nasa gilid lang pala. Bumunot ako ng paper cash pambayad pero nagulat ako noong biglang may humablot ng wallet ko at sobrang bilis ng mga pangyayari dahil kaagad itong tumakbo at nakipagsiksikan sa dami ng mga tao, aktong hahabulin ko na sana pero wala na akong makita at ang mas malala ay hindi ko pa nakita kung sino ang nagtangkang nakawan ako.
"Nako hija, dapat sa susunod ay nagiingat ka na, madami talagang snatcher rito. Sayang at mukhang galante ka pa" sambit ng lola na nagtitinda habang inaabot ang barya ko
"Oo nga po e" nanghihinayang kong sambit
Nakakairita. Nandoon pa man din ang ibang mga paper bills ko at ang voter's id ko. Buti nalang talaga at hindi ko dinala yung credit card ko kundi hahalughugin ko talaga ang buong Baclaran mahanap lamang kung sino man yun.
#Unexpected_Mistake
#precxxious
BINABASA MO ANG
Unexpected Mistake
Mystery / ThrillerNaatasan sa isang mapanganib na misyon, mapanganib man ngunit balewala ito kay Nikki basta't makapaglingkod lamang sa inang bayan. Buhay ang nakataya, ngunit handang isugal para sa kapayapaan at katahimikan. 2107, apat na numero, ang silid na kanyan...